P R O L O G U E

34 3 0
                                    

“Yani, Hindi kaba talaga sasama reunion ng batch natin ah.” bigkas ng kausap ko mula sa kabilang linya.

Here we go again.

Halos mag da-dalawang linggo na akong paulit-ulit kinu-kulit nito.

“Janice, alam mo naman na hindi na tayo magka-batch diba? Nauna kang gumaraduate saakin.” iyan ang paulit-ulit kong binabanggit sa kanya. Pero, paulit-ulit din n'yang tinatanggi na maski ganito-ganyan.

“Wala akong pake. Kung nauna man ako o hindi. You're still our batchmates.”

“Gustuhin ko mang umalis pero hindi pwede. Alam mo naman kung ano ang sitwasyon ko diba.”

“Sige na pumunta ka na kasi. Sigurado akong matutuwa ang mga ka batchmates natin kapag nakita ka. Atsaka si Jared sponsor nito ano. Kaya sige na.” pamimilit pa nito. Saglit akong natigilan ng marinig ulit ang pangalan na matagal ko ng kinalimutan.

“Hello, Yani? Nandyan ka paba? Anyway, simula noong umalis ka naging matino na yan si Jared di nga namin alam kung bakit e, Basta nagising na lang kami Isang araw na bigla nyang sineryoso yung pagaaral nya. Ano ba talagang nangyari? Diba may rumor na kayo Totoo ba yun? Or chismis lang din? Ano bang pinakain mo sa lalaking iyon? Pati babae hindi na pinapansin e, kung dati naman parang every week or day ata may kasamang babae.” mahabang lintanya nito.

Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa mga binabanggit nya. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanya simula noong umalis kami ng Sta. Ana hindi na ako nakibalita sa kahit kanino pa na nandoon. Isa pa wala din namang alam ang mga kaibigan ko sa kalagayan ko. Na maski sila nagtatanong saakin kung nasaan na ba daw ako. Ang tanging nakakaalam lang ng kalagayan ko ay ang kapatid ko pati si nanay at Wala ng kung sino pa.

“Yani, kailan ka ba kasi uuwi nang Sta. Ana nagtatampo na kami sayo ha. Ang tagal mo ng wala. Wala ka bang balak umuwi dito. Noong pumunta kami sa inyo tapos tinanong namin yung kapatid mo tsaka si nanay mo wala naman silang sinasabi.” napatawa na lang ako sa aking isipan dahil sa binanggit nya. Ang kulit talaga.

“Soon nakikita nyo din ako.” tanging bigkas ko na lang.

“Bali-balita ngayon na tatakbo daw bilang Mayor si Jared ah. Sya daw papalit sa tatay nya. Since, tatakbo daw bilang gobernador yung tatay nya.” rinig kong bigkas ng kung sino mula sa kabilang linya.

“Ay naku! Sigurado nang mananalo Yan si Jared abay! Nagmana pa naman sa tatay.” panggagatong ng isa pa.

“Yani, tawag ulit ako next time ah. Bye, ibaba ko na. Ingat ka.” pagpapaalam ni Janice mula sa kabilang linya ng telepono.

“Ok, bye. Ingat din kayo. Take care.” pabalik na bigkas ko.

“Hoy! Sino Yan?! Si Yani ba Yan? Pakausap. Yani! Hello?! Yani!” sigaw ng kung sino bago tuluyang maputol ang linya. 

“Yani, kumain ka na muna.” Rinig kong tawag ng kung sino mula sa likuran ko.

“Sige. Thank you! Kuya.” nakangiting bigkas ko nang ilapag nya sa harapan ko ang pinggan na may lamang pagkain.

“May gusto ka bang kainin ngayon? Sabihin mo lang kay kuya ha. Hahanapin ni Kuya para sayo.” makahulugang bigkas nito.

“wala naman. Masyado pero thank you talaga kuya ha. Sa inyo dalawa ni ate pasensya na nakakaisturbo pa ata Ako sa inyo.”

“No, need to say that. Ako nga dapat ang humingi ng pasensya dahil hindi ako nakatulong sa pamilya natin simula noong nawala si tatay. Ikaw ang sumalo sa dapat ako ang gagawa.”

“Kuya, Wala na yun. Tsaka naiintindihan ka namin may pamilya kana hindi mo na kami sagutin kaya na namin ang sarili namin.”

“Kahit na hindi pa din tama ang ginawa ko. Ako ang kuya dapat mas maintindihan ko si nanay dapat tumulong ako sa inyo.” napahinga na lang ako ng malalim dahil sa binigkas n'ya.

“tsk, toxic. Hindi mo na nga kami kargo. Unless pinagsisisihan mo na nagkaroon ka ng anak. Nakilala mo si ate Jane. Kaya alisin mo sa isip mo yan. You can lived on your own. And we are also. Kami na ang bahala sa sarili namin.” Nang lingunin ko si Kuya nakita ko ang pangigilid ng luha sa gilid ng kanya mga mata.

“Tama na nga Ang drama na natin. Kumain kana para sa pamangin ko.” natawa na lang ako sa binggit nya.

Wala sa sariling napayuko ako atsaka ko marahang hinaplos ang naka-umbok kong tyan. Parang kailan lang umiiyak pa 'ko sa harap ni nanay noong malaman kong Buntis ako ngayon ilang buwan na lang ang bibilangin malapit ka nang lumabas. Makikita kana rin ni mama.

Yes, I'm pregnant with Jared child. The running mayor of Sta. Ana. And starting today I'm hiding his son.
I'm hiding the mayor's son.

The Mayor's SonWhere stories live. Discover now