Chapter 1

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone ko. Bumangon agad ako at pumunta sa cr para mag shower at mag ayos. Pagkatapos lumabas ako at pumasok naman sa walk in closet ko.

Nagsuot ako ng Korean styled red blouse and high waisted jeans. Wala naman kasing dress code eh.Pagkatapos bumaba na ako at pumunta sa kusina para kumain.

Umupo agad ako sa upuan at nag simula nang kumain. Mag-isa lang ako sa bahay dahil maagang umaalis ang mga magulang ko dahil sa trabaho nila. Si papa kasi ang may ari ng LMB company habang si mama naman ang CEO ng JMP company.

Pagkatapos kong kumain ay niligpit na ni manang ang kinainan ko.

"Salamat manang."

"Naku, ineng hindi mo na kailangan magpasalamat sa akin, trabaho ko naman ito." sabi niya at ngumiti

"Hehe, nakasanayan ko na po kasi eh." sabi ko at napakamot ng ulo

Totoo naman yun. Bata palang kasi ako tinuruan na agad ako ng magulang ko na lagi daw akong magpasalamat kapag may ginagawa ang kapwa natin para sa atin.

Sinabi rin nila sa akin na huwag daw akong magyayabang sa iba at mang maliit ng kapwa.

Never look down on others even if your position is higher than them, even if they are wearing small and old clothes, even if they are begging on the streets or whatsoever, always be humble and instead of giving them symphaty help them.

Yun ang sinabi nila sa akin tuwing may makikita akong ibang tao na mahirap. At ang ginagawa ko naman ay tinutulungan ko yung tao na yun.

Bumalik ulit ako sa kwarto ko at kinuha ang bag ko. Tiningnan ko muna kung nandito na ang lahat ng gamit ko bago ako pumunta sa kotse ko.

Oo college palang ako pero may kotse na

Pinaandar ko ito at agad na umalis papuntang school.Pagkadating ko ay ipinark ko ang kotse ko at agad akong tumungo papunta sa department namin.

Habang naglalakad ako pansin ko ang mga tingin ng marami lalo na ang mga boys.

"Uyy pre! Chix oh!"

"Gago. Diba sabi ko study first muna ako?"

"Sus. Study first amp. May ganyan ganyan ka pang nalalaman eh alam ko'ng gusto mo naman!"

Hinde ko nalang pinansin at sa halip ay
nginitian ko nalang sila at nagpatuloy sa pag lalakad. Pansin ko rin ang pamumula ng ng tenga nung isa na study first daw.

Nag patuloy ako sa paglalakad ng biglang

"Hi girl! Ganda natin ah!"

Napalingon agad ako dahil sa sigaw na iyon meron ring ibang napalingon gaya ko. Agad akong lumapit sa kanya at nakipagapir

"Syempre naman!" sabi ko at nakipag apir kay JJ

Actually hindi talaga JJ ang name niya. It's actually Janice Jane but we like to call her JJ for short.

Pumasok na kami sa loob ng classroom namin at umupo sa upuan namin.

Pagpasok namin sa loob ay medyo maingay wala pa kasi ang prof kaya nag chichismismisan ang buong klase.

"Grabe girl nakita mo na ba yung bagong transferee? Ang gwapo!" sabi niya na mukang kinikilig pa

Napakunot ang aking noo at nag taka dahil hinde ko alam ang sinasabi niya. "Transferee? Meron ba?" agad na tanong ko

Nagtaka rin siya sa sinabi ko. "Hinde mo alam? Sinabi yun sa GC ahh."

"Nakalimutan ko sigurong mag back read" napakamot ako sa ulo

"Next time kasi maging updated rin! Lagi ka nalang nahuhuli sa chismis!" sabi niya sa akin habang umiling

"Hehe sorry" sabi ko nalang

Natapos agad ang aming usapan dahil dumating na agad ang prof namin at nag simula na ang klase

"And that's how you properly measure" the prof said after explaining and a little demonstration on how to measure properly

Nag tanong tanong ng kaunti ang prof namin kung meron ba kaming naintindihan, mostly sa amin merong nakakaintindi pero meron pa ring hinde. Pagkatapos non ay umalis na ang prof namin dahil tapos na ang first period namin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hayss natapos na rin ang klase!" napabuntong hininga nalang si Ace

And this is Alliana Claire also known as Ace cause she's the Ace in volleyball. Hindi naman nakakapagtaka kasi sobrang galing naman talaga niya pag dating sa pag laro ng volleyball.

Bakit ko alam? Kase naka attend na rin ako sa mga laban niya at naka pasok pa nga sila sa championship. At saka magagaling rin naman

"Ang hirap! Hindi ko maintindihan." reklamo niya pa

Nag lalakad kami ngayon papuntang cafeteria dahil tapos narin ang iba pang period namin.

Marami-rami rin ang naglalakad kase university ito. Meron rin akong nakitang nag p-practice kanina doon sa may gym, mga basketball players.

"Sabi ko kasi sayo mag advance study ka para hindi ka mahirapan" sabi ko at napailing " Ano ba kasi ginawa mo nung weekends?" tanong ko pa at pinalitan siya ng mata

"Huh? Busy ako nun! Nag shopping kasi ako ng groceries at nagbili ng art supplies saka tinapos ko na rin ang plates ko dahil gustong matapos agad para maaga akong maka pasa para, you know! Mataas na grade!" sabi niya na kinindatan pa ako

"Well dapat nag-s-study ka pa rin"

"And also we have some new members dahil ang mga senior ay nag si-alisan dahil siguro nagiging busy na sila. At naging busy rin ako dahil sa akin pina training ang mga yun!" mahabang paliwanag niya

"Alright then" nginitian ko nalang siya " gusto mo ba na dun tayo sa condo mo sa weekend para sabay tayong mag aaral?" tanong ko sa kanya

"Talaga? Sige, Payag ako!" mukang masaya siya sa sinabi niya dahil matagal din akong hindi nakaka punta sa condo niya.

And yes, may sarili siyang condo dahil sabi niya sa parents niya ay gusto niyang maging independent buti nga at pinayagan siya medyo istrict ang mga magulang niya.

At ako naman ay meron rin pero nag uwi muna ako sa parents ko ng isang Linggo dahil na miss daw nila ako. Kahapon pa nga dapat naka balik na ako sa condo ko pero napagod ako kagabi kaya dun nalang rin ako natulog. Mamaya nalang ako babalik.

Nang makarating na kami sa ay agad kaming pumasok. Nag upo ako sa usual table namin at umalis si Ace para mag order ng pagkain namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Admiring Beneath The SkiesWhere stories live. Discover now