Prologue

29 56 0
                                    

“Are we on the right path?”

“Class dismiss”

Nag–simulang mag ingay ang aking mga kaklase sa anunsyo ng aking guro, kabila-kabilaang grupo ang nag-uusap at nag-iingay

Kinuha ko na ang bag ko at umalis, wala naman akong ibang gagawin

“Analiyah, aalis kana agad?” Si coleen, ang class president. “Mag-iinuman ang klase, sama ka?”
yaya nito

“hindi na, uuwi na ako” sagot ko rito at naglakad na paalis, baka pilitin pa ako nito

Siya lang ata ang kumakausap sakin at nagpu-pursige na mag yaya kahit lagi ko itong hini-hindian.

Marami sa aking kaklase ay hindi ako kinakausap, kasalanan ko rin dahil hindi ko rin sila pinapansin, lagi kasi akong nakaka-randam ng kaba kapag kumakausap ako sa iba.

Pag-karating ko sa hintuan ng bus ay umupo muna ako, mahaba-haba rin kasi ang nilakad ko at mag-hihintay muna ako ng ilang minuto bago dumating yung bus na sasakyan ko pauwi.

Malayo kasi ang mga university dito sa probinsya, ayaw din ako i-condo ni tita dahil gastos lang daw.

“Ilang taon kana, Ineng?”

Tiningnan ko ang katabi ko na lola na kumausap sakin

“20 po” tanging sagot ko lamang

“ang bata mo pa.” malungkot na sabi nito

“bakit po?”

“Wala naman."

Tumango na lamang ako at tumahimik, mahigit isang minuto ay nag-salita ulit ito

“Isa akong writer, marami na akong naisulat na libro, pero hindi ko kayang kontrolin ang naka-tadhana.” pagba-bahagi nito, hindi ko alam kung anong ibig-sabihin ng kanyang sinabi Bukod sa isa siyang manunulat

Nag-babasa ako ng mga nobela pero hindi masyado dahil gaming ang hobby ko, Kung may binabasa man ako ng paulit-ulit, yun ay iyong paborito kong nobela

Tumahimik na si lola, siguro na awkwardan ito sa pagiging tahimik ko, nakikinig naman ako, hindi ko lang talaga alam ang sasabihin.

Dumating na ang bus na sasakyan ko kaya tumayo na ako.

“Sana magkita pa tayo.” rinig kong sabi ng lola na kausap ko kanina pero pag-tingin ko sa kanyang kina-kaupuan ay wala na siya

Ang bilis nya naman mag lakad.

Pag-pasok ko sa bus ay naupo ako sa tabi ng bintana, pagka-upo ko ay biglang nanikip ang dibdib ko at bigla akong kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan.

Umandar na ang bus at lalo akong kinakabahan, patagal ng patagal ay pinag-papawisan na ako.

Biglang nag panic ang mga tao sa bus ng biglang bumilis ang pag-andar nito, sobrang bilis na parang lilipadin na kami.

“IHINTO NYOOOO!!!!!!” sigaw ko dahil sa kaba ngunit tumugon ang driver na hindi daw gumagana ang break nito dahilan para mag si-iyakan ang lahat

Ito siguro iyong kaba na nararamdaman ko kanina pa.

Wala pa akong naaabot sa buhay pero mamamatay na ako.

sumilip ako sa bintana at saktong nahulog ang bus sa bangin.

----------------------------------------
Saktong 4:53 pm ng mahulog sa bangin ang isang bus matapos humarurot, wala ni isa ang buhay, asik ng mga opisyal, maaaring nawalan din ito ng break, kinikilala parin ang mga biktima”


Born To DeathWhere stories live. Discover now