CHAPTER 35

10 2 0
                                    

KASALUKUYAN kaming nasa ospital ni trix na dalawa para bisitahin si tatay at para alamin ang kalagayan ni pia.

Habang naglalakad papunta sa hospital room ni pia ay nahinto si trix ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Agad naman din akong napahinto at napatingin sa kanya.

Sandali siyang natigilan at nanatiling nakatitig sa hawak na cellphone. Maya maya pa ay bumaling siya ng tingin sa akin at bahagyang itinaas ang hawak na cellphone. "Mauna ka na, sasagutin ko muna to.." turan nito na akin lang tinanguan.

Nakatanaw lang ako kay trix habang naglalakad ito papalayo. Napabuntong hininga na lamang ako bago nagpatuloy sa paglalakad pero agad din akong natigilan ng biglang tumunog ang aking cellphone na agad ko ding kinuha at tinignan.

Napangiti na lamang ako ng makitang tumatawag pala si fredrick. Tumikhim muna ako bago ko ito tuluyang sagutin.

"Hello wife? How are you? Nandyan na ba kayo sa hospital?" Agad na bumungad ni fredrick na aking mahinang ikinatawa.

"Teka, isa-isa lang ang tanong.." Turan ko dito.

"I miss you..." Turan nito at hindi pinansin ang sinabi ko. Malawak at matamis akong napangiti sa kanyang tinuran. 

"Nandito na kami sa ospital kararating lang..." Turan ko dito.

"I said, I miss you.."

"Tsyaka, okay lang din ako..." Narinig ko naman ang pag 'Tsk' nito mula sa kabilang linya na mahina kong ikinatawa. "Wala pa ngang isang oras nang umalis kami diyan sa opisina mo eh. "

"Pero miss na talaga kita, at gusto na kitang makita.." Ani nito.

"Segi na, mag trabaho ka na diyan, Sir."

"I love you wife.." Turan nito na akin lalong ikinangiti.

"Mahal din kita.." Nakangiting turan ko dito bago ko tuluyang ibaba at pinatay ang tawag.


Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad pero nakakailang hakbang pa lamang ako ng muli na namang akong napahinto ng mariing kumirot ang aking ulo na muntik ko nang ikinawala ng balanse. Bahagya kong piniling ang aking ulo , nang magmulat ako ng aking mga mata ay sobrang labo ng aking paningin pero unti unti din itong bumalik sa pagiging normal.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo ng tuwid. Baka masyado lang akong pagod kaya ganito. Tama, nitong mga nakaraang araw, napakarami ding nangyari kaya siguro panay ang kirot ng ulo ko.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad at hindi na nag isip pa ng kung ano ano.




*****


"KAMSUTA KA?" Tanong ni tatay habang tinutulungan niya akong ilabas ang mga pagkaing dala ko.

Bumaling naman ako ng tingin sa kanya at ngumiti. "Ayos lang po ako..." Muli kong ibinalik ang aking tingin sa mga pagkain.

"Ako na ang magaayos nito. Maupo ka muna do'n." Turan ni tatay na aking muling ikinatingin sa kanya. "Segi na."

Napabuntong hininga naman ako at sinunod ang gusto niya. Naupo ako sa sofa habang nakatingin kay pia na ngayon ay mahimbing paring natutulog sa kanyang kinahihigaan.

Kailan ka ba magigising? Ang dami kong gustong sabihin sayo, itanong. Gustong gusto na kita makausap, kaya naman sana gumising ka na diyan, pia.....

Natigil lamang ako sa pag iisip ng kung ano ano ng maramdaman ko ang presensiya ni tatay sa aking tabi. Bumaling ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatingin din ito kay pia.

"Wala parin po bang update ang mga pulis tungkol sa nangyari kay pia?" Tanong ko dito na siyang ikinabuntong hininga ni tatay.

"Hindi ko nga alam kong inaasikaso ba talaga ng mga pulis ang tungkol do'n." Turan ni tatay na aking ikinatigil.

"Bakit naman——" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng bigla nalang tumunog ng matinis at malakas ang monitor ni pia na siyang agad naming ikinatigil at ikinagulat na dalawa ni tatay.

Mabilis na tumayo si tatay para lapitan si pia, agad din naman akong tumayo para tumawag ng doctor pero agad din akong nahinto ng muli ko na namang naramdaman ang pagkirot ng aking ulo.

Mariin muna akong napalunok bago piniling ang aking ulo at nagpatuloy.

Nang makalabas ako sa hospital room ay siya din namang pagkarating ni trix na agad sumalubong sa akin na may pagtataka.


"Hazel——

"Doctor, tumawag ka ng doctor.." putol ko kay trix na agad din naman niyang ikinatigil. Napakurap muna siya ng ilang beses bago siya kumilos para tumawag ng doctor.

Akmang maglalakad na ako para bumalik sa loob ng muli na namang kumirot ng mariin ang aking ulo, mas masakit sa mga mas nauna. Umiikot din ang aking paningin.

Bigla may mga ala-ala ang naglitawan sa aking isipan. Hindi gaano malinaw pero alam kong mga ala-ala ito na nawala sa akin.

"Hazel!" Boses ni trix. Hindi ko na maimulat ang aking mga mata. Umiikot na ang paningin ko at mas lalong kumikirot ang aking ulo.

Naramdaman ko ang pag hawak sa akin ni trix ngunit hindi ko na talaga maintindihan ang ilan sa nangyayari sa paligid hanggang sa hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong bumulagta ang nawalan ng malay tao.






*****





MARAHAN kong inimulat ang aking mga mata at unang bumungad sa akin ang ilaw sa kisame.

Nang ibinaling ko ang aking tingin sa paligid ay dito ko napagtanto na nasa hospital room pala ako ngayon.

Nawalan nga pala ako ng malay kanina, pero asan kaya si trix?

"Mrs. Lacoste.." Agad na bumaling ang aking tingin sa nagsalita na doctor na kakapapasok lang. Naglakad siya papalapit sa akin dala ang ilan sa mga papers na hindi ko alam kung para saan.

Pero teka lang, ano ang tinawag niya sa akin? Mrs? Mrs Lacoste?

Lihim na lamang akong napangiti dahil d'on pero bigla din akong natigilan ng makitang seryoso ang mukha ng doctor. Bumaling muna siya ng tingin sa hawak na papel bago niya muling ibinaling ang tingin sa akin.


"Mrs. Lacoste. Naaksidente ka na ba?" Tanong ng doctor sa akin na sandali kong ikinatigil . Marahan akong tumango bilang sagot sa kanya.

"Opo doc. Mga limang taon na siguro ang nakakaraan, kaya po nawala ang ilan sa mga ala-ala ko." Turan ko dito.

"Hindi ka ba dinala sa ospital? O napatingin man lang?" Tanong muli ng doctor na aking inilingan bilang sagot.

"Hindi po doc." Sagot ko dito. Napabuntong hininga naman ang doctor na aking ipinagtaka. " Bakit po doc? May problema po ba?"  Tanong ko dito. Hindi ko alam pero bigla nalang dumagundong ang kaba sa aking dib dib bagay na hindi ko nagustuhan.

"Tatapatin na kita Mrs. Lacoste. May cornea cancer ka...."





ADstories

CONFESSION OF A WICKED WOMENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon