Chapter 3: Encounter

2 0 0
                                    

"Gala muna tayo, Zeke," aya ni Caleb. "Grabe 'yong client natin kanina, buti na lang na-close natin 'yong deal."

Natawa si Zeke. "Naghahanap ka lang dahilan para mag-ice cream," sabi naman niya.

"E, deserve naman natin," pagpipilit ni Caleb.

"O, sige, sige. Saan tayo?" tanong ni Zeke.

"Diyan na lang sa malapit na mall para hindi na tayo magkotse, lakarin na lang natin."

Pumasok na sila sa elevator kasabay ng ibang officemates nila na palabas na rin. Bumaba sila sa ground floor at lumakad na papunta sa malapit na mall.

"Kumusta pala 'yong get together with Regina?" tanong ni Caleb.

Napangiti si Zeke nang maalala ang mga pangyayari. "It was fun! Grabe, core memory ko na 'yon. Mas maganda sa personal. Akalain mo 'yon, nakatabi ko pa sa table," kwento niya. "Napaisip nga ako ro'n sa pagkanta niya, feeling ko ako sinabihan niyang 'wag antukin."

Natawa si Caleb. "Nagiging delulu ka na naman."

Zeke lightly elbowed him. "Hayaan mo na."

"Kailan ang next get together?" tanong ni Caleb.

"Hindi ko pa alam pero sana naman hindi raw aabot ng 4 years. 4 years ago na raw kasi 'yong last na get together," sagot ni Zeke.

"Grabe, ang tagal na."

"Ang dami kasi nangyari lalo na she had Migo."

"Ay, oo nga. Cute ng anak niya. Nakita ko 'yong video na sinasabi niya kung ano Tagalog ng chicken," sabi ni Caleb.

"Manowk," sabay nilang sabi at natawa. 

"Mana ata sa nanay, sosyal, parehas din silang cute," sabi ni Zeke.

"Nawawala sa isip kong may anak na nga pala siya," sabi ni Caleb.

"Same."

Nang makapasok sila sa mall ay hinanap nila 'yong Dairy Queen. They like their ice cream. Bumili rin sila agad at kinain.

"Ang ganda no'ng mga action figures," sabi ni Zeke nang makita ang store for collectibles.

"Oo nga, e. Hindi ba balak mo bumili ng ganyan?" tanong ni Caleb.

"Oo pero hindi ko mahanap 'yong gusto kong action figures. Halos puro Marvels nakikita ko. I like DC more."

"Pupunuin mo talaga hobby room mo, 'no?"

"Syempre."

Zeke has her so-called hobby room at her house where she does her hobbies such as completing jigsaw puzzles and displaying them, completing 3D puzzles as well, collecting posters of her favorite K-pop groups, she has her computer set up there so it's also her work station/game station. She plays Valorant with Caleb along with their other friends, and lastly, she has her drafting table considering she's an architect.

"Pa'no kapag napuno na 'yon? Saan mo na ilalagay iba?"

"Hindi naman ako basta-basta bumibili saka marunong naman tayo mag-maximize ng space so I think it will be fine."

Naglakad-lakad sila habang kumakain ng ice cream at napadpad sila sa mga restaurants.

"Hindi naman halatang nagugutom na tayo," sabi ni Zeke.

Natawa si Caleb. "Diretso dinner na tayo," suggestion niya.

"Oks, oks," pagpayag ni Zeke nang maubos na niya ang ice cream at itinapon ang cup.

Papasok na sila sa napiling restaurant nang biglang hilahin ni Caleb si Zeke.

Nagulat si Zeke. "Bakit?"

Paper Roses (Janella Salvador Fanfiction)Where stories live. Discover now