Chapter 5- Smooth Foundation

283 24 1
                                    

Ryker's POV


"Bakit nagkalat ka? Kung saan-saan kita nakikita," tanong ko sa baklang hindi na muling humarap sa akin.

"Sir, upo ka dito. Subukan natin ang mga foundation," wika ng kasamahan ni Charlie.

Charlie ang pangalan niya ayon sa name tag na nakalagay sa kanya. Julieta naman ang pangalan ng sales lady na nagpapaupo sa akin sa harap ng salamin na puno ng bumbilya.

Hindi sumagot si Charlie kaya kay Julieta ako bumaling. "Bingi ba ang baklang 'yan?"

"Hala, sino ang bakla? Si Charlie?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Julieta. "Malat lang Sir. Hindi naman bakla. Ang ganda kaya ni Charlie."

"Pati pangalan panglalaki."

Isang malakas na buntong hininga ang narinig ko muna kay Charlie. "Charlize po kasi ang pangalan niya. Charlie for short."

I snorted.

"Familiar ka Sir," simula ni Julieta habang sinisimulan ang paglalagay ng foundation sa akin.

"Talaga? Namukhaan mo pa ako sa mga pasa ko?"

Natawa ng bahagya si Julieta. "Bakit ka ba may pasa, Sir?"

"Tanong mo kay Charlie kung bakit ako may pasa."

Natigil si Julieta sa pagpapahid ng foundation sa akin at tumingin sa nakatalikod na si Charlie. "Magkakilala kayo?"

"Hindi," mabilis na sagot ni Charlie na parang nandidiri.

"Galingan mo ang paglalagay ng foundation, Julieta," wika ko kay Julieta nang maalis ang topic sa amin ni Charlie.

Nang malagyan ako ng foundation ay saka pa lang ako namukhaan ni Julieta.

"Hay hala, Ryker," kinikilig na wika ni Julieta. Nagpapirma siya ng autograph sa akin habang nananatiling nagmamasid si Charlie sa gilid ng kanyang mga mata. Buong puso niya akong sinubukang hindi pansinin.

Nagbayad ako ng foundation na nirecommend ni Julieta at mabilis ng umalis sa mall.

Nagkalat na bakla sa isip-isip ko.

Minabutik ong magpakita sa tropa at umattend na ng practice. Feeling confident ako sa foundation kong suot. Hindi na halata ang mga pasa ko sa mukha.

Pagpasok ko sa studio ay samu't-sari ang kantyaw na inabot ko sa tropa.

"Tangina, kailan ka pa naging espasol?" tumatawang tanong ni Brix. "Ganyan lang pala ang gusto mo bakit 'di na lang harina?"

"Tangina mo ka. Okay naman ah!" Tumingin ako sa salamin at sinipat ang mukha ko. "Full coverage 'yan."

Nagtawanan sila Brix, Blaze at Jaxx.

"Iyan na ba ang tinatawag na glass skin?" bira naman ni Blaze.

"Parang magugustuhan ko na ito," sakay ko sa biro nila.

"Babasaging mukha?" pang-aasar ni Brix. Nag-high five pa sila ni Blaze na parang mga bata.

"Ano Jaxx? Tawa ka lang nang tawa d'yan. Magpa-practice ba tayo o ano?"

"Hintayin natin si Margaux, may idea daw siya for our music video," sagot ni Jaxx.

"Urgent ba 'yang music video na 'yan? Baka pwedeng magpagaling muna ako?" tanong ko kay Jaxx na umiling.

"Kailangan natin maglabas ng video sabi ng management."

"Okay naman ang koryan skin mo ah!" pangbubuska ni Brix.

"Ikaw pa naman ang leading man ngayon," ani ni Blaze.

"Gago!"

"Oo nga" sabay na sagot ni Brix at Blaze. Napatingin ako kay Jaxx na nagkibit lang ng balikat.

"Ayaw ko nga—"

"KJ ng animal na ito," sabat ni Blaze.

"May idea ako. Ipahanap natin sa mga anino ang babaeng laman ng isip ni Ryker ngayon," sabi ni Brix.

"Anong anino?"

"Shadows... ang slow, tangina," sagot ni Brix.

"At sino ang babaeng laman ng isip ko?"

"'Yong nagbigay ng blue balls... ay blue face pala," sagot muli ni Brix.

"Si Charlie?" gulat na sagot ko.

"Ohhhh... so may pangalan pala," tukso ni Blaze. "Charlie, eh?"

"Mamemerwisyo pa kayo ng ibang tao. Puntahan n'yo na lang. Nasa mall..."

Tatano-tango sina Brix at Blaze habang nakangisi.

Dumating si Margaux kasama ang producer namin. Sinabi ni margaux ang idea niya na nagustuhan ng producer. Magiging four-part daw ang music video na gagawin naming na ilalabas every week bago ang Valentine's day. Ang cheesy, tangina. Since si Jaxx ay may Margaux, si Brix ay may Michelle at si Blaze na alam ng buong UAAP ang love story ang tanging maiiba sa kwento. Ako, kailangan ko raw ng partner dahil kasama ako sa 3 part love plus 1 part wait love story ng Overdrive.

"May suggestion ako," wika ni Brix. "Si Charlie."

"Tangina," sagot ko sabay sa tanong ni Margaux na, "Who's Charlie?"

"Si Charlie ang nagpapabilis ng tibok ng puso ni Ryker ngayon," sagot ni Brix.

"You mean nagpapa high-blood?" ani ko.

"Who's Charlie?" tanong muli ni Margaux but this time sa akin.

"Siya ang baklang—"

"Okay, she's in..." Hindi ako pinatapos ni Margaux sa sinasabi ko.

"Margs, hindi mo gugustuhing makasama 'yon..."

"It's just a music video, Ryker. Saka ikaw ang makakasama niya noh," Margaux pointed out.

Humalukipkip ako at lumabi. Nagtantrums.

"Okay, sino ba ang gusto mo?" tanong ni Margaux after a while.

"Depende. May kissing scene ba?" pilyong tanong ko.

My friends snorted. "Si Alyana," sagot ko habang natatawa.

Margaux looked at me blankly. "Who's that?"

"Luh? 'Yong vlogger. 'Yong nagca-car wash habang naka pekpek shorts at white shirt without bra."

Margaux rolled her eyes. "Sounds cheap. Hindi kayo cheap so please don't Ryker."

Natawa muli ako. "Hindi ka na mabiro."

"Si Charlie—"

"Tumigil ka Brix. Hindi mo pa nakikita si Charlie kung maka Charlie ka d'yan."

"Sige titingnan namin ni Blaze. Saang mall nga ulit?" hamon ni Brix. "At ise-send namin sa management ang picture for approval."

"Hindi siya papasa," confident na sagot ko.

"Huh! Let's see. Ano, saang mall?" paghahamon ni Brix.

At syempre, alam na alam ni Brix na pakagatin ako sa pain niya dahil ayaw na ayaw ko na hinahamon ako.

Sinabi ko ang mall kung nasaan si Charlie. Confident akong hindi sasang-ayunan ng management si Charlie.

Ang 'di ko alam, mapapag-tripan pala ako ng tadhana. 

Love ShotМесто, где живут истории. Откройте их для себя