CHAPTER 1:

24 3 0
                                    

CHAPTER 1:

"Bess, akitin mo kaya si Kuya."suwesyon ng kaibigan niya na halos ikabuga niya ng iniinom niyang tubig. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko? Guwapo naman si Kuya, ah. Hindi ka na lugi no!"ani ng kaniyang kaibigan na tinawanan niya lang.

"Nababaliw ka na."nasabi niya rito.

"Why? Maganda kaya ang suwesyon ko. Tutal wala ka rin namang jowa. Bakla lang si Kuya pero pwedi pa 'yon mag bago. Siguro pagna-akit mo siya."ani ni Flore na ikina-iling niya lang at natatawa.

"Do you think na madadala ang kuya mo sa pang aakit ko? E' sa itsura ko pa lang, baka itulak niya na ko palabas ng apartment niya. Hindi ako pang isang ideal girl. Pangit ako. Mas gugustohin ng kuya mo ay 'yong mas sexy at mas maganda pa kesa sa'kin, kaso nga lalake ang gusto ng kuya mo, kaya mga guwapo at may abs ang tipo n'on."

"Malay mo naman mapabago mo siya,"sabi nito.

"Malabo, Bess. Suwesyon ko, maghanap ka na lang ng mas higit sa'kin. 'Yong literal na kaka-akitan ng kuya mo. 'Yong mas maganda at mas sexy. Malay mo bumigay ang kuya mo d'on at di na maisipan maghanap ng lalake."suwesyon ko naman sa kaniya na ikina-busangot lang nito.

"Mas gusto kita kay Kuya."

"Kaso ang kuya mo ang malabong magka-gusto sa'kin. Haha,"ani niya sa kaibigan at natatawa siya dahil hindi pa rin mapinta ang mukha nito.

"So, gusto mo si Kuya?"agarang tanong ni Flore, kaya agad siyang napalingon rito.

"No.I'm not,"agarang depensa niya.

"Uy, defensive siya. Kailan ka pa nagka-crush sa kuya ko?"kinikilig na tanong nito na ikina-iwas niya lang ng tingin dito para maiwasan ang mapanuksong tingin nito.

"Wala akong crush sa kuya mo no'."

"E' bakit namumula ka?"tanong nito sa kaniya na agad niyang ikinadampi sa magkabilaang pisngi niya.

"Sus, guni-guni mo lang. Hindi ako nagba-blush,"pagtanggi niya pa kahit halata naman na nabuking na siya ng kaibigan.

"Yiiiehh. Ang Beshy ko may gusto kay Kuya,"tukso nito na ikinahampas niya sa braso ng kaibigan.

"Mag-tigil ka nga. Baka marinig pa tayo ng kapatid mo, baka isipin n'on totoo,"suway niya sa kaibigan.

Nasa sala kasi sila ng bahay ng kaibigan niyang si Flore. Umuwi ito at isinama siya ng kaibigan para lang bisitahin ang magulang nito pero n'ong dumating sila ay saka namang kaka-alis ng mga ito, kaya naisipan na lang din nilang magtambay roon. At ayon sa kasambahay ay kadarating lang din ng Kuya nito at nasa sariling kuwarto ito.

"E' totoo naman. Yiiehh, ang Beshy ko. Pumayag ka na. Akitin mo si Kuya,"pangungulit nito.

"Pa'no aber? E' minsanan lang kami magkita ng Kuya mo. At isa pa magka-iba ang apartment na tinutuloyan na'min, kaya malabo. At isa pang rason may jowa na ang kuya mo,"ani ni Margo na halos pabulong na ang panghuli. Halata ang pagka-dismaya dahil may jowa na ang taong ginusto niya. At ang masaklap pa ay lalake ang ginusto nito malayo sa kung ano siya.

"E' 'di lumipat ka ng malapit sa apartment ng kuya."

"Pa'no mangyayari 'yon? Ang mahal ng tinutuloyan ng kuya mo. Alam mo nang hindi ako kasing yaman niyo. At hindi ko afford na mangupahan para sa mamahaling apartment. Alam mo nang may pinaglalaanan ako ng pera ko,"nasabi niya sa kaibigan.

"Then let me help you. Ako ang magbabayad ng upa mo, but to repay me akitin mo ang kuya ko,"pagpupumilit pa rin nito.

"Itigil na nga na'tin ang usapan na 'to, Flore. Baka marinig pa tayo ng Kuya mo at baka mainis lang ako sa'yo. Hindi ako disperada, Bess. Wala din akong balak manira ng relasyon ng iba. I can find someone na walang sabit,"nasabi niya sa kaibigan at ipinagpatuloy nang tapusin ang naka-haing pagkain.

"Hay... Gusto ko lang naman kasing maging lalake ang kuya. Ayaw ko sa jowa niya. Feeling ko pini-pera-han lang siya. Alam mo naman kung saan halos nauubos ang sahod ng kapatid ko. Nakakapag-bigay naman siya sa parents namin, but mas lamang sa BF niya at halos wala rin siyang tinitira para sa sarili niya,"malungkot na ani ng kaibigan. Na ikina-lungkot din niya. Alam niya naman ang pinupunto ng kaibigan pero wala siya sa posisyon na baguhin ang pagkatao ng kapatid nito. Dahil kung tutuosin ay hindi naman siya kagandahang babae para maakit ng ganoong kadali ang kuya nito. Kung kaya niya itong akitin sana noon pa nang hindi pa ito nagjo-jowa.

"Wala tayong magagawa, Bess. You only need is to support sa kung ano man ang desisyon ng kuya mo sa buhay niya. Be happy for him. Malay mo balang araw matanggap mo din ang kung ano at sino ang kuya mo, at maging ang kung sino man ang iibigin nito. Kailangan mo lang ng mahabang panahon para sa araw na 'yon,"payo niya sa kaibigan.

"Pa'no ka?"tanong naman nito sa kaniya.

"Anong pa'no ako?"

"E' di ba, gusto mo ang kuya? Anong plano mo sa nararamdaman mo para sa kaniya?"

"Mababaw pa lang ang nararamdaman ko para sa Kuya mo. Kaya madali lang 'tong maglalaho. Malay mo may taong dumating na mas better, para sa'kin,"ngiti niyang sabi rito.

"I hope na si Kuya 'yon,"pagpupumilit pa rin nito na ikina-gulo niya na lang ng buhok ng kaibigan.

"Hey! Stop doing that,"suway sa kaniya ng kaibigan.

"Ang arte naman,"nasabi niya rito at natawa. Pero imbis na tigilan ang pag-gulo sa buhok nito ay mas lalo lamang niya iyong ginulo na ikina-sama ng tingin sa kaniya ng kaibigan. Napa-belat siya, dahilan kung bakit mas lalong naasar sa kaniya ang kaibigan kaya bago pa man ito lumapit sa kaniya at tumakbo na siya palayo rito habang tumatawa.

Naghahabolan lang sila sa buong kusina hanggang sa naisipan ni Margo na lumabas ng kusina at tumakbo papuntang sala. Hindi matigil ang paghahabulan nila hanggang sa hindi na nga nila namalayan na nakababa na ang kapatid ng kaibigan at saktong paghakbang niya patalikod ay siyang pagbunggo ng likod niya sa isang bagay.

Kaya agad siyang napalingon roon at halos manghina ang mga tuhod niya dahil ang kuya ng kaibigan ang kaniyang nabunggo. Kung hindi lang siya nahawakan ng maagap ng kuya ng kaniyang kaibigan ay baka tumihaya na siya sa sahig. Ngunit sa paghawak nito at paghila sa kaniyang braso papalapit rito ay siyang dahilan kung bakit mas lalong nagkadikit ang kanilang mga katawan kasabay nito ay siyang pagkakalapit ng kanilang mga mukha.

Ilang minuto sila nasa ganoong posisyon at halos walang balak rin bumitaw sa pagkakatitig sa isa't isa. Kundi lamang tumili ang kaibigan dahil sa sobrang pagka-kilig dahil sa sitwasyon nila ng kapatid nito.

Saka lamang siya natauhan at maging ang kuya nito kaya agaran siya nitong binitawan kasabay no'n ay ang pagbibigay ng sama ng tingin sa kapatid. Siya naman ay napatalikod at sinisinok.

Nang maka-alis ang kuya ng kaibigan ay saka lamang siya nilapitan nito at hinampas siya sa braso.

"Beshy! Kinikilig ako sainyo kanina. Bagay na bagay talaga kayo ni Kuya,"kinikilig pa rin ito at maging siya ay napapamulahan dahil sa insidenteng nangyari.

"Uuwi na'ko, Bess."

"What? May mali ba kong nasabi?"nalungkot na sabi ng kaibigan.

"Tange! Wala no. Mag-gagabi na, and I still have a lot to do. Lalo na at kailangan ko pang taposin ang sinusulat ko, madami nang readers ang nagagalit sa'kin."natatawa niyang sabi sa kaibigan at saka dinampot ang bag bago tuluyang umalis.

Napatingin pa siya sa taong kakalabas lang ng kusina na naka-tingin rin pala sa kaniya, ngunit napa-iwas rin agad ng tingin ng tumingin siya. Napa-ngiti na lang siya dahil roon, bago tuluyang tumalikod at maglakad palabas ng bahay ng mga ito.

Kung kaya niya lang talagang akitin ito ay gagawin niya. Ngunit hindi rin naman siya uri ng babae na disperada. Ayaw niya na dumting sa punto na siya ang magiging bunga kung bakit may masisirang relasyon.

Tutol siya sa suwesyon ng kaibigan. Kaya hahayaan niya na lang ang tadhana na siyang dumikta sa magiging kapalaran ng buhay pag-ibig niya.

Seducing Mr. MONTESSORI Where stories live. Discover now