Chapter 4: Queen

2 0 0
                                    

Hindi ko aakalaing may ibang lahi pa pala ang narito sa nobelang ito. Batid kong makapangyarihan ngunit labis na nakakagulat ang malaman na mayrong ibang nilalang na nabubuhay sa mundong kinaroroonan ko ngayon.

Kung merong serina at merong mga duwende, mayroon pa kayang dark elves? dwarves? mga hayop pero tao ang itsura? nakaugnay ba ang mga ito basi sa kanilang itsura? may tribo ba na kinabibilangan ang bawat hayop? May tao bang marunong gumamit ng mahika kagaya na lamang ni Ursula na galing sa dagat na siyang naging kalaban sa estoryang ito? May dragon ba rito?

Mayroon bang naririto na hindi kayang makita sa mundong kinabibilangan ko noon?

Nang dahil sa kaisipang ito ay nais ko na tuloy maglakbay upang malaman ang lahat ng wonders na naririto.

Ngunit bago iyan ay mayroon akong kelangan linawin.

Sa palagay ko'y nasa loob na kami ng palasyo, kasalukuyan akong nakasuot kagaya ng kanilang kasuotan. Hindi ako sanay sa corsette ngunit nasa kaharian nila ako ngayon kaya kailangang sundin ko ang kulturang nakasanayan nila.

Nakaupo ako ngayon sa mahabang mesa.

Tanghali na ako nagising at sa pag gising kong iyon ay agad na may nag alagang elf sakin, ang sabi ay kaya raw ako nawalan ng malay ay dahil sa papod.

Marahil ay na exhaust ang aking katawang lumangoy papunta rito. Mula sa kaharian ni King triton hanggang sa Bering Sea ay inabot na ng apat na araw, samantalang isa't kalahati naman mula sa Bering Sea papunta rito sa Kaharian ng mga duwende.

Mismong Elf din ang siyang tumulong saking maghanda, niliguan ako, dinamitan ng puting kasuotan na makikita lamang sa history ng western culture, nilagyan din ng palamuti at niguide papunta dito.

Aniya'y oras na raw upang kumaiNapansin ko rin kung paano sila magsalita. Madalang lamang sila mag ingles at kung magatatagalog man ay… napakalalim?

Siguro pati ako ay nahawa.

Dapat lang.

Nakakapagod na kayang mag ingles.

Papasok na ang Reyna kasama ang Prinsesa!” sigaw ng guwardia sa labas.

Bumukas ang malaking pinto at agad silang pumasok. Nung makapasok na sila nang tuluyan ay yumuko muna ang guwardia sa labas kasama ang nasa loob, dahil nga ron ay tumayo rin ako ay yumuko bilang pagbati pagkatapos niyon ay agad na isinara ang malaking pintuan.

Ngumite sakin ang dalawa at nagpatukoy sa paglalakad hanggang sa maupo sila. Nasa gitna ng mesa ang Reyna samantalang kaharap ko naman ang Prinsesa.

Kamusta ang iyong pakiramdam?” panimula ng reyna.

Tumikhim ako upang ihanda ang aking boses.

Sa di maipaliwanag na rason ay mas mabuti ang pakiramdam ko ngayon, marahil ay dahil narito ang iyong presensya” pagsagot ko sa kaniyang katanungan.

Pansin kong kumunot ang noo ng Prinsesa ngunit binigyan ko lamang siya ng ngite.

Tumawa ang Reyna habang kumukuha ng prutas.

Nasearch ko na ito noon, mahihilig ang mga elf ng prutas at gulay, minsan nama'y kumakain din sila ng isda at rabbit ngunit sa sitwasyon ko ngayon di ata ako kailanman makakakain ulit ng isda. Mabuti nalang at puro prutas lamang at gulay ang naririto.

Posibleng di sila nakadakip ngayon o batid lamang nila ang kultura ng mga sirena?

Tama. Kilala pala nila ang ina ni Attina.

Kumuha rin ako ng akin at nagsimulang lumamon.

Oo, lumamon.

Apat na araw na walang kain kain, sinong hindi magugutom?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only One I Dream ofWhere stories live. Discover now