Chapter 7 - HD

3.4K 120 4
                                    


"Hey Jade, you've got it in you. Welcome again sa club."

"Thanks."

That was the president nung sinalihan kong org.

Pauwi na sana ako nung makita ko si Thea. Nilayasan ko kasi sya kanina sa cafeteria kasi ayoko malaman nya na may sasalihan akong org. Nagmamadali syang lumapit saken.

"Bae! Kanina pa kita hinahanap!" Hinihingal pa sya.

"Bae, uso pala huminga ng malalim?" I told her with sarcasm.

Tinampal nya yung balikat ko ng libro nya. "Ang hard mo talaga saken eh noh? Kainis." Pero nakasmile sya.

"What do you need?" I asked her.

"May gagawin ka pa ba? Samahan mo naman ako sa mall. Shopping tayo, bae."

Naka-pout pa to.

"Okay. Convoy tayo? O saken ka sasakay?"

"Convoy lang. Ayoko pa mamatay."

Sira ulo talaga.




-

Boutique

/

Kasalukuyan kaming nagfifit when Thea speaks from the cubicle next to me.

"Bae? Sino ba yung tawag ng tawag sayo kanina? Bakit di mo sinasagot?"

Napansin nya pala.

"Di ko nga alam eh. Basta di ko nalang sinasagot."

"Naks! Stalker? Ang ganda ganda natin ah!" natatawa nyang sabi.

"Sus whatever. Di naman ako interesado."

Ayan nakalabas na kami sa fitting room and dinala na namin yung mga pinamili namin sa counter. Inabot namin sa cashier yung cards namin.

"Eh bae, baka yang stalker mo na ang soulmate mo." -Thea

"Shut up, ok?"

"It's about time na palitan mo na yung jerk na yun. Ang ganda ganda mo oh. You're such a stunner, bae. Wala ka paring kahit na prospect na man lang for a date?"

I smiled.

Meron naman.



"So SMILE ba yung pangalan nya? Bawal ba magdrop ng name? Wag mo nga akong ganyanin bitch. Sino ba? Bestfriend moko tas di mo sasabihin saken?"

Kinuha ko na yung shopping bags namin. "Tara na." Nauna nako sa kanya.

"Ang daya naman oh!"

Rebel [COMPLETED]Where stories live. Discover now