01: Señorito and I

50 5 0
                                    

❅; Kaede Blaze D'arcy


What in the world is this? And who the hell is señorito? Perhaps.. my long lost brother? Step brother? Pinsan? Ninong? Lolo? O 'di kaya'y step father?

Sinasaktan ba niya ako kaya ako may mga pulang marka sa katawan?

"Magandang araw, Master Kaede! Nakahanda na po ang paborito mong fried chicken and unli rice!"

Kahit na naw-weirduhan ako sa tatlong kasambahay na nanonood sa akin habang kumakain ay hinayaan ko nalang na kainin ako ng hiya kaysa naman magka ulcer ako.

Isang dalagitang kasambahay ang nagsalin sa akin ng inumin at nang abutin ko ang baso ay nanginginig niyang ibinaba ang pistel.

Huh? Did I do something wrong?

"P-Pasensya na po, Master Kaede!"

I shook my head and smiled. "Don't be sorry, lady." nilingon ko ang iba pang kasamahan niya. "P'wede bang sabayan niyo 'ko kumain? It's awkward to eat alone while you're watching me."

Nakatinginan ang mga kasambahay, tila ba'y naninibago sa pinapakita ko sa kanila.

What? This is my first time meeting these wonderful people who can cook and serve well! Kahit na panaginip lang ito ay masarap pa rin ang luto nila, teka- how did they know that I love fried chicken?

Sumunod naman ang mga kasambahay sa aking sinabi. Bago pa man sila magsalita sa paghain ay nagsalita ang sa tingin ko ay mas matanda sa amin na kasambahay.

"Ah eh, sigurado ka ba, Master Kaede? Baka po kasi.."

Natigilan ako sa pagnguya. "Hmm?"

"..baka po kasi magalit ka at manakit ulit."

Pakiramdam ko ay nabilaukan ako sa aking narinig. Nang mapansin ni Butler Nabit ang pagkabigla ko ay kaagad niyang inabot ang juice na isinalin sa akin kanina. Mabilis na humingi ng pasensya ang mga kasambahay.

"Ako?" tinuro ko ang aking sarili. "Nananakit ng babae? Really?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Goodness! Never in a million years na-imagine ko ang sarili ko na pinagbuhatan ng kamay ang isang babae. I mean, I can't even shout at Mo..

Kung nandito ako, paano nalang siya?

Napahalakhak ako. "Baka bad mood lang ako noong time na 'yon pero you don't have to worry anymore! I'll never do it again!" Nakuha ko pang mag cross sa bandang puso ko, tanda na seryoso ako sa aking binitawan na salita.

After an awkward meal with the servants, Butler Nabit told me that we're going to the recording studio, just like how his Señorito instructed us to do.

Kahit na naguguluhan ako, sinasakayan ko lang ang daloy ng panaginip na ito.

Siguro kung gising lang ako, maguguluhan ako sa takbo ng buhay ko. Issues, scandals and controversies to answer. Argh, I hate dealing with snakes, especially that asshole Nasher.

Kung makikita ko ulit ang hayop na iyon, I'll punch the hell out of him.

But first, I need to know how can I break free from this dream. I turned to Butler Nabit who is now driving.

"Butler?" Tawag ko pa sa kaniya.

He didn't turn his head but he acknowledged my presence. "Yes, Sir?"

Kahit na nonsense ang tanong na ito pero gusto ko pa ring isiguro. "Is this a dream?"

Inihinto ni Butler Nabit sa tabi ang sasakyan at lumingon sa akin. Kahit na sobrang seryoso niya tignan ay alam kong natatawa siya sa tanong ko.

I'm The Male Lead's Boyfriend!Where stories live. Discover now