Chapter Two: STALKER

7 8 0
                                    

**

MALACHI

"Hanggang dito ba naman susundan mo 'ko?"

Natawa ito, "Kidding me? Ako nga ang dapat nagtatanong niyan sayo." Hinawakan niya ang baba niya saka tumingala na tila nag-iisip, "Hindi ko ba nasabi sayo?" Muli siyang tumingin sa 'kin, "Oo nga pala, ayaw mo nga pala akong kausapin kaya 'di ko masabi." As if naman may pake ako.

"Tsk." Inirapan ko nalang ito.

"Ano nga ba'ng ginagawa mo dito? Hindi ba't sa Lumina High ka nag-aaral?" Hindi na 'ko magtataka kung alam niya man ang dati kong eskwelahan, dati ko kasi siyang stalker. Parati siyang nakabuntot sa 'kin kahit saan ako magpunta. Ini-report ko na siya dati sa mga police, ang sabi ng mga police gagawan nila ng paraan pero hanggang ngayon gano'n pa rin ang sinasabi nila kaya 'di na 'ko umasa.

"Sinabi ko na sayo, hindi ako isang stalker." It seems like he read my mind. He's said that several times, but I don't believe him because I have plenty of evidence to prove that he's been following me, even at home he's always tailing me.

But he's not the reason why I transferred here, how would I know that he's studying here, how would I even know that he's studying at all. Akala ko kasi dati puro pagbuntot at pagbabantay lang sa 'kin ang trabaho niya, nag-aaral din pala siya.

Tumalikod na ako't akmang maglalakad na palayo nang may pahabol pa siyang sinabi, "I know you're here to escape from them." Tsk. Pati ba naman 'yon alam niya? Ga'no ba kadami ang alam niya tungkol sa 'kin?

Hindi na 'ko nagsalita pa't naglakad na palayo. "Just mind your own business." Sambit ko pa kahit alam kong 'di niya narinig.

May dahilan ako kung ba't ko 'yon ginawa. Tsk.

MABUTI nalang hindi pumasok ang Teacher namin sa first period ngayong hapon dahil may emergency daw. Pero nag-iwan siya ng activity na kailangan naming tapusin.

Akala ko nga late na 'ko dahil 1 pm na 'kong nakabalik. Inistorbo pa kasi ako ng stalker na 'yon eh.

Lumapit sa 'kin si Avi saka ako inabutan ng test paper na dala-dala niya ns agad ko namang tinanggap.

"Alam mo naman siguro kung para sa'n 'yan." Hindi ko alam kung wala siya sa mood o ayaw niya lang talaga akong kausap dahil sa tono ng pananalita niya.

"Yes, of course." 'Yon lang at naglakad na ako patungo sa upuan ko.

Kumunot naman ang noo ko dahil may ibang taong nakaupo doon.

"Excuse me," mukhang 'di niya 'ko narinig dahil may suot siyang headphone, bahagya pa siyang nakatalikod sa 'kin dahil nakadungaw siya sa bintana.

"Excuse me!" Sa pagkakataong 'yon ay hindi pa rin siya lumingon. Naisipan kong tapikin nalang ang balikat niya at hindi naman ako nabigo dahil liningon niya ako.

"Yes?" Hindi ko alam pero parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang magsalita siya, sobrang cold kasi ng boses ng lalaking ito.

Ilang segundo akong napatitig sa kanya kaya doon lang ako nabalik sa reyalidad nang tapikin naman niya 'ko. Napa-tikhim nalang ako at nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry, but I guess this is my seat." Pagkasabi ko non ay saglit lang niya 'kong tiningnan saka nag-iwas nanaman ng tingin. Isinalpak niya ulit sa tenga 'yong headphone bago dumungaw muli sa bintana.

Napangiwi nalang ako sa inasal niya.

Ano ba kasing tinitingnan niya sa bintana? Nakisilip ako sa bintana dahil curious ako kung anong tinitingnan niya. Para kasing kanina pa siya may tinititigan.

Enigmatic VengeanceWhere stories live. Discover now