CHAPTER 14

471 18 6
                                    

“Parang hindi tayo nakikita ng mga zombie.“ Sabi nung weirdo.

Dahil dun ay agad kaming nagulat.

“Seryoso ka?“ Tanong ni gelo.

Tumango lang yung weirdo tsaka niya kinuha ang mga polong may mga dugo tsaka niya sinuot.

“Pwede bang buksan ang pintuan? Bababa lang ako.“ Sabi niya.

Biglang lumaki ang aming mga mata sa narinig.

“H-hoy, hindi mo na kailangan pang bumaba para lang maniwala kami.“ Sabi ni gelo.

Ngumiti lang yung weirdo at dito nga ay pinag bigyan namin siyang bumaba.

Nang makababa na siya ay dito na kami nagulat, dahil hindi nga siya nakita ng mga zombie, bagkus ay lumayo pa nga ito sa kanya dahil sa amoy ng mga polong nakabalot sa buo niyang katawan. Pero hindi siya nagsalita o gumawa ng ingay.

Pagkatapos nun ay agad rin siyang bumalik sa taas at dito nga ay nagsalita siya.

“Tama nga ang hinala ko.“ Sabi niya.

Napakunot ako ng noo, kaya nagsalita ako.

“Anong ibig mong sabihin?“ Ika ko pa.

Ngumiti lang siya at nagsalita.

“Virus ang sumira sa mga organs nila, bacteria naman sa balat, at parasites sa utak. Namat*y ang mga tao dahil nasira ang mga organs nila, gumagalaw sila ngayon dahil sa parasites na nag di-dekta sa mga organs. Ang katawan ng tao ay umaasa lang sa mga pangunahing panloob, at ito ay ang mga organs natin.“ Pag paliwanag pa nung weirdo.

Agad namang nagsalita si gelo.

“Diba utak ang nag di-dekta at nag ko-kontrol ng katawan natin?“ Tanong niya.

Agad ko naman siyang sinapak tsaka ako nag salita.

“Kaya nga! (Sabay sapak sa ulo) kaya nga nakontrol ng mga parasites ang tao dahil nasa utak sila okay?“ Sagot ko.

Agad namang napatango si gelo.

“Kung pat*y na ang tao, edi hindi na gagana pa ang organs. Pat*y na nga diba? Ibig sabihin huminto na ang mga organs sa kakatrabaho para sa katawan ng host.“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad akong napaisip, kaya yung weirdo na ang sumagot.

“Oo, pat*y na ang host kaya nakontrol ng parasites ang katawan, kasi pag buhay pa ang tao, ibig sabihin bawat minuto ay nag po-produce ito ng mga vitamins at mas lalong magiging healthy ang immume system, dahil bawat segundo ay nag po-produce ang katawan natin ng good bacteria na lalaban sa mga virus, parasites, at bad bacteria.“ Ika pa nung weirdo.

Nang marinig ko ang sinasabi niya ay mas lalong gumugulo ang utak ko.

“Akala ko ba natalo ng mga bad bacteria ang mga good bacteria kaya sila naging ganyan?“ Tanong ko.

Sinagot naman ito ni weirdo.

“Oo nga, hindi naman matatalo ang mga good bacteria dahil bawat minuto ay nag po-produce ang katawan ng tao ng good bacteria para may lumalaban sa kanila. Kaso may virus, ang virus ay sumisira sa organ kaya imbes na mag produce ng good bacteria ang katawan ay nagitil ito ng kusa dahil sinira ito ng virus. Nang masira na nung virus ang organs ng tao ay tsaka lang titigil sa kaka produce ng good bacteria ang ibang cells. Dahilan ng pagkatalo.“ Sabi niya.

Well, medyo naintindihan ko ang part na yun.

“Okay, sabi mo ehh.“ Ika ko pa tsaka ako nagtanong.

“Anomg konek nun sa ginawa mo kanina? Bakit hindi ka nila kinagat o nakikita?“ Sabi ko.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now