01

96 11 0
                                    

Namamangha talaga ako sa ganda ng lugar, ito kasi ang lugar na madalas naming puntahan ng daddy ko bago siya mawala.

Ito ang araw ng pahinga ko galing sa sideline ko sinamantala ko na. Pumunta ako sa lugar kung saan payapa ang buhay ko.

Tahimik kong pinagmamasdan ang kapaligiran habang hawak ko ang camera ko.

Nakatutok na ito sa paglubog ng araw pipindutin ko na sana nang biglang...

"Ano yun?" mahina kong tanong sa sarili ko nang may mahagip akong malaking ilaw na tumama sa bandang likod ng bundok.

Nagulat ako dahil hindi pa pala nagtatapos doon, malakas na lumindol sa lugar kung saan ako nakatayo. Sa pagkataranta ko aksidente kong nabitawan ang hawak kong camera.

Kukunin ko pa sana, napasigaw nalang ako dahil nawalan ako ng balanse. Akala ko katapusan na ng buhay ko kaya napapikit nalang ako.

--

KRINGGGGG! (malakas na tunog ng alarm)

Nagmamadali akong bumangon sa kama ko sabay buntong hininga "Panaginip lang pala akala ko totoo na" habol hininga kong sambit.

Nabaling ang atensyon ko sa taong biglang pumasok sa kwarto ko.

"Ate! gising kana pala, breakfast is ready kaso nasunog yung itlog wala palang mantika" pagbati sakin ng nakababata kong kapatid na si Chase.

"Hay nako, Chase Andrei! nagsayang ka nanaman ng pagkain" maagang panenermon ko sakaniya.

--
6:30 am

Pinagmamasdan ako ng kapatid ko na maganang kumakain kaya tinanong niya ako "Mukbang yarn? grabe hindi naman kita aagawan tsaka akala ko ba ayaw mo ng sunog?" pangaasar niya sakin.

"Masama nagsasayang ng pagkain, teka nga maiba tayo kumusta grades mo?" tanong ko sakaniya na medyo puno pa ang bibig.

Sumandok muna siya ng kanin bago ako sagutin "A-ano hindi pa naman sila nagre-release ng grades kaya siguro nextweek pa namin malalaman" sagot niya.

"Siguraduhin mo lang na maayos grades mo, tandaan mo tayo nalang dalawa sa buhay kaya ayusin mo pag-aaral mo".

"Oo na ate, sige na malelate na pala ako wag mo na ko bigyan ng baon kasi kumuha na ko sa wallet mo" nagmamadaling kinuha ang bag tsaka lumabas na.

"HA!?" agad kong kinuha wallet ko sa bag ko "unggoy na yun! CHASE!"

--

3:30 pm

Abala ako sa pagkuha ng litrato sa museum, nadadaanan ko ang bawat artworks na ginawa ng mga sinaunang pintor. Pati na rin ang mga artworks na hanggang ngayon ay kilala pa rin.

Napansin ko ang isang artwork na kakaiba, hindi ko maintindihan kung ano ang gustong iparating ng artwork na yun.

Kakaiba ito sa lahat.

Inilapit ko ang sarili ko na may pagtataka. Tinitigan ko nang mabuti ang artwork na yun. Nagulat nalang ako sa malakas na boses mula sa likod ko.

"Ate!" masiglang bati ni Chase sakin

Nakangiti pa ito na parang nakakabwisit.

"Jusko! nanggugulat ka, nagcutting kaba?" sermon ko agad sakaniya.

"Hindi noh! maaga lang kami dinismiss ni ma'am kasi may mga meetings sila, tsaka alam ko na dito ka pupunta kaya sinundan na kita" sagot niya sakin.

Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa artwork.

"Chase, tingnan mo tong artwork. Naiintindihan mo ba?" tanong ko sa kapatid kong ungas.

"Parallel" maikling tugon niya.

"Parallel? totoo kaya yun?" tanong ko ulit.

"Hindi ko lang alam ate, pero nababasa ko kasi sa mga libro na posibleng may ibang mundo pa bukod sa atin" maikling pagpapaliwanag niya.

--
7:05 pm

Nakauwi na kami. Agad kong inilapag ang mga ipinamili naming supplies para sa bahay at pagkain.

"Ate anong gusto mong ulamin ngayon?" tanong niya sakin habang nakangiti na parang may masamang binabalak.

"Wag na, susunugin mo nanaman ako na magluluto. Magbihis ka nalang dun"

"Sige sabi mo eh" agad na umakyat.

--

Tahimik kaming kumakain nang tanungin ko ang kapatid ko tungkol sa artwork na hindi mawala sa isip ko.

"Chase, tingin mo sa mundo natin ngayon possible kayang may parallel universe? like anytime pwede tayong mapunta doon?" tanong ko sakaniya.

"Siguro, pwede kasi may mga bagay sa mundo na hindi pa nadidiscover ng mga tao malay ba natin kung pinagaaralan rin tayo ng ibang tao mula sa parallel natin" mahabang tugon niya.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at hindi ko na masyadong iniisip ang tungkol doon.

--
Kinabukasan.

Napagpasyahan naming mamasyal ng kapatid ko, sabado naman kaya naisip naming sulitin ang araw na walang mga mahalagang gawain.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now