40- HINTS

10.5K 117 8
                                    

40- HINTS


STACEY'S POV


Napangiti ako habang pinapanood silang mag-ama na naghahabulan sa loob ng studio. Ang kakulitan ni Nikolai lumalabas na. Medyo nawawala na ang awkwardness nito sa ama. Panay ang hagikhik nito sa tuwing naabutan ito ni Nick at kinikiliti. Di ko tuloy naiwasang picturean silang dalawa habang naglalaro.Remembrance.Ang ganda kasi ng moment nila at di dapat palagpasin.

"Nice!" Sigaw ng photographer na siyang umagaw sa atensyon ko. "Everything is so natural. And it looks inspiring."

"Well, what can I say..." Hinihingal na tugon ni Nick. "Pareho kaming gwapogi nitong anak ko."

"At ano naman ang koneksyon nun?" Nanunuyang tanong ko sabay taas ng kilay sa pabirong paraan.

"Meron. Sadyang gwapogi lang kami kaya natural lahat." Confident nitong tugon habang karga ang bata. Napailing na lang ang photographer sa kayabangan ni Nicholas.

"Mana lang sa akin yan kaya pogi si Nikolai." Sagot ko naman saka tumungo sa harapan para punasan ang pawis ng anak ko nang bigla akong hatakin ni Nick palapit sa kanya. Ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Kulang na lang tawirin niya ito at halikan ako."U-uy teka! A-anong ginagawa mo?" Takang tanong ko nang inilapit pa niya ang mukha sa akin. Biglang may kung anong tumatambol sa dibdib ko.

Napapikit ako sa kaba.

Naramdaman ko na lang ang pag-ihip ng hangin sa mukha ko at kasunod ang halakhak ni Nick.

"Akala mo hahalikan kita no?" Nanunuksong tanong niya. Inirapan ko siya at hinampas sa balikat sabay kuha kay Nikolai.

"Kish.." Sabat naman ng anak ko. Kaya kiniss ko siya sa pisngi. Sabay pa talaga kami ni Nick nang gawin iyon.

"Ang gaganda ng kuha niyo rito. Ang saya tingnan." Komento naman ng photographer. "Take a look."Lumapit kami at pinakita niya sa amin ang pictures na kuha ng mamahaling dslr niya.Oo nga, ang ganda tingnan. Kinunan niya pala ng shot yung pinunasan ko ang pawis ni Nickolai kung saan titig na titig sakin si Nick. Pati yung nilapit ni Nick ang mukha sakin. At nung mapapikit ako na base sa kuha ay mukhang hahalikan nga ako ni Nick. Di ko mapigilang pamulahan ng mukha.

"You seem flushed." Pansin ni Nick. "Are you okay?"

"Yes." Sagot ko sabay ngiti. Ang dumi naman kasi ng isip ko kanina. Ano bang nakain ko at naisip kong hahalikan niya ako. Ang adek talaga.

"This is my favorite of all." Napatingin ako sa picture na tinitingnan ni Nick. And it really made me smile.

"I agree." Sang-ayon ng photographer. "Ang sweet niyo diyan. Perfect loving family." Puri pa nito.

I just stared at the picture. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil sa litratong iyon. Yun yung huli na sabay naming halikan si Nickolai.

It looks perfect.

I glanced at Nick and he seems oblivious while staring at the pic. And... Are those tears in his eyes?


NICK'S POV


I sniffed and laughed. I will surely treasure this rare moments captured by the cameras. Iningusan ko si Stacey sabay akbay sa kanya.

"Pasalamat ka gwapo ang genes ko." Ani ko sabay kindat.Siniko naman ako ni Stacey kaya napaubo ako.

"Where did you get that air of confidence?" She stuck her tongue out on me. Di ko mapigilang matawa.

THE PERVERT GIRL AND MEOù les histoires vivent. Découvrez maintenant