Prologue

38 10 0
                                    

Prologue.

"Kumusta na ang progress ng imbestigasyon? May lead na 'ba kung sino ang mastermind?" tanong ko agad pagkalapag ng bag ko sa mini table ng detective office ni detective Vince.

"We tried our best to figure it out, but, sorry for disappointment... we didn't," salubong na sambit ni Vince pagkapasok ko pa 'lang sa office nila.

What the hell. Ilang buwan na ang kasong 'to pero wala pa 'ring progress. Buong akala ko ay kaya nilang i-solve ang kaso within a month pero isang buwan na 'lang at mag one year na ang kaso ng parents ko, but, it is still open case.

"Di'ba nahuli niyo ang salarin. The only problem is the mastermind, right? Hanggang ngayon ay hindi niyo pa 'rin ba napakanta?" inis na tanong ko saka pinasadahan ng kamay ang sariling buhok.

"Sorry, pero naabutan na 'lang naming p4tay ang salarin. The witness was also... lifeless." Napasinghap ako at napaiwas ng tingin. Kailan ba matatapos 'to? Kailan ba talaga makakamit ng mga magulang ko ang hustisyang inaasam nila.

Lumapit na ako sa SOCO, NBI, PRIVATE DETECTIVE COMPANIES, and even, NICA. Pero hanggang ngayon, wala pa 'ring progress ang investigation. Who the hell that culprits! Who the hell is the real mastermind. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong sumakit 'yun.

Ilang saglit pa ay tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinapa sa bulsa ng damit ko at sinagot ang tawag- tito Brianne.

"Bakit tito?" bungad na tanong ko kay tito pagkasagot ko ng tawag niya.

"Ano na? May progress na 'ba ang imbestigasyon tungkol sa kaso ng mga magulang mo?" tanong nito sa kabilang linya. Sandali akong napalingon sa wall clock ng tumunog ito- it's exactly seven pm na nang gabi. I clicked my tongue before answering him.

"Wala pa talaga tito. I hate this! I really really hate this! Matataas na mga opisyal ang mga nilapitan ko. Even the well-known detective can't solve this case." Napabuga ako ng hangin at saka padabog na naupo sa bakanteng upuan.

"Ma'am, ihahatid ka 'na po namin, since, we all know that you'd had a many death threats after re-opening your parent's case," wika ng isang batang pulis. Napatitig ako sa kaniya ilang sandali. Itinuwid ko ang pagkakaupo ko at saka nagbuntong hininga.

"I can handle my self. Oo nga pala, asikasuhin niyo ang kaso at 'wag niyo akong alalahanin. Mas magiging masaya pa ako kung ma-solve niyo agad ang kaso," wika ko at saka tumayo na. "I have to go."

Binalik ko sa 'king tainga ang cellphone at narinig ko ang pagtikhim ni tito.

"You should accept his offer; masiyadong delikado sa daan lalo na't ikaw 'lang mag-isa ang uuwi," wika nito sa kabilang linya.

"I'm fine tito, besides, I can handle my self 'no. Bye tito, I'll hang-up this call. Uuwi na 'ko." I end the call and walk on the side streets. Nakalimutan ko pa 'lang dalhin ang favorite Ducati vehicles ko.

Since, iniwan ko sa BPI ang sasakyan ko; I should need to walk an half kilometer to reach it. Napayapos ako sa sarili ng humampas sa 'kin ang malamig na hangin, dapat kasi nagsuot ako ng jacket; specially when I go out.

I'm just humming while walking when someone grab my wrist. Napadaing ako at sinubukan ko'ng magpupumiglas pero dahil sa lakas niya ay wala pa 'rin akong kawala.

"Sumama ka sa 'kin," anang ng matigas na boses.

"Sino ka?" inis na tanong ko at sinubukang alisin ang kamay niya na nakahawak sa 'kin pero mas lalo niya 'lang hinigpitan ang pagkakahawak.

"Pasensiya na miss, napag-utusan 'lang ako." Binunot niya ang 45 pistol mula sa kaniyang bag kaya sa pagmamadali ko ay sinipa ko siya. Hinablot ko pa ang maskara na suot niya at nasugatan ko ang mukha niya. Napadaing siya sakit; sinamantala ko ang pagkakataon at agad na tumakbo papalayo.

"Humanda ka sa 'kin!" sigaw nito.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makakaya ko habang nakasunod naman siya sa 'kin. Sa tuwing pinapuputukan niya naman ako ay panay ang tili ko.

Nang makarating ako sa isang kanto ay wala na akong matatakasan. Walang daan sa kantong 'yun dahil ongoing pa ang reparation sa daan do'n. Nanginig ang buong katawan ko at puno ng pagsisi sa buong sistema ko. Maraming bakit na pagsisisi ang lumamon sa 'kin.

Bakit ko pa kasi iniwan sa BPI ang kotse ko?

Bakit kasi ako nagpagabi?

Bakit kasi hindi ko tinanggap ang alok ng pulis kanina?

Bakit kasi dito ako dumaan?

Maraming bakit ng pagsisi ang lumamon sa buong pagkatao ko. Muli akong napalingon sa kanto ngunit agad 'ring napaatras ng makita ang sign na "dangerous site".

Humahalakhak siya ng mala-demonyo habang palapit sa kinaroonan ko. Gusto ko sanang umatras kaso natuop ang mga Paa ko. Sigurado akong may mga matatalim na bagay ang babagsakan ko sa ibaba.

"Ba't ka kasi tumakbo?" nakangisi nitong tanong habang papalapit sa 'kin. Napalunok ako ng ipinakita niya sa 'kin ang isang injection.

"Hindi naman 'to masakit, 'eh." Mapanuyang wika nito. Napalunok ako habang umiiling. Hindi puwede, hindi 'to puwede.

"Sinong nag-utos sa 'yo? Gusto mo gawin ko'ng triple?" Sinusubukan ko siyang kumbinsihin ngunit mas lalo 'lang ata siyang napahalakhak sa alok ko. Ilang beses na 'rin akong napalunok at parang aalis na ang sariling kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa sobrang takot.

Injection. 'Yan ang ikinam4tay ng mga magulang ko. A strychnine poison ang lumabas sa autopsy ng mga magulang ko.

"Ano? Mamili ka, m4m4tay sa pamamagitan ng strychnine 'o magpatihulog ka? Well... the result, it's look like suicide." Nag-init ang mata ko dahil sa inis habang nakatingin sa kaniya.

"Death glare?" he chuckled. "Hindi na 'yan makakatulong sa 'yo, ngayon."

Humakbang siya palapit sa 'kin kaya napaatras ako. Sa panghuling atras ko ay nadulas ang Paa ko at nahulog ako diretso sa on-going construction ng under pass road.

Napatili ako ng napakalakas. Pumikit na 'lang ako habang hinahanda ang sarili sa aking tadhana. Napaangat ako ng tingin ng may humawak sa pulsuhan ko. Napatingin ako sa may hawak sa 'kin at bumungad sa 'kin ang kaniyang mala-anghel na itsura. Pero ang mas nakakaagaw ng atensyon sa 'kin ay ang kulay lila niya'ng mata.

TO BE CONTINUED....

Guardian AngelWhere stories live. Discover now