AT YOUR WORST

384 26 3
                                    



AT YOUR WORST

Author: Shei lie/Anne lie

Chapter27(book 2)

Patricia's pov

*Pagtapos ng school ay umuwi na muna sa bahay nya si patricia para magbihis naabutan nyang nandon ang bestfriend nyang si sheryl..simula ng pumasok kasi sya ng grade 1 ay naging tagapagtanggol nya na eto sa mga tumutukso sa kanyang mga bagets noon patol sa mga bata kumbaga etong bestfriend nya may kapatid din kasi etong naging kaklase nya...naabutan nyang kalaro neto ang kapatid nyang si niko..*
Sheryl: andto na pala ate mo niko..(sabay humalik sa kanya at sumabit ang walong taon nyang kapatid.)
Niko: ate naghatid po si kuya noel ng kakanin baunin mo daw po sa trabaho..(sabi ng malambing at cute na boses ng kapatid nya)
*..hinawi hawi nya ang buhok ng kapatid. *
Patricia: gusto mo bang kainin..sige na kainin mo na.(na agad naman kumuha ng kutsara ang kapatid at nilantakan ang kakanin na bigay ng kakambal ni sheryl.)
*Ni kahit minsan hindi pa nya naalala na kumain sya sa mga binigay neto..hindi din nya alam kng bakit..siguro kasi naiisip nyang hindi naman sila magkaano ano..hindi din naman sila mag bestfriend kagaya ni sheryl..feeling lang nya na kapag kumain sya non parang awkward ...pero kng nanggagaling naman kay sheryl kinakain naman nya o kahit na anong binibigay ng bestfreind nya.
Sheryl: may dala nga pla ako jan mga damit hinati ko na yan satin dalawa kaya gamitin mo na nilabhan ko na pati..(sabi neto sa kanya.)
*Sabi ni sheryl may kamaganak daw sila ni noel na nagmomodelo sa italy kaya buwan buwan etong nagpapadala ng mga damit kasi isang beses lng daw naman eto sinusuot at ayaw na...kaya naman kahit na naghihingalo si patricia  sa pinansyal ay magaganda ang mga suot nyang mga damit..mukha nga daw syang mayaman sabi ng ilan nyang kapitbahay...dahil daw maganda ang kutis at tisay nyang itsura...ndi alam ng mga kapitbahay hindi naman nya tunay na ilong at mata yun...pero sa kutis kahit sya namamangha din  sa kutis nya mas maganda pa sa kutis ng mga kaibigan nya...kaya naman kapag binibigyan sya ng mga damit ni sheryl galing italy bagay din tlga sa kanya na parang sinukat.*
Patricia: niko matulog kana aalis na ang ate.(sabi nya na tinungo ang kusina)..lola aalis napo ako..(sabay halik sa lola nya.)
Lola: hindi ka man lang kumain muna patricia..
Patricia: hindi napo la,initin nalang po natin yan bukas para po isangag...para po may almusal tayo...saka umalis...(iiling iling naman ang lola nya..)
Lalo: nakakaawa naman ang apo ko sheryl...kitang kita na ang mga buto nya sa sobrang kapayatan..
Sheryl: hayaan nyo nalang po muna sya lola...hindi din naman siguro sya nagpapagutom kasi iisipin din naman nya kayo kapag nagkasakit sya.
*Habang naglalakad si patricia papunta sa lugawan naiisip nya ang babaeng kagabi ay lasing...hindi iyon mawala sa isip nya mula kagabi...yung amo ng mukha nya na parang ang lungkot lungkot o bka dahil lang sa kalasingan...ang maganda nyang mukha...ang slim at sexy netong katawan...dalawang beses nya etong nakita sa isang araw ...ang ganda din ng mga labi nya...napasapo sa ulo nya si patricia..*
Patricia: bakit ko ba naiisip yon...may mga magaganda nadin naman akong  nakikita...siguro masyado ko lang na appreciate yung ganda nya...pero tlgang maganda sya eh...kelan ko kaya ulit makikita ang ganda na yun...Marahil hindi na kasi ngyon ko lang nakita yung napakagarang sasakyan na yun bka may katagpo lang o boyfriend...napatigil si patricia sa naisip nyang bka nga may boyfriend yun..
"napakaswerte naman ng boyfriend nya isipin mo araw araw nakakasama nahahalikan nya yung ganun kaganda"(napatigil sa paglalakad si patricia) gaano kaya sya kasarap halikan???(sabay hawak sa labi nya at napapikit..)
"Ang lambot at sarap naman ng labi mo...ansarap naman halik halikan"uuuuuhhhmmmm"
HOY PATRICIA!!
* nagulat sya ng nsa harapan nya si noel*
Noel: ano ba yang iniimagine mo at nakahawak ka jan sa labi mo?
Patricia:(walkout)ano na naman ba yun noel..nagugulo ang mundo ko kapag andyan ka,antahimik ko lang eh, kapag kasama kita ang ligalig. (Aniya.)
Patricia: sh***t bakit ko ba iniisip at naiimagine yung magandang babae na yun...babae din naman ako...ska isa  pa hindi ko narin naman sya makikita o sana man lang makita ko ulit sya...(bubuntot buntot si noel ng makarating sila sa lugawan na pinagtatrabahuan ni patricia sa gabi)
*.ilang oras ang trabaho ni patricia umaasa syang sana ay may lasing ulit na babaeng  malakas ang tama ng alak na oorder ulit ng lugaw at kape..this time pag hinawakan sya sa kamay hahawakan nya na rin..pag inamoy ang kamay nya syempre aamuyin nya rin ang kamay neto..*
Patricia: mag amuyan kami total naman lasing sya di nman nya siguro matatandaan yun...kung kagabi ko siguro naisip to bka lalo ko di malimutan kapag nasamyo ko ang amoy nya...sayang sana ginawa ko nalang yun kagabi...

AT YOUR WORST  (book 2)Where stories live. Discover now