Chapter 24

2 2 0
                                    

Chapter 24

Ja's Pov

"Kasama mo ba si Bee? Ang barkada magkasama ba kayo?"

"Tangina namiss ko agad kami. Balita ko sinusulit niyo bonding time ng brother mo. Kumusta naman?"

"Wala ako oras para makipagmarites saiyo gago ka." Napaatras ako habang nakikinig sa kausap ng kapatid ko. Sino kaya kausapn nito? Sa lakas ng volume kasi. Narinig ko ang bawat palitan nila. Mukha mainit ang ulo ni Cieron. Yayain ko sana siya mag-almusal Nakahanda na kasi, kami ni Shane ang nagluto. Hinanap ko si Cieron; dito lang siya sa may malaking puno nakatambay.

"Problema mo?"

"Nasaan si Bee?"

"Kasama ng parent mo. Naiingit nga si mommy kasi mas tinuturing niya pa si tita na mommy kay sa tunay niya mommy.

"Ang dami mo sinasabi. Sagutin mo lang tinatanong ko."

"Gago ka, wala ka ba magawa sa buhay mo. Tangina makautos ka."

"Gago, makinig ka! Bantayan mo si Bee at nakikiusap ako. Please! 'Wag mo alisin sa mga mata mo si Bee, mama at si ate. Ikaw na ang bahala sa kanila. Nasa panganib sila. Please Brent! Ngayon ka bumawi gago ka."

"What! Panganib! Pinagsasabi mo! Saan ka ba?"

"Tangina, mahabang usapan sa ngayon nakatakas na kami sa tulong ni Bam.

"Si Bam! Anong kinalaman ni Bam?"

"Wag ka na maraming tanong. Iyon utos ang sundin mo."

"Gago! Iba usapan na ito Cieoron,  may kinakalaman na ito sa buhay ng mahal mo sa buhay. Sagutin mo ang tanong ko anong kinalaman ni Bam. Gago siya hindi pa rin siya nagbabago."

"Wala kinalaman si Bam, sa katunayan siya nga tumulong sa amin. Tsaka ko na saiyo ipapaliwanag kapag maayos na ang lahat. Sa ngayon 'wag mo alisin sa mga mata mo silang lahat."

"Ok fine! Kailangan malaman ito ng grupo. Kung nasa panganib sila sa malamang kasama kami, dahil sa may koneksyon kami saiyo."

"Sige! Sa ngayon, sila ang tutukan mo. Sige na bye na. Ichacharge ko phone mo." Hanggang sa naramdaman ko na lang bumuntong hininga na lang si Cieron. Nilapitan ko siya kahit na may takot ako lumapit sa kan'ya.

"Sorry! Sorry dahil sa akin napahamak pa kayo." Napayuko ako hinarap siya.

"Tangina, bakit ka nagsosorry? Kung ano man ang nangyari ngayon. Ito ay sadyang pagsubok lang sa atin. JA, hindi kita sinisisi kaya itigil mo na iyan kasosorry mo. Sa ngayon mag-isip tayo ng paraan para maging maayos na ang lahat. Hindi titigil si Danica hangad hindi siya nakakaganti saiyo. Ja, naunawaan ko siya, ikaw ba naman na pinahiya sa buong angkan. Kita ko sa mga mata niya. Handa siya gawin lahat na bumalik ka o tanggapin mo ang parusa sa kanila." Hindi ako napagsalita sa sinabi ni Cieron.

"Kaya nga gusto ko na matapos ang lahat sa pamamagitan ng pagsuko sa kan'ya."

"Susuko ka? Paano mahal mo? Sige nga! Paano mo ipapaliwanag ang lahat. Paano kung ipakasal ka? May pag-asa pa kaya magkasaa kayo ng mahal mo si Shane o may pag-asa pa na makita makasama kami." Napatingin ako sa kan'ya. Nabingi ako sa huli niya sinabi.

"Ah!" sabi ko sa kan'ya. Napaseryoso si Cieron na katingin sa akin. Nang bigla may tumawag sa kan'ya. Nagkatinginan kami ni Cieron. Nakakunot kasi mukha niya

"Sagutin mo na mukha importante. Sige mauna muna ako."

"Wait! 'Wag kang umalis." Napatigil ako. Habang nakikinig ako sa usapan nila. Napaatras ulit ako ng marinig ko sumisigaw si Cieron.

"Nangyari?" Hindi ko na napigilan magtanong sa kan'ya. Tingnan niya ako. Maya-maya nilakasan niya ang volume.

"Umalis na kayo riyan. Hindi na kayo ligtas. Ano man oras andiyan na sila. May ilang mga dumating hindi ko sila mga kakilala. Ang alam ko lang may tinawag siya daddy at tito. Ang dami nila tsaka maraming mga bodyguard."

"Ito na sinasabi ko. Nasundan na kami ni Daddy," sabi ko sa kanila.

"Paano nila nalaman?" Napatingin si Cieron sa akin.

"May kasama si Danica tatlong kalalakihan nagngangalan Jarrie, Leck at Nate pakiramdam ko tinakot ni Danica. Sila ang nagsabi na kung saan kayo. Sige na baka mahalata nila na may nagtip sainyo. Buti na lang mautak si Jarrie binigay niya sa akin ang phone ng kakambal mo. Nakuha niya sa drawer ni Ja. Mag-ingat kayo. Sa ngayon ako bahala.

"Bam, nakikiusap ako. Alamin mo ang bawat galaw nila. Sabihin mo sa akin kung ano nalalaman ko. Tangina, hindi ako makakampante lalo na hindi ko kasama ang mama at ate ko."

"Isa pa iyon narinig ko. Hinahanap nga nila mama mo at ate mo. Mukha nga target kayo. Bakit?"

"Shit!" sabi ni Cieron.

"'Wag ka mag-alala hindi nila magagalaw mama mo hanggat andito ako."

"Salamat." Binaba na ni Cieron ang tawag mula kay Bam. Kita ko sa mga mata ni Cieron ang pagkawala ng hininga. Hindi ko magawa magsalita sa kan'ya. Pabalik-balik kasi na parang hindi mapakali. Muli niya kinuha ang phone kinontak si Bam.

"Hello!"

"Shawn ikaw ba iyan?"

"Yep! Anong sinasabi ni Bam na sa panganib tayo. Akala ko ba ok na. Naayos na."

"Hindi ito tungkol sa grupo natin. Tungkol ito sa pagkatao namin ni Ja. Tangina, nandito ang daddy ni Ja."

"Daddy niyo." Paglilinaw ni Shawn.

"Si Krizzy, kasama mo?"

"Oo! Natakot kami sa binalita ni Bam. Sa ngayon magkasama na kami. Pero Cie, hindi bobo ang ate at mama mo malalaman nila ito. Lalo na kapag pinagbawal namin na lumuwas siya sa labas.

"Pigilan niyo. Ano man mangyari. Sige na kailangan na namin umalis rito hindi na kami safe."

"Hindi tayo safe." Napalapit si Jc sa amin na kasama niya si Shane.

"Oo! Ano man oras andito na sila?" Nanghina napaupo si Jc.

"Paano? Hindi tayo makakaalis dito," sabi ni Shane.

"Tara na wala ng oras." Napatingin ako kay Jc.

"May daan ba sa likod?" sabi ni Cieron sa amin.

"Anong daan? Hindi tayo dadaan sa likod. May sasakyan tayo."

"Hindi puwede sumakay tayo dahil ano man oras makakasalubong natin sila. Ang mainam natin gawin ang unahan sila ang maglakad sa likuran."

"What maglalakad na naman tayo? Kailan ba matatapos ito?"

"Sige na! Umalis na kayo. Haharapin ko ito. Ako naman kailangan nila."

"Tangina naman, Ja, wala ka ba utak o sadyang ayaw mo lang intindihin. Ilang beses ko sinabi saiyo na hindi ito ng paraan. Gago ka baka kapag sumama ka sa kanila. Magiging masaya ka ba? Sasaya ka ba sa mga taong nakakasalamuha mo. Akala ko ba gusto mo makita ang mama natin. Bakit ngayon susuko ka na? Duwag ka ba?"

"Tama siya Ja, may tamang panahon. Sa ngayon kailangan na natin umalis. Anong man oras nandito na sila. Bago tayo umalis tulungan niyo ako dalhin natin ang pagkain." Natawa ako sa naiisip ni Jc. Mukha gutom na nga ang loko kahit ang pagkain hindi pinalampas. Bumaba na nga kami. Tinulungan ko si Jc na kunin ang lahat na pagkain sa refrigerator. Buti na lang mahilig si Nate na mamili ng mga chitsirya ang siya namin dinala. Habang ako naman kinuha ko ang kaldero naman laman na kanin at nilagay ko ang hotdog na niluto namin ni Shane tsaka na kami umalis.

Twin Affection Where stories live. Discover now