Chapter Four: PLAN

4 5 0
                                    

**

MARGAUX

Pagkatapos kong um-order ng pagkain sa counter ay naupo na 'ko sa may vacant na table.

Una kong kinuha iyong burger at akmang isusubo na nang mabitawan ko 'yon dahil nagulat ako nang marinig bigla ang malakas na paghampas ng isang table.

"I'm done listening to your nonsense!" Lahat kami ay nagsilingunan sa babaeng ngayon ay nakatayo, nakakunot ang noo habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kausap niya. Sigurado akong siya ang humampas ng mesang muntik ng mabasag.

"Anong problema niya?"

"Gosh! Muntik na 'kong atakihin, kainis!"

"Baliw ba siya?"

"Miss, maghinay-hinay ka naman. 'Di lang ikaw ang tao dito."

Parang wala lang siyang narinig dahil gano'n pa rin ang itsura niya. Galit na galit na animo'y dragon na malapit ng bumuga ng apoy pag 'di na nakapag-timpi.

Napairap nalang ako dahil nawalan bigla ako ng gana dahil sa kanila.

Nanood lang ako sa kanila at hinintay ang susunod na mangyayari.

May sinabi pang kung ano si Malachi sa kaharap niya pero 'di ko 'yon gaanong narinig dahil medyo malayo ang table nila sa 'kin. Hindi ko din makita ang itsura ng babae dahil nakatalikod siya at nakaharap kay Malachi. Mukhang kalmado pa rin siya matapos siyang sigawan nito.

Kinuha na ni Malachi ang bag niya saka padabog na lumabas ng Café. Nagbayad na ba siya?

"Hapon na nagkakape ka pa din?" Gulat nanaman akong napaharap sa taong biglang nagsalita sa harap ko.

Sinamaan ko ng tingin si Kenji dahil sa panggugulat niya, pero nakangiti lang ito ng matamis sa 'kin, napangiwi nalang ako dahil nagmukha siyang vtot nang ngumiti siya. 'Di kasi bagay sa kanya.

"Pake mo ba?" Inirapan ko ito saka hinablot iyong kape ko na akmang iinumin na niya.

Nang lingunin ko muli 'yong table nina Malachi ay hindi ko na nakita 'yong babaeng kausap niya kanina. Lumabas na ba siya?

"Kailan nga ulit 'yong foundation day?"

Nagtaka ako bigla kung bakit gano'n ang ikinilos ni Malachi kanina. Mukhang may nasabing 'di maganda 'yong babae kaya nainis si Malachi. Pero ano nga kaya ang sinabi niya?

"Akin nalang 'to ha?"

Ang totoo niyan ay gusto ko talagang makipag-close kay Malachi simula no'ng pumasok siya dito, kaya naman palagi akong sumusulpot kung saan-saan. Kaya lang pakiramdam ko ay na-we-weirdohan si Malachi sa 'kin kaya tumahimik na muna 'ko.

Weird ba talaga 'ko?

"Hoy, Marg! Kanina ka pa tulala diyan! Anong iniisip mo?" Nabalik naman ako sa riyalidad dahil sa pagsigaw ni Kenji.

"H-ha? Ano?"

Binalingan ko ng tingin 'yong pagkaing in-order. Pinaningkitan ko ng mata si Kenji nang makita kong wala nang laman ang mesa ko na kanina lang ay puno pa ng pagkain.

"T-teka, 'wag mo 'kong sisihin. Tinatanong kita kanina kung pwede kong ubusin lahat 'to kaya lang 'di ka naman sumasagot kaya kinain ko nalang." Paliwanag niya pa.

"Tsk. Sana man lang nagtira ka."

"Sa susunod na buwan na 'yong foundation day, 'di ba?" Pag-iiba niya ng usapan.

Oo nga pala.

"Ano naman?"

"Kung gano'n may papata-" I immediately closed Kenji's mouth using my hand to stop him from talking.

"Tumigil ka nga, baka may makarinig sayo." Suway ko saka inalis iyong kamay ko sa bibig niya. Nagpalingon lingon pa 'ko sa paligid para siguruhing walang nakarinig sa 'min.

Next month na nga pala 'yong foundation day, mabu-busy nanaman ang mga estudyante at teachers sa paghahanda.

Nakakatawa nga eh, dahil mukhang 'di foundation day ang mangyayari kundi halloween party.

"Sigurado ako, pagpaplanuhan nanaman nilang gawin ang bagay na 'yon." Pareho lang kami ng iniisip ni Kenji.

"Huwag ka nang magtaka, taon-taon naman nila 'yong ginagawa." Taon-taon silang kumikitil.

"Pero nakapagtataka, hindi mo ba napapansin?"

"Ang ano?"

"Mas kumukonti ngayon ang namamat*y kumpara noong nakaraang taon." Halos pabulong niya lang sinabi 'yon, sapat na para marinig ko. Napahinto ako bigla sa pag-inom ng kape dahil sa sinabi ni Kenji, 'yon din ang pinagtatakahan ko.

"Maybe they have other plans this year?"

"Pero nakapagtataka pa rin, eh. Ang weird ng Seraphim ngayon."

"Kung ano man 'yon wala na tayong pakealam do'n, susunod tayo sa ayaw at sa gusto nila."

Kung talaga ngang iba ang plano ngayong taon ay hindi ko na aalamin kung ano pa 'yon, wala rin naman akong mapapala.

"Baka mas worst pa ang gawin nila ngayon." Hindi ko na pinansin ang mga pinagsasabi ni Kenji at iniwan nalang siyang mag-isa sa Café.

Sakto namang nag-ring ang phone ko paglabas ko. Agad ko 'yong sinagot.

"Hello?" Panimula ko. "Sabi ko na nga ba't gagawin nila 'yon ngayon." Inis kong ibinaba ang tawag matapos kong marinig ang balita galing sa kausap ko.

Matapos ang ilang taon ay gagawin nanaman nila 'yon. Mangyayari nanaman ang nangyari noon.

Mga baliw talaga sila!

Enigmatic VengeanceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu