Prologue

2 1 0
                                    

"Who did?" Tanong ng babaeng nakatayo sa labas ng ICU habang walang emosyong nakatitig sa taong walang malay at nakahilata't maraming aparatos na nakakabit sa katawan.

"I... don't know... nauna akong umuwi nun dahil may family dinner kami, balak nya pa sanang ihatid ako kaso pagabi na non tapos opposite way kami." Nakatulalang sagot ni Scent.

"If... if I just agreed... kung pinigilan ko lang sana sya..." sabi nito saka tuloy tuloy na umagos ang luha nito.

Nangunot naman ang nuo ng babaeng kaharap. " What do you mean by stopping him?" Natigilan si Scent dahil dun. "Gets ko yung unang sinabi mo, pero ano yu g sinasabi mong kung pinigilan mo lang sya? San mo sya pipigilan." Masama ang tinging tanong ng babae.

"Scent, answer me? Ano bang pinaggagagawa ng kapatid ko?"

"Z-zin..." nanginginig na ani ni Scent. Bakas ang takot sa mata nya sa pagtitig lamang sa mata ng kaharap.

"Scent,you don't want me to repeat my self again." Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Zin, mas matangkad ito kesa kay Scent kaya nagmumukhang nakakatandang kapatid ito ni Scent kahit ang totoo aymas matanda sya rito ng isang taon.

"Your brother... was involved..." sa susunod na sinabi ni Scent ay parang umakyat ang lahat ng dugo ni Zin sa kanyang ulo at parang gusto nya ng sumabog dahil sa galit.

Galit na galit sya pero ginawa nyang pakalmahin ang sarili saka walang sali salitang iniwan ang kausap.

Kung ano man ang rason sa nangyari sa kapatid nya ay siguradong may kinalaman iyon sa nalaman nya tungkol sa kapatid at kailangan nyang maresolba iyon.

Kuyom ang kamaong lumabas si Zin ng Ospital saka dumeretso sa big bike nyang naka park sa di masyadong kita na lugar, sumakay sya rito saka ito pinaharurot ng sobrang bilis.

She need to do something. And that 'something' gives her the idea. Pinaharurot nya ang motor na parang wala ng bukas ng may ngising nakapaskil sa labi.

-------
02/14/24

Disguising as My Twin BroWhere stories live. Discover now