06

17 5 4
                                    

"Maupo ka, Farris" utos ng ama

"Ano ang pag uusapan natin, Ama?" tanong niya.

"Hindi ko gusto ang pakikipagkaibigan mo sa mga hindi natin kauri, batid kong hindi sila magiging magandang impluwensiya sa iyo lalo na't ikaw ang susunod na magiging hari ng palasyo. Paano nga ba mangyayari ang bagay na iyon kung ang iyong isip ay parang paslit kung mag isip?" mahabang sinabi ng ama.

"Ito nanaman ba tayo? didiktahan mo nanaman ako sa mga dapat kong gawin? ama mayroon na akong sariling pag iisip at mga desisyon" sagot naman ni Farris rito.

Napabuntong hininga nalang ang hari sa paguusap nila ng anak.

--
Abala sa pagaayos ng gamit si Jane, si Chase naman ay nakahiga lang "Ano ba yan, wala man lang signal dito" pagrereklamo niya.

"Natural, nasa ibang mundo tayo" malamig na sagot ni Jane.

Sumagi sa isip ni Chase ang nakita niya kanina, "Sino kaya yung babae na yun? grabe mukha siyang manika"

Umupo naman si Jane sa dulo ng higaan "Meron rin akong nakasalubong kanina eh, malamang siya yun wag mo na pangarapin mukhang mataas yung standards" sagot niya.

--
Sa tahimik na silid isang litrato ang hawak ni Farris malungkot niyang pinagmamasdan ito.

"Ma, sana hindi ka nalang nawala noh? kasi nahihirapan ako sa buhay ko ngayon, lalo na't napakahigpit ng aking ama. Hindi gaya mo na sinusuportahan mo ako sa lahat noong nabubuhay ka pa. Kapalit ng karangyaan at kapangyarihan, kinakailangan ko magtiis at makisama dito sa mundong hindi ko alam kung magiging masaya". may malungkot na tono sa pananalita.

"Kuya?" tawag ni Eros

Pinigilan ni Farris ang pagtulo ng mga luha at pilit na binigyan ng ngiti ang batang si Eros.

"Kuya wag ka na po malungkot" niyakap ni Eros ang malungkot na si Farris.

--
KINABUKASAN

"Prinsesa Ameerha, nasabi mo na ba sa iyong ama ang balak mo na pagpunta sa palasyo ni Haring Lucas?" pagtatanong ng isa sa kaniyang tagapaglingkod.

"Hindi na kailangan dahil luluwas ang aking ama sa malayo at maiintindihan niya rin naman iyon kung malalaman niya" sagot nito.

--
Pagkarating ni Ameerha sa palasyo masaya siyang sinalubong ng mga tagapaglingkod at mga kawal ng palasyo "Magandang araw mahal na prinsesa Ameerha" pagbati ng mga ito sakaniya.

"Si Prinsipe Farris?" tipid na tanong niya.

"Nasa loob po kamahalan" sagot ng isang tagapaglingkod.

Naglakad na papasok si Ameerha nang makasalubong niya si Chase nagtatakang tiningnan ni Ameerha si Chase "sino ka? ngayon lang kita nakita dito sa palasyo" sambit ng prinsesa.

"Ako po si Chase, kamahalan" sagot nito.

Tiningnan ng prinsesa si Chase mula ulo hanggang paa na parang nangingilala "Ay mahal na prinsesa, kapatid ko po siya" biglang pagsulpot ni Jane kaya napalingon rin siya na walang pinapakitang emosyon.

"Oh, Ameerha andito ka pala" ani Farris

"Wala kasi akong magawa sa aming palasyo kaya napagpasyahan kong dumalaw muli" sagot niya kay Farris.

--
Tahimik na naglalakad ang apat, sinimulan ni Ameerha ang pag uusap "Galing kayo sa ibang mundo? papaano?" tanong niya. "Hindi rin namin alam pero panigurado portal yung nabuksan namin bago kami napunta dito" sagot ni Chase.

"P-portal?" nagtataka si Ameerha.

"Isang lagusan" sabat naman ni Farris

"Oo tama, lagusan nga pala yun" dagdag ni Chase.

"Paano kayo napunta dito? masyado bang mahirap at malungkot sa kabilang mundo?" sambit ni Ameerha.

"Mahal na prinsesa, Ameerha" mahinahong tawag ni Farris

Tumingin naman si Ameerha kay Farris "pasensya na natanong ko lang naman kung hindi niyo mamasamain ang aking tanong" dagdag niya.

Nakaramdam ng inis si Jane sa tono ng pananalita ni Ameerha wala siyang magawa kung hindi pigilan ang sarili dahil alam niyang wala siyang laban sa isang may mataas na katungkulan.

----
"Grabe talaga yung babaeng yun may pagka maldita din hindi ko lang mapatulan" pagmamaktol ni Jane.

"Kalma lang, alam mo naman na wala tayong laban dyan kung sakali" ani Chase

Napabuntong hininga nalang si Jane "kailan kaya tayo makakabalik noh? namimiss ko na yung bahay natin" malungkot na tono ni Jane.

"Makakabalik rin tayo" sagot naman ni Chase

Hindi nila alam na naririnig sila ng nakasilip na prinsipe sa labas ng kwarto.

-----
Tuwang tuwa si Jane sa mga nakikitang mga bulaklak ngayon lang siya nakakita ng ganoon kaganda at mausbong na mga halaman kaya kasalukuyan siyang kumukuha ng mga larawan.

Hindi niya namalayan na nasa isang tabi ang prinsipe "Binibini, mukhang nasisiyahan ka sa mga halamang yan" sambit nito.

"Andyan ka pala, nagagandahan kasi talaga ako sa mga yan kaya kinuhanan ko ng mga pictures" tugon ni Jane.

"Malaya kang gawin ang anumang gusto mo" seryosong tono na mahinahon.

"Ngunit may pagkakataon na ngayon lang ako naging mausisa sa mga bagay - bagay dahil matagal akong hindi nakatapak sa totoong mundo, maaari ko bang mahawakan ang kakaibang gamit?" dagdag ni Farris.

"Sige, ang tawag nga pala dyan camera maaari kang kumuha ng napakaraming magagandang litrato" maikling paliwanag niya.

Walang pagaalinlangan na itinutok ni Farris ang camera kay Jane na may itinatagong ngiti "huy ano ba? bakit ako yung kinukuhanan mo" pagsasaway ni Jane sabay tinataboy gamit ang kamay.

"Sabi mo maganda lang ang maaaring kuhanan ng litrato" sambit ni Farris

"Palabiro ka rin pala noh" natatawang sagot ni Jane.

Nagtatawanan ang dalawa nang makita sila ni Ameerha nakaramdam ng inggit at pagseselos ang prinsesa sa nakikita, walang araw na magkasama sila ni Prinsipe Farris na ganyan siya kasaya.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now