02

45 10 0
                                    

"Mahal na prinsipe kami po ang mapapagalitan ng iyong ama kapag nalaman niya na lumabas ka nanaman ng palasyo" pagpigil sakaniya ng isa sa mga tagapaglingkod.

"Hindi niya malalaman kung walang magsusumbong, saglit lang naman ako at babalik ako bago magdilim" sagot niya rito.

May isang matandang tagapaglingkod ang pumasok kasama ang iba pang mga katulong. "Prinsipe Farris ano nanaman ito? binabalak mo nanaman lumabas ng palasyo?" tanong nito.

"Saglit lang ako, babalik ako agad basta wag niyo na lang ako isumbong, okay?" nagmamadaling nitong inaayos ang mga gamit panglakbay.

Nagbulungan ang mga tao sa paligid at nagtataka sa bagong salitang narinig nila. "Okay? bago sa pandinig natin? ano ibig sabihin?" bulungan sa bawat sulok ng silid.

Agad na bumaba si Farris sa malaking bintana na may nakataling lubid pababa.

"Natutunan nanaman niya sa naiwang mga libro ng kanyang namayapang ina".

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ay ipinanganak at lumaki nang kaunti ang prinsipe sa mundo ng kaniyang ina.

-
Naglalakbay na ang prinsipe hanggang sa makabungguan niya ang isang batang palaboy sa daan.

"Oh? ayos kalang ba bata?" mahinahong tanong niya rito.

"Mahal na prinsipe? pasensya na po wag niyo po ako ipakulong" paghingi ng pasensya.

Natawa nalang ang prinsipe sa bata "hindi kita ipapakulong wag ka mag alala, asan ba ang mga magulang mo?" tanong ng prinsipe.

Napayuko nalang ang bata bago sumagot "wala na po sila parehong namayapa" may malungkot na tono.

Lumuhod ang prinsipe at hinawakan sa balikat ang bata "gusto mo sakin ka nalang? maaari ka namang sumama sa pamamasyal ko" panghihikayat ni Farris.

Binigyan ng isang malaking ngiti si Farris ng batang ngayon niya lang nakilala.

Biglang tumayo ang prinsipe at iniwas ang tingin sa bata.

"Saglit, hindi ako maaaring magsama ng isang paslit na walang pangalan, ano ba ang pangalan mo?" tanong niya rito.

"Eros po" tugon ng bata.

"Eros, makisig at cute na pangalan" pagpuri niya rito.

"Cute? c-cute" nagtatakang tono.

"Ay pasensya na alam k, natutunan ko lang sa mga nababasa kong libro, ang ibig sabihin ay isa kang maliit at makisig na paslit na pwede nang tirisin". pang-asar na pagpapaliwanag niya.

Natawa nalang sila pareho at umalis na.

--

Pagkarating sa kabundukan agad na sinalubong ng mga magsasaka ang mahal na prinsipe. Kilala kasi siya bilang isa sa mga mababait na dugong - bughaw hindi gaya ng kaniyang ama na may matigas na puso.

"Nais ko lang na iabot sainyo ang sulat na ito, binibigyan ko kayo ng karapatan sa lupang ito at ako na ang bahala sa aking ama, nais kong gawin niyo lahat ng gusto niyo sa lupang ito. Magiiwan ako ng iilang tauhan para bantayan kayo at masigurong ligtas kayo" pagpapaalam niya sa mga ito.

"Naku, maraming salamat mahal na prinsipe, napakabait niyo po asahan niyong pagbubutihin namin ang trabaho" pagpapasalamat ng isang matandang lalaki.

--

Tahimik na humahakbang ang dalawa papasok sa palasyo, sinenyasan niya pa si Eros na tumahimik.

Hanggang sa nakapasok na sila ng palasyo.

Nakita ni Eros ang napakaraming kawal sa paligid kaya nagtago siya sa likod ni Farris at humawak nang mahigpit sa damit nito.

"Bakit ang daming kawal dito? may party ba? mukang hindi naman sila masaya" sarkastikong sabi ng prinsipe.

"Narito na siya mahal na hari" turo ng isang kawal.

Palakad na palapit ang hari sa kinatatayuan ng dalawa.

"Sumusuway ka nanaman sa aking mga utos, paano ka magiging makapangyarihan at maayos na pinuno sa ating mundo kung isa kang pasaway?".

"Ama" pagbati niya rito.

"Sino ang paslit na kasama mo?" tanong ng kanyang ama.

"Siya ay isang kaibigan, wag niyo nalang siyang galawin ako ang bahala sa kaniya" sagot niya rito.

Tiningnan nalang siya ng ama at umalis na kasama ang mga tagapaglingkod at mga kawal.

"Dalhan mo nalang kami ng makakain sa aking kwarto pakidamihan thankyou" utos nito sa mga natirang tagapaglingkod.

"Buti naiintindihan ka nila mahal na prinsipe" mahinang sambit ni Eros.

"May isa akong pabor sayo, kuya nalang itawag mo sa akin masyadong pormal kung mahal na prinsipe".

"Kuya?" nagtataka ulit.

"Ang ibig sabihin ay nakatatandang kapatid na lalaki, para mas madali" maikling paliwanag niya.

"Sige po kuya!" masiglang tugon niya.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now