04

22 9 0
                                    

"Ate, paano na tayo makakalabas dito?" nababahalang tanong ni Chase

"Sorry kasalanan ko kasi, hindi manlang ako nagiisip" naiiyak na sambit ni Jane

Agad naman siyang niyakap ni Chase para pakalmahin. "Nadamay ka pa sa katangahan ko" naiiyak na talaga.

--
"Asaan ang mga dayo?" tanong ni Prinsipe Farris sa mga natirang kawal

"Naroon po mahal na prinsipe" tugon ng isa sa mga kawal.

Nakita ni Farris ang dalawa na hirap na hirap sa loob, alam niyang kapag may dayo ang naliligaw sa kanilang mundo ay pansamantalang ikinukulong at mamamalagi nang matagal sa palasyo bago ibalik kung saan sila nanggaling.

"Kuya, sino po sila? bakit po sila ikinulong?" tanong ng inosenteng si Eros.

"Mga bisita, nakakulong sila dahil nais ng palasyo na mapatunayan kung masama sila o hindi" sagot naman ni Farris rito.

--
Ilang minuto ang nakalipas nakatulog na rin sina Jane at Chase

Tahimik na pinagmasdan ni Farris ang natutulog na si Jane, biglang nagising si Chase "Sino ka?" tanong nito sakaniya, nagising na rin si Jane.

"Lapastangan, hindi mo ba alam na siya ay may mataas na katungkulan, siya ang mahal na prinsipe" sagot ng isang kawal.

Sinenyasan naman ni Farris gamit ang isang kamay sa kawal "ako na ang bahala dito, makakaalis kana" utos niya rito.

"Prinsipe? isa kang prinsipe?" tanong ni Jane

"Oo binibini, kakaiba ang inyong mga pananamit galing ba kayo sa ibang mundo?" pabalik na tanong ni Farris sakaniya.

"Tama ka, paano mo nalaman?" dagdag na tanong ni Chase

"Dahil galing rin ako doon" tugon niya sa mga ito.

"P-paano? diba isa kang prinsipe na pinanganak sa mundong ito?" ani Jane

"Mahabang kwento, Binibini" tugon ni Farris

"Paano kami makakalabas dito?" tanong muli ni Chase

"Susubukan ko kausapin ang aking am-" napatigil si Farris sa pagsasalita nang may dumating na isang kawal.

"Mga panauhin, inaanyayahan kayo ng mahal na hari sa hapagkainan, nais niya kayong makilala at alamin ang inyong layunin, mamamalagi kayo ng ilang araw sa palasyo bago kayo ibalik sa inyong mundo".

--

"Ang sarap nito" sambit ni Eros

"Nagustuhan mo ba? maaari ka pang kumuha" tugon rito ng mahal na hari.

"Bigyan mo pa siya" utos nito sa tagapaglingkod.

"Maraming salamat po" pagpapasalamat ni Eros

--

Ilang minuto ang nakalipas nang dumating sina Jane, Chase at Prinsipe Farris.

"Maupo kayo" utos ng mahal na hari sa mga ito.

Agad namang umupo ang dalawa, natakam si Chase sa mga nakikitang pagkain sa hapag, balak niyang kumuha nang paluin ni Jane ang kamay niya "Nakakahiya, hintayin mong bigyan tayo ng permission kumuha" pagsasaway niya sa kapatid.

"Maaari kayong makisalo sa amin, Binibini at Ginoo" pagaanyaya ng hari.

Agad na kumuha si Chase ng pagkain at kumain na parang sampung taong nagutom.

"Pagpasensyahan niyo na po ang kapatid ko at sa biglaang pagbisita sa palasyo niyo, hindi rin po namin alam kung paano nangyari pero asahan niyo at wala naman po kaming masamang balak sainyo" pagpapaliwanag ni Jane.

"Nakikita ko naman, Binibini, ngunit mamamalagi kayo sa aking palasyo ng ilan pang araw at pagkatapos maaari na kayo bumalik sa inyong mundo na puro kalungkutan" tugon ng hari

"Ama" pagkontra naman ni Farris sa sinabi ng ama.

Binigyan nalang ni Jane ng tipid na ngiti ang hari.

--

Nililibot ni Chase ang kalakihan ng kwarto. Habang si Jane ay tahimik na nakadungaw sa bintana "Ate mukha kang tanga dyan, hindi mo ba naiisip na sobrang swerte natin kasi makakapagstay tayo sa ganitong lugar" humiga na parang bata.

"Tumigil ka nga dyan, Chase" pagsasaway nito sa kapatid.

Nakarinig ng katok ang dalawa kaya tumayo si Jane para buksan ang pinto at bumungad ang nakangiting si Farris "binibini nais ko lang ibigay sayo ito" inabot ang camera sakaniya.

"Nako, maraming salamat ha napaka importante pa naman nito sakin" pagpapasalamat niya kay Farris.

"Walang anuman, Binibini tsaka pa welcome ko na rin sainyo yan"

Nagkatinginan nalang ang magkapatid sa sinabi ng prinsipe at pagtapos ay nagpaalam na ito sakanila.

Napahiga nalang si Jane na nakangiti at napansin naman ni Chase ang ate niya kaya inasar niya ito.

"Ate grabe ka naman kiligin sa alien" pangaasar niya.

"Akala ko pag alien mga walang itsura, pero yung kanina pinkish soft lips, pointed nose, kutis labanos, may pagka messy hair, perfect eyebrows tapos hazel eyes palaban ang mata ni ante"

Sa pagkairita binato ng unan ni Chase ang ate niya "nakakadiri ka naman kiligin ate" natatawang sambit ni Chase "inggit kalang mind your own business" tugon sa kapatid.

--
Pumasok na nakangiti si Farris sa kwarto niya napansin naman ito ni Eros "kuya, anlaki ng ngiti mo halos maaabot na ang mga tenga mo" natawa nalang si Farris sa pagsalubong sa kaniya ng batang si Eros.

"Dahil may nakilala akong isang napakagandang babae alam mo yung parang mabibighani ka talaga sa kagandahan niya. Biruin mo iyon galing pa siya sa ibang mundo" ani Farris.

Pagkalingon ni Farris nakita niyang tulog na si Eros "kanina pa ako nagsasalita dito nakatulog kana pala" lumapit ito sa bata at inayos nalang ang kumot.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now