"Ang agang yosi ah."
Naabutan ko si Gab na nag-yoyosi sa labas ng 7eleven sa kanto papunta sa clinic.
"Good morning." bati niya sa akin at ngumiti saka pinatay ang sindi ng yosi at itinapon sa basurahan sa tabi niya.
"Good morning." bati ko sa kaniya. "Bakit ang aga mo?" tanong ko.
Kumunot ang noo ni Gab at hinawi ang basa kong buhok na nakalugay paalis sa may balikat ko.
"Hmmm..." sabi niya habang may tinitingnan sa leeg ko.
"What?" tanong ko.
"Kasama mo nanaman si Golden Boy" sabi niya.
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman? Agad akong kinuha ang maliit salamin sa loob ng bag at tiningnan ang leeg ko. Wala namang meron. He's playing with me. Tiningnan ko siya ng masama at hinampas sa braso habang tawa siya ng tawa.
"Hahaha!!! Grabe iyong reaksyon mo. Nahuhuli ka eh." sabi ni Gab.
"Bwisit ka! Eh ano naman? Boyfriend ko naman si Tom." sagot ko at naglakad palayo sa kaniya.
"So you're still together?" tanong ni Gab habang sinusundan ako.
"Oo bakit? Inggit ka?" tanong ko at pakinig ko ang nakaka-inis niyang smirk.
"Bella!"
Napakinggan ko na lang ang malakas na sigaw ni Gab. The next thing I know ay naka-yapos si Gab sa akin at pakinig ko ang malakas na kabog ng dibdib niya dahil naka-tapat ang tenga ko sa dibdib niya.
"Gago!" sigaw ni Gab sa dumaan na motor.
Hindi ko maintindihan pero parang tumigil ang oras sa mga sandaling yakap ako ni Gab. Hindi ito ang unang beses na niyakap niya ako, pero parang may iba sa mga yakap ni Gab.
"Tarantado!" sigaw pa niya. "Okay ka lang? Nasaktan ka?" tanong ni Gab sa akin.
Kahit natatakluban ng wavy niyang buhok ang mata niya ay kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Parang bumalik lang ako sa sarili ko nang alugin ako ni Gab.
"I'm okay." mahina kong sabi. "I'm okay, Gab. Thank you." sabi ko sa kaniya.
Muli akong niyakap ni Gab at inakbayan papasok sa clinic. Hanggang sa muling pag-yakap ni Gab sa akin pakinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Iyong tibok na... natakot siya.
"Good morning Bella Girl!" bati ni Ate Joey sa akin.
"Good morning Ate." sabi ko at nag-time in sa biometrics.
"Ang aga mo Sir Gab ah." sabi ni Ate Joey sa kaniya.
"Napa-aga 'yung alarm, Ms. Joey." sagot niya at tumawa si Ate Joey.
"Puro ka talaga kalokohan, Gabriel." sagot niya.
Pagka-time in ko ay umakyat kami ni Gab sa staff room. Halos naandoon na silang lahat pag dating ko. Agad akong bumati sa kanila, bumati rin naman sila sa akin. Pag-upo ko sa upuan ko para mag-ayos, tumabi si Gab sa akin at umub-ob.
"Pumasok lang talaga siya ng maaga para maki-aircon at matulog." sabi ko habang naka-tingin sa tulog na Gabriel.
"Iba ka talagang level, beshy." sabi ni Lovelle na katabi ko.
"Let's go?" sabi ni Lovelle sa akin.
"Aja!" naiiyak kong sabi na tinawanan lang niya.
☆゜・。。・゜゜・。。・゜★