Chapter 4

4 1 0
                                    

"Eh?! Niyaya ka niya?" tanong ni Asher sa akin.

Kasama ko siya sa gym ngayon at hindi siya makapaniwala na tatanungin at dadalhin ako sa date ni Achi. Hindi rin siya makapaniwala na pumayag ako sa date dahil hindi raw ako yung tipo na hindi basta basta pumapayag lalo na kung hindi ko gusto ang isang tao.

Well, that's true pero kasi he owe me 'no! Saka may utang siya sa akin!

"Yeah, niyaya niya ako." pag-uulit ko pa.

"Are you attracted to him?" tanong niya.

Nilingon ko naman siya at binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin.

"Of course not! Ako? No way!" sabi ko pa at umalis sa tread mill at kinuha ang aking towel at tumbler.

Uminom ako mula roon at pinunasan ang sariling pawis, si Asher naman ay ganoon din ang ginagawa. 

"Are you sure Rheina? You're not into him?" tanong pa niya sa akin. Umiling ako sa kaniya nang umiling. 

"No!" 

Nagpaalam ako kay Asher para pumunta sa shower room, malagkit sa pakiramdam ang pagpawisan ng ganoon. Pagpasok ko ay agad ko naman naisip ang sinabi ni Asher if I'm really attracted to him, but hindi naman dahil sa attracted ako kaya ako pumayag. He offer me a dinner and nakakahiya naman na iturn down siya di ba?

For a moment I had a second thought, I can turn him down agad-agad if I wanted to right? But, kasi! Ang iniisip ko talaga ay kung paano siya makakabawi sa maling ginawa niya sa akin last time. Isa pa, he owes me 'no! Binili ko siya ng damit at shorts dahil nabasa siya, utang 'yon and ang utang ay binabayaran hindi tinatakbuhan! 

But... puwede mo naman na hindi bilhan ng bagong damit at bagong short yung tao. He can survive that, you just spilled cold water to him.

Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa iniisip ko, bakit ba kasi nagtanong ng ganon si Asher?! Yeah, I don't accept offfer from other people especially when I hate them! Duh?! Sino ba ang gugustuhin na lumabas kasama ang pinakaaayawan mong tao? 

But I don't really hate him, yung hate-na-hate. My blood boils when I see him and that's actually seem pretty normal kasi may dugo ako. Hehehe.

Lumabas kaagad ako matapos kong magbihis, at dumiretso kay Asher na kinakausap si Kuya Larkin. Tango at iling lang naman ang sinasagot nito sa kaniya.

Umubo ako para maagaw ang atensiyon ng dalawa, agad naman na tumingin sa akin si Asher. Tumaas pa ang kilay ko nang nakita siyang namumula. Umuna na si Kuya Larkin sa parking lot para kuhanin ang sasakyan.

Sumabay na si Kuya Larkin dito mag gym, his body is shredded type. Like, mapapa-omg ka talaga.

"Are you attracted to him?" pagbabalik ko nang tanong sa kaniya.

"H-huh?" nauutal niyang tanong sa akin.

"Huh?" pang-aasar ko pa sa kaniya at agad naman akong pumasok sa sasakyan nang tumigil na ito sa harap namin.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan ako ng pinto, agad ko itong binuksan at inginuso pa si Asher seniyales na siya ang asikasuhin. Nakita ko naman kung paano mamula ang pisngi niya, umiling iling na lang ako.

Siya yata ang attracted e, not me. Hindi naman ako ganiyan mag-blush sa harap ng lalaki and never pag nangyayari sa akin yan at never na mangyayari sakin.

Bumukas ang pinto at agad naman siyang pumasok. "Huh?" pang-aasar ko pa.

"Stop it." pagbabanta niya.

I know Asher well, madaling basahin ang emosiyon at iniisip niya dahil transparent siya. She let other people to see, alam mo na agad ang sunod niyang sasabihin at ikikilos ganoon siya. Dahil doon ay ilang beses na rin siyang nauto ng lalaki kaya noon ay galit na galit talaga ako kapag babalik siya sa ex niya.

Embracing HimWhere stories live. Discover now