Chapter Three: ABOUT SERAPHIM HIGH

6 8 0
                                    

**

MALACHI

"Wala bang nakakita sayo?"

"Wala."

"Siguraduhin mo lang."

"Anong gagawin diyan?"

"I'll just talk to her."

I slowly opened my eyes when I heard the voices of people talking.

Even though my vision was still blurry, I could already make out the figure of a woman who was now approaching me.

Behind her, there were two men standing as if they were guarding. There was also a man leaning against the other side of the wall, watching us.

I closed my eyes and tried to recall what happened. I remember I was on my way back to the classroom when someone suddenly grabbed me and brought me here.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. May mga tambak na mga kahon doon na mukhang itatapon na, at may mga patong-patong pa na mga sirang upuan sa kabilang gilid ng silid na ito. Maalikabok din dito kaya napaubo ako bigla nang umihip ang malamig na hangin na galing sa labas ng bintana. Sa tingin ko ay nasa isang lumang silid-alaran kami ngayon.

Muli akong humarap sa babaeng 'di ko namalayan na nakalapit na pala sa akin.

Hindi ko masyadong maaninag ang mukha nito dahil madilim ang paligid. Sa tingin ko ay gabi na ngayon kaya't ang isang bahagi lamang ng silid na ito ang bahagyang naiilawan ng buwan mula sa labas.

"What are you doing here?" Hindi ko man makita ang mukha nito ay alam kong nakakunot noo ito sa akin. Kung makapagsalita siya ay parang kilala na ako nito. Sino ba siya?

"Who are you?" Humalakhak lamang ito sa halip na sagutin ang tanong ko.

"Hindi ba't binalaan na kita, Mai?" Doon ko lamang napagtanto na pamilyar sa akin ang boses nito. The way she calls my name sounds familiar.

"Don't tell me your . . . ?" Pilit kong inalala ang pangalan nito.

"Yes, it's me. Veyan Demetri." Ngumisi pa ito, "Tsk, how could you forget your bestfriend's name?" Natawa nalang ako bigla nang irapan ako nito.

Tumayo na ito, gano'n din ako.

"By the way, what are you doing here?" Balik ko sa tanong niya. Sumeryoso naman bigla ang itsura nito. Nakikita ko na ng maayos ang mukha nito dahil binuksan nito ang ilaw kanina lang, nagpapatay-sindi pa nga ito.

She sighed, nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya, "Bakit kailangang dito ka pa mag-transfer? Pwede namang sa school na pinapasukan ko or pwede namang sa States ka nalang mag-aral." Natawa nalang ako dahil sa ka-oa-han nitong bestfriend ko.

"Ano ka ba? Para naman akong kriminal o wanted na may tinatakasan at tinatakbuhan kung gawin ko 'yon. 'Wag kang oa, Veyan." Biro ko pa at akmang lalabas na.

"Hindi nagkakalayo doon ang ginawa mo." Kumunot ang noo ko. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. "Para ka ngang isang kriminal na tumakas sa kulungan." Napasinghal nalang ako.

"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mo 'yon ginawa, pero ito lang ang gusto kong sabihin, tumakas ka imbes na harapin sila, mas pinili mong iligtas ang sarili mo kaysa tulungan ang iba. Mas pinili mong tumakbo at takasan ang mga taong 'yon, ang taong 'yon." Nagkuyom ako ng kamao dahil nainis ako bigla. Hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig nito.

"Stop it. You know nothing, Veyan."

"Alam mo bang sinusundan ka pa rin nila hanggang ngayon?" Alam ko. "Alam mo rin bang mas mapapadali ang paghahanap nila sayo ngayong dito ka lumipat sa eskwelahan na 'to?" Doon ako natigilan. Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi nito.

"Huh?"

Mas mamapadali ang paghahanap nila sa 'kin dahil dito ako lumipat? Tsk. Pinili kong lumipat dito dahil alam kong hindi ito masyadong kilala ng mga tao, masyado itong pribado. Nahirapan pa nga akong makapasok dito, eh. Kaya imposible ang sinasabi niyang madali lang akong mahahahanap ng mga iyon dito.

"Marahil iniisip mo na imposible," panimula nito na animo'y nabasa ang iniisip ko. "Pero ang lugar na ito ay masyadong maraming sikreto at palaisipan. Marami ang may gustong malaman ang lihim na nakapaloob sa lugar na ito, mapa-congressman, mayor, senator pati marahil ang isang presidente ay magnanais na hukayin ang kung ano mang sikreto ang nakatago sa lugar na 'to. Maybe, mafia also?" Napahinto ako sa huli niyang sinabi. Naaalala ko nanaman.

"Shut up, Veyan."

"Alam mong hindi sila titigil hangga't 'di ka nahahanap at napapatay, Malachi. Wala ka pa talagang alam."

"Ano ba'ng alam mo?" Naiiritang wika ko. Hindi ang tungkol sa Seraphim High ang tinatanong ko, kundi kung bakit parang marami siya masyadong nalalaman.

Wala akong sinabing kahit ano sa kanya simula no'ng umalis ako. Hindi ako nagpakita na sa kanya dahil ayoko ko siyang idamay. Pero bakit parang mas marami pa siyang alam kaysa sa 'kin?

"Meet me at the Caféteria tommorow, around 4pm. I'll tell you everything." Seryosong sambit niya. Pagkatapos non ay lumabas na ito kasama ang tatlong lalakeng 'yon.

Nang dumaan sa gilid ko iyong panghuling lalakeng palabas ay naamoy ko 'yong gamit niyang pabango. Nang masinghot ko 'yon ay agad ko siyang nilingon subalit huli na dahil hindi ko na siya nakita. Pamilyar sa akin ang amoy niya.

Enigmatic VengeanceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora