03

31 8 0
                                    

"Grabe ang tahimik naman dito parang matagal nang inabandona yung lugar" may natatakot na tono si Chase.

"Wag ka ngang duwag dyan, ang ganda nga dito tapos mahangin" tugon ni Jane sa kapatid.

Napapikit nalang si Jane at pinakikiramdaman ang malakas na hangin sa buong lugar. Habang si Chase naman ay natatakot sa likod nito.

Napansin ni Jane ang malaking building sa likod kaya naisipan niyang puntahan ito.

"Chase halika dito, samahan mo ko dun" pagaaya nito.

"Ayoko nga, mamaya may aswang dyan bahala ka" pagtanggi niya.

"Bahala ka, bye allowance"

"Ito na!" parang labag pa sa loob niya.

Habang nililibot nila ang buong gusali may napansin si Jane na mga lumang gamit sa paligid. "Grabe sino kaya nagtapon ng mga ganito dito? mukhang mamahalin pa naman" pagtataka niya sa mga nakikita.

"Ate tingnan mo may pinto doon" pagtuturo ni Chase sa luma pero magandang pinto, pinapalibutan na ng mga alikabok.

Lumapit ang dalawa, dahil sa pagtataka kung ano ang meron sa loob, binuksan ni Jane ang pinto at isang malaking liwanag ang sumalubong sakanila bigla nalang silang kinuha nito at malakas na sumara ang pinto.

--

"Ang laki naman ng silid mo kuya, puro mamahalin ang mga gamit" nanlaki ang mga mata ni Eros sa mga nakikita.

"Maganda ba? pasensya na at medyo magulo pa, kung may nais kang gawin ay malaya kang gawin , Kaibigan"

May tatlong katok na narinig ang prinsipe sa labas, kaya lumapit siya at binuksan ang pinto bumungad sa kanya ang dalawang tagapaglingkod na may dalang mga masasarap na pagkain.

"Mahal na prinsipe, ito na po ang inyong hapunan at pinapasabi ng mahal na hari na bukas nang umaga ay pupunta ang pamilya ni Prinsesa Ameerha. ani ng isang tagapaglingkod.

"Salamat sa pagpapaalam at sa pagkain binibini" nakangiting tugon niya.

Agad niyang sinara ang pinto at umupo, inaya niya ang batang si Eros para pagsaluhan ang maraming pagkain.

"Para sa atin lahat ng ito kuya?" tanong niya

"Oo naman, kumuha kalang, kung gusto mo ng dessert marami dito"

"D-dessert?"

"Ang ibig sabihin ay matamis na pagkain" tugon niya kay Eros.

"Paumanhin po, hindi ko naiintindihan ang iba mong sinasabi, Kuya"

"Hayaan mo ituturo ko ang iba ko pang nalalaman at mga salita, pero sa ngayon kumain ka na muna nang marami wag kang magalala para sa atin lahat ito"

Agad na kumuha si Eros masayang siyang pinagmasdan ni Prinsipe Farris.

--

Nagulat ang magkapatid sa mga nakikita nila.

"Anong klaseng mundo ang napasukan natin? kakaiba" hindi makapaniwala si Jane sa mga nakikita.

"Parallel Universe" maikling sabi ni Chase

"Parallel?" pagtapos sabihin ay nilibot ni Jane ang buong paningin sa paligid, dahil maraming bagay ang nakikita na wala sa totoong mundo.

--
Mahigpit na nakahawak si Jane sa kapatid habang naglalakad dahil pinagtitingnan sila ng mga tao sa bawat madadaanan nila.

"Kakaiba ang kanilang mga suot, saan kaya sila nagmula?" pagbubulungan.

---

"Nabusog kaba?" tanong ni Farris kay Eros.

"Opo ang sarap ng mga pagkain" masayang tugon niya.

"Mabuti naman at nagustuhan mo" nakangiting sabi ni Farris.

"Halika rito, Eros" pagaaya nito sa tabi niya.

"Ano po yun?" tanong niya.

"Ito ang mga librong naiwan sa akin ng aking ina dito ko natututunan ang mga makabagong salitang naririnig niyo" pagmamalaki niya.

May napansin si Eros sa gilid. Tumingin naman si Farris kung saan nakatingin ang bata "ah ito, teddy bear ang tawag dito. Bigay sakin ito ng aking ina noong ako'y bata pa, maaari mo itong hawakan"

"Talaga po?" kinuha naman niya.

"Teddy bear? kakaibang laruan ito para sa akin ngayon lang ako nakakita ng ganito sa mundo natin" pagkamangha sa hawak.

"Dahil sa ibang mundo pa yan galing, baka hindi mo pa maiintindihan ang patungkol doon pero maaari mo yang paglaruan hanggat gusto mo"

"Talaga po!?" masiglang sabi ni Eros.

--
Sa haba ng nilakad ng magkapatid ay umabot sila sa magara at malaking palasyo, kaya napatigil sila sa paglalakad.

"Castle? uso pa pala sa kanila ang ganito?" tanong ni Chase.

May nakita silang bukas na pinto kaya pumasok sila, nanlaki ang kanilang mata dahil dati sa pelikula lang nila ito nakikita.

"Ang gaganda ng mga gamit para tayong nasa movies" maikling sambit ni Jane

"AAAAAAAAHHHH!!" nakakabulabog na sigaw ng isang tagapaglingkod sa palasyo kaya agad sumaklolo ang mga kawal at iba pang mga tagapaglingkod.

Nagmamadaling lumapit ang tagapaglingkod sa mahal na hari at agad na ibinalita sa rito ang mga dayo na nakapasok.

"Ano ito!? hindi kami magnanakaw!" panlalaban ni Chase

"Chase!" sigaw ni Jane "Bitawan niyo kapatid ko!"

--
Nagulat ang dalawa sa biglaang pagkatok ng isang tagapaglingkod kaya agad na binuksan ito ni Farris.

"Nagkakagulo po sa baba, may mga panauhin na galing sa ibang mundo" pagbabalita nito sakaniya.

Nagkatinginan si Eros at Farris.

Nagmamadaling bumaba si Farris kasama si Eros, nakita ng prinsipe ang nagkakagulong mga kawal at tagapaglingkod. Nahagip naman ng paningin niya ang dalawang dayo na dinadala sa bilangguan.

"Ama ano ang nangyayari dito?" tanong niya.

"Ang mga dayo, nakapasok nanaman sa ating mundo" maikling tugon nito sa anak.

"Ngunit ama bakit sa bilangguan? sigurado akong wala naman silang binabalak na masama"

"Pansamantala lang iyon, upang mapatunayan kung sila ay may masama o hindi masamang layunin sa pagpunta nila dito" mahabang tugon ng ama.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon