CHAPTER III

35 2 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Napasinghap si Yvaine pagkadilat niya ng kanyang mga mata. Agad siyang napaupo sa kanyang hinihigaan at bahagya naman siyang nakaramdam ng pagkahilo. Napatingin siya sa kanyang paligid at doon niya napansing hindi pamilyar ang lugar kung nasaan siya ngayon. Ang kwarto ay puno ng elegansya at kagandahan. Nilalamutian ng marangyang tabing at chandelier na binabalutan ng kristal at dyamante. Ang sahig ay may malambot na alpombra, at may mga mataas na kalidad na muebles na nagbibigay ng luho at kahalagahan. Ang mga kulay ay maingat na pinili na pakiramdam niya ay talagang ligtas siya sa lugar na ito.

Pero hindi, hindi siya dapat makaramdam nang ganito.

Agad niyang tinignan ang kanyang katawan at napansin niyang nakasuot na siya ng malinis at mukhang bagong set pa na pajamas at doon rin niya napansing may mga sugat siya maging ang sprain sa kanyang paa na nalinisan at nabendahan na.

Mukha naman siyang ligtas na ngunit hindi niya maiwasang mag-alala. "Na-Nasaan ako?"

"My house."

Napalingon si Yvaine at nakita niya ang lalaking nakasunod sa kanila kagabi. Prente itong nakaupo sa sofa malapit sa kamang kanyang kinauupuan. Hindi maiwasang kumunot ng noo ng dalaga habang nakatitig siya sa lalaking 'di niya alam ang pagkakakilanlan. "Who...?"

Tahimik na sinuot ng lalaki ang isang itim na facemask sa kanyang mukha. Napasinghap si Yvaine at agad niya itong dinuro. "I-Ikaw 'yong mahiyaing fan na nag-approach sa akin tapos nagbigay ng kumot."

Tumango naman ang lalaki at ngumiti. Hindi niya maiwasang matuwa lalo pa't sa dinami-raming mga tagahangang naroon ay naalala pa siya ni Yvaine. "Yeah, that was me."

"At... at may baril ka rin gaya no'ng mga kidnapper. Paano mo nalaman ang tungkol sa kanila?" usal niya at napakunot-noo siyang napatingin muli sa lalaki. "Sino ka?"

His smile instantly faded as he realized that the pop star managed to connect the pieces and figure everything out. He could see how her eyes had a slight hint of concern as you tried to read his expressions.

"I'm Luciel Emerson Yankovsky. I lead a mafia."

"Ma-Mafia..." usal ni Yvaine at pakiramdam niya'y nanghihina siya sa narinig.

Hindi lang siya na-kidnap, nakuha pa siya ng miyembro ng mafia—hindi lang basta-bastang miyembro, boss pa.

"I-I didn't do anything bad!" agad niyang ibinulalas matapos niyang maalalang tinutukan siya nito ng baril kagabi. "Wala rin akong naalalang may utang ang pamilya ko sa sindikato! Never kaming na-involve sa ilegal o kung ano pa man!"

Tumango naman si Luciel bilang tugon. "I know. And don't worry, you're safe now here."

"Pero dinukot ako ng mga lalaking 'yon. They literally kidnapped me after my concert. What are they?"

Luciel looked at her in a more serious and stern expression. There's neither humor nor amusement in his voice as he speaks. "They were... hired by one of my rivals and they're trying to threaten me."

Beauty and the WatchdogWhere stories live. Discover now