07

21 4 0
                                    

Padabog na umupo si Ameerha, napansin naman ng tagapaglingkod ang mukha niyang gigil na gigil.

"Mahal na prinsesa, narito na pala kayo" bungad nito.

"Nakakaramdam ako ng gigil at inis sa bagong salta na iyon, hindi ko gusto ang kaniyang pagiging malapit kay Farris" gigil niyang sinabi na may halong inis.

"Nako, mahal na prinsesa mukhang magkakaroon ka na ng karibal sa puso ng mahal na prinsipe" dugtong ng tagapaglingkod.

"Hindi ako makakapayag, ako lang ang nararapat para sa mahal na prinsipe at ako lang rin ang nararapat na maging susunod na reyna" seryosong sambit ng prinsesa.

--
"Ate ang sweet niyo naman po ni Kuya" biglang pagsulpot ni Eros. Nagulat sina Farris at Jane.

"Sweet? saan mo yan natutunan, Eros? pagtatakang tanong ni Farris

Tumingin ang bata kay Chase pagtapos ay tumawa, si Chase naman nagkukunwaring walang alam, lumapit si Jane at malakas na hampas ang ibinigay nito.

"Aray ko naman!" pagrereklamo ni Chase

"Kung ano - ano tinuturo mo sa bata" sambit ni Jane.

Natawa naman sina Farris at Eros sa senaryo ng magkapatid na parang aso't pusa na nagaaway.

--
"Sige na, Binibini magpahinga na kayo para may sapat na lakas kayo bukas" sambit ni Farris

"Salamat sa oras, mahal na prinsipe" tugon ni Jane.

Tiningnan siya ng makahulugan ni Farris na parang nangungusap ang mga mata.

"Sorry, Farris na nga pala" pabirong sabi sabay tawa.

Natawa nalang din si Farris, tumakbo si Eros palapit kay Farris.

"Goodnight po ate at kuya, salamat po sa oras at pakikipaglaro sakin" pagpapaalam na rin ni Eros kina Jane at Chase.

"Mukhang magaling magturo ang iyong kapatid, Binibini mayroon nanamang panibagong salita ang natututunan ng aking kaibigan" dagdag pa ni Farris.

--
KINABUKASAN.

Naisipan ni Jane na lumabas ng palasyo para libutin ang magandang lugar.

Naglalakad na mapayapa ang dalaga nang may kumalabit sakaniya pero mukhang pinagtitripan siya nito dahil bawat lingon niya ay nawawala.

"Chase? nangtitrip ka nanaman" malamig niyang sabi.

"Mahimbing pa yata ang tulog ng kapatid mo, Binibini" sambit ni Farris

Nagulat si Jane dahil si Farris pala ang kanina pang nakasunod sakaniya.

"Uy! ikaw pala yan kanina ka pa andyan?" tanong ni Jane.

"Hindi naman, nakita lang kasi kita lumabas ng palasyo" tugon niya.

Lumayo nang kaunti si Jane at dumistansya sa prinsipe napansin naman ni Farris ito.

"Binibini bakit parang pinandidirihan mo ako bakit ka lumalayo?" tanong ni Farris.

"Nakakahiya lang kasi na isang ordinaryong tao na gaya ko makikita na kasama ang isang prinsipe, baka kasi kung ano isipin nila" mahabang tugon ni Jane.

"Kumalma ka, hindi naman chismosa ang mga tao dito maaaring mag isip sila ng kung ano - ano pero nasisiguro kong sasarilihin nalang nila iyon" sambit ni Farris.

"Ano bang magandang puntahan rito o pasyalan ganon?" tanong ni Jane kay Farris.

"Marami, Binibini ngunit may isa akong alam sa pagkakaalam ko sa gabi lang masisilayan ang magandang tanawin" tugon ni Farris rito.

---

"Magandang araw mahal na prinsesa Ameerha" bati ng isang tagapaglingkod.

Hindi ito pinansin ni Ameerha dahil abala siya sa paghahanap kay Farris sa diretsong paglalakad niya paloob ng palasyo nakasalubong niya muli si Chase.

"Oh? andito ka kamahalan?" tanong niya.

"Si Farris?" tanong nito kay Chase.

"Hindi ko po alam kamahalan, hindi ko siya nakita kanina" sagot ni Chase.

"Walang silbi" pabulong na sabi nito sabay naglakad paalis.

"Grabe ang sungit naman, nasabihan pa nga ng walang silbi eh may mata naman siya para hanapin hay mga babae nga naman" sambit ni Chase.

Nakasalubong rin ni Eros ang naglalakad na si Ameerha tumakbo siya papunta kay Chase "kuya ano kaya ang ginagawa niya dito?" tanong nito.

"Ahay ewan sinungitan pa nga ako meron yata yun eh" mahinang sambit nito.

"Meron? ano pong meron kuya?" tanong ni Eros.

"Ah wala, si ate Jane mo nga pala nakita mo?" tanong sa bata.

"Hindi po eh" maikling sagot niya.

--
"Maganda pala dito noh kaso nakakamiss pa rin yung totoong mundo" sambit ni Jane.

"Wag ka mag alala, Binibini nakasisiguro ako na malapit na ang itinakdang araw na babalik kayo sa inyong totoong tahanan" tugon ni Farris sakaniya.

"Wala bang fishball dito?" tanong ni Jane.

Natawa si Farris.

"Oh bakit ka natawa?" tanong muli nito.

"Naalala ko kasi noong bata pa ako minsan rin akong nakakain nyan sa kasamaang palad walang ganyan dito" tugon ni Farris.

"Sayang naman" parang bata na nagrereklamo si Jane.

"Malapit na palang mag takipsilim" sambit ni Farris habang tinitingnan ang langit.

---
"Ang galing ngayon lang ako nakalaro ng ganito sa isang kahon" masayang sabi ni Eros.

"Kahon? hindi yan kahon cellphone tawag dyan" tugon ni Chase.

"Yun pala ang tawag dito masayang maglaro ng taong tumatakbo sa cellphone mo, Kuya" nasisiyahan maglaro si Eros ng subway surfers sa cellphone ni Chase.

"Wala ngang signal dito eh hindi ako makalogin sa messenger" pagrereklamo niya.

----
Gabi na nang makarating sina Jane at Farris sa sinasabing magandang lugar pag gabi.

"Asan ang maganda dito? tubig at bundok lang naman ang nandito eh" tanong ni Jane.

"Maghintay kalang, Binibini" kalmadong sambit ni Farris.

Ilang minuto ang nakalipas, nagulat si Jane sa biglang litaw ng mga magagandang paputok sa kalangitan kaya't nanlaki ang mga mata niya.

"Fireworks" namamanghang sabi niya.

Tumingin naman si Farris sa kaniya na nakangiti.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon