CHAPTER 26

0 0 0
                                    

Ex Best Friend

Chapter 26: The Jericho memories is back

Nicole's POV

Halos mag away na ang dalawang magkapatid sa harap ko at buti nalang ay hindi ito pinatulan ni David

Nag sinongaling ako kay David at sinabi ko sakanya na magkaibigan lang kami dati para hindi na magkagulo pa,

Oo mahal kopa si Jericho pero wala na akong magagawa ikakasal nako sa kapatid niya dahil sa kagustohan ng mga magulang namin.

Natatakot akong sabihin sakanya ang totoo kasi baka ito pa ang maging dahilan ng away nila na mag kapatid.

Pagkatapos kung sabihin sakanya ay umalis na kami ni sir Dave at hindi korin siya nilingon.

Umiiyak na naman ako Habang naka tingin sa litrato namin ni Jericho. Pinunusan ko ang mga luha ko ng may naririnig ako na paparating na Ambulansya.

Pinuntahan ko ang mga nagkakagulo na mga tao mula sa Fire Exit stairs. Naririnig ko ang mga sinasabi ng mga employado na may lalaki daw na nahulog sa hagdan at yung iba naman,  ay sinasabing kapatid daw ng Vice chairman.

Lumapit ako rito at nakita ko na si David ang tinotukoy ng mga employado. Di ko siya iniwan hanggang sa dinala na siya ng mga rescuer at ako rin ang sumama sa ambulance.

Pagdating namin sa Hospital ay agad siyang dinala sa Emergency room. Hindi kona magawang pumasok ng E.R dahil pina labas ako ng Nurse.

Umupo nalang ako sa upuan at nag hihintay sa resulta ng Doctor.

Natatakot ako na baka maulit na naman ang nangyari sakanya noon. Ilang minuto bago naka labas ang Doctor na nag asikaso sakanya

"Kayo po ba ang guardian ng patiente"

"Yes Doc, How's the patient" pag aalalang tanong ko rito

"Mabuti naman siya wala rin kaming nakita na Mild Injury sa Ulo niya"

"Maraming salamat po Doc"

Naka hinga ako ng malalim ng marinig ko ang sinabi ng Doctor

"Hintayin niyo nalang, Na ilipat na siya ng room"

Pagka lipat niya ng kwarto ay agad ko naman siyang pinuntahan.

Nadatnan ko siyang wala paring malay, Umopo nalang ako sa upuan na katabi nito sa kanyang kama.

Hinawakan ko ang kamay niya, Di ko maiwasang  sisihin ang sarili ko, pag may nangyari na naman sakanyang hindi maganda baka mag paka matay narin ako. Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mukha

"Sana maging ok kalang, Kasi pag may nangyari na naman sayong hindi maganda ay habang buhay konang sisihin ang sarili ko. Nagkaroon ka ng Amnesia dahil sakin. Pag balik mo naman ay hinanap mo parin ako pero kahit alam ko ang lahat diko sinabi sayo kaya sana mapatawad mo ako"

Tumayo ako at aalis na sana, ngunit pag ka lakad ko ng isang hakbang ay bigla nalang may humawak ng kamay ko.

Hinila niya ako dahilan para matumba ako sa dibdib niya at niyakap niya ako ng mahigpit. Meron pa itong sinabi na ikina gulat ko

"Love wag mokong iwan, natatakot ako na baka magka layo tayo ulit ng mahabang panahon"

Napa lunok ng sarili kong lawt dahil sa narinig ko mula sakanya.

Ilang sigundo ang lumipas bago niya ako pakawalan mula sa pagkaka yakap niya.

Hindi ako nag salita dahil baka mali lang ang pagkaka rinig ko. Hindi korin siya magawang tignan ng maayos at naka upo lang ulit ako sa kina uupuan ko kanina

Hinawakan niya ulit ang kamay ko at muling nag salita

"Love di muna kailangan mag sinongaling sakin ulit alam kona ang lahat dahil bumalik na ang memories ko"

Hindi ako maka paniwala na naaalala na niya ang lahat, ngayon magkaka gulo na talaga. Paano na kapag nalaman ng kalapatid niya.

Dumalaw narin dito kanina ang daddy niya at si sir Dave, pero buti nalang ay pumayag si sir Dave  na ako muna ang mag alaga kay Jericho.

"I love you" nabigla nalang ako sa sinabi nito, pero hindi ko nalang siya sinagot

"Ang tagal kitang hinanap, malapit kalang pala sakin, kaya sorry ha kung hindi kita nakilala agad" mahinahong sabi niya saakin

Nanatili parin akong walang sagot sa kaniyang mga sinasabi sakin.

"Bat hindi mo naman sinabi sakin noon na ikaw pala yun" hinawakan niya ulit ang kamay ko pero binitawan ko ito

"Wala na tayo, wag muna ulit akong tatawagin na love, past is past at ikakasal na ako sa kapatid mo"

Tumayo ako at tumalikod sakanya

"Pero love babawiin kita sa kapatid ko, Mahal mopa naman ako diba? kasi ako Mahal parin kita at dina mag babago yun"

Hindi na ako nag salita at umalis. Habang pa labas ako ng Hospital ay diko na naman mapigilang umiyak dahil naaalala ko na naman lahat ng mga nakaraan namin.

Tinawagan ko ang Assistant ni sir Dave at naki usap na siya na muna ang mag bantay kay jericho.

To be continue

-do not copy my story
-plagiarism is a crime

Ex Best Friend season 1Where stories live. Discover now