Scheofreude

305 15 2
                                    

[Task Compilation #0115]

    

Napangisi ako.

Nilingon ko ulit ang loob ng room at bumaba ang tingin sa aking mga paa. Napakagat ako ng labi.

"Sige, pre. Una na kami."

Narinig kong sinabi niya sa isa pa naming kaklase.

Pinagmasdan ko ang hallway.

"Mamaya pa kami, Vice. Ingat kayo."

"Ge."

Huli kong narinig ang pagbangga ng mga kamao nila, bago ko narinig ang yapag ng kanyang mga paa.

Geez. He's freaking coming.

I closed my eyes and breath heavily.

"Oh, tara na?"

Tanong niya sa kin.

Tinaas ko ang tingin ko sa kanya.

"Ayos ka lang?"

Iyan na naman iyong kakaiba niyang mata. Iyong mga matang tila nakakabasa ng isipan, ng kilos.

Napangisi ulit ako.

"Oo."

Sabi ko na parang obvious namang ayos lang ako.

Kumapit ako sa magkabilang strap ng bag ko at nauna nang maglakad pababa sa second floor.

"Uy, si kuya Jacob, oh!"

Narinig kong bulong ng babaeng nadaanan ko sa katabi niyang babae.

"Yan ba yung crush ni Shiena?"

"Oo pati si kuya Dean."

Lumilingon ang mga ulo nila sa direksyon ko.

Ngunit tumatagos sa akin patungo sa likuran ko. Pasulyap sulyap. Kay Jacob.

Si Jacob.

Fourth year highschool na kami.

Sikat siya sa school hindi dahil sa bad boy siya.

But the other way around.

Sa totoo lang, malimit nalang ngayon ang makakilala ka ng taong gentleman at medyo green-open-minded na tao.

Journalist siya.

Hanga ako kapag gumagawa siya ng tula at ginagawa niyang kanta.

Kapag nagsasalita siya sa harapan na parang hindi pa siya nabubulol kahit kailan.

At iyong pagkumpas niya ng kamay sa bawat paliwanag na ipinapahatid niya.

Kapag corny ang jokes mo. Ibababa niya lang ang ulo niya pero nakatingin ang mga mata niya sa mata mo.

Meaning, corny ang joke mo. Tapos tatawa yan. Yung tawa niyang pati mata ay nadadamay. Pati iyong balikat niyang tumatalon sa bawat halakhak.

All of him are special.

Yung tipong mahirap makita sa mga lalaki ngayong henerasyon.

Some called him Vice because he's our vice president in our class.

I never saw a guy as passionate as him when it comes to responsibilities and talent.

"Anong year?"

Tanong ng guard sa gate namin.

Pang umaga kasi kami. At alas tres na ng hapon ngayon.

Ganito kami lagi umuuwi dahil may iba pa kaming inaasikaso sa mga organization.

One Shot Stories (Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon