PART 3

299 27 25
                                    

JOSH'S POV

"Ano nanamang problema mo at ang sama nanaman ng tingin mo sakin?" Tanong ko kay Felix na tumutungga ng beer habang di inaalis ang tingin sa akin. Andito sila sa apartment ko dahil niyaya kami nitong mag shot dahil sa nangyaring kahihiyan nya daw kanina.

Nong nagkukwento sya about sa encounter nya kay "Barbie daw" ay di namin mapigilang matawa sa kanya.

First time kasi na nangyari to kay Felix. Sinisi pa nga ako dahil di ko manlang daw sinabi na yung kinainisan nyang lalake at yung chiks daw na sinend ko sa kanya ay iisa. Nagmuka daw tuloy syang tanga sa harap ni Pablo. Tanggal angas daw sya dahil na tulala pa sya sa gandang lalake raw nito.

"Bwisit ka, bakit ba naging kaibigan kita." Maktol nito.

"Oh tapos ano pang nangyari after mong malab at first sight sa kanya?" Biro ni Mav kay Felix.

"Lab at first sight mo muka mo. Di noh." Tanggi ni gago kahit halata naman sa kanya na nagkacrush sya kay Pablo. Namumula kasi tenga nito pag nahihiya.

"So ano nga nangyari after?" Usyoso din ni Joshuel.

"Wala na, pinalayas na nya ko. Marami daw syang gagawin at iniistorbo ko daw sya." Di naman namin mapigilang pagtawanan sya dahil di umubra kay Pablo ang pagiging anak ng may-ari ng school nya.

"Ginanon ka men? Pumayag ka?" -Mav

"Tanggal angas dre. Hina mo." -Joshuel

"Sabagay. Si Josh nga binasted non." Dagdag pa ni Mav at saka nakipag high five kay Joshuel.

Mga gago talaga. Dinamay pa ko.

"Tsk, wag nga natin syang pag usapan. Naiinis lang akong lalo sa kanya." Ani ni Felix at saka tinungga yung beer na hawak.

"Naiinis daw pero crush pa rin naman." Inasar ng inasar nila si Felix habang yung isa naman ay puro depensa ang ginagawa. Hanggang sa di na namin namamalayan na napaparami na pala kami ng inom ng alak. Medyo maingay na rin kami at alam kong ano mang oras ay kakatok na sa pinto ng apartment ko ang kapit bahay ko para magreklamo.

Haissst., pano ko ba patatahimikin tong mga unggoy na to? 😓

****

KEN'S POV

"WALA NA TAYONG ALAK." Sigaw ni Mav habang tinataas ang empty bottle na hawak. Pagkatapos ay tinaktak taktak pa nito ito sa kanyang bibig upang simutin ang hiling patak nito.

"Padeliver na lang tayo. Tinatamad na kong lumabas." Suggest naman ni Josh.

Ang tatamad talaga ng mga hinayupak.

Dahil nga sa tamad din ako ay sumang-ayon na rin ako sa sinabi ni Josh. Ako na rin ang nag order para di na sila mapagod. Tutal naman ako rin ang nagyaya sa kanila.

Habang naghihintay kami ng grab delivery namin ay napagdisisyonan na lang naming mag Videoke since wala rin naman kaming magawa. Si Josh naman ay napagpasyahan na pumunta ng kusina para magluto ng kung ano para naman daw may kainin kami habang naghihintay. Pero bago pa ito pumasuk ng kusina ay sinabihan kami nito na wag masyadong maingay dahil baka daw makaistorbo kami sa kapit bahay.

At dahil sa dakilang pasaway tong mga kasama namin ay mas nilakasan pa ni Mav ang volume ng speaker.

"Bahala kayo. Sinabihan ko na kayo ah. Pag yung kapitbahay ko kumatok, kayo ang ihaharap ko." Banta ni Josh sa amin.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: May 03 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Barbie & KenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu