Prologue

5 0 0
                                    

Ma. Lee's POV

"Iya, anong section mo ngayon?" tanong ko sa pinakamamahal kong bff.

"Froebel. Bakit?" pabalik nya'ng tanong sakin habang gumawa ng module nya.

"Magkaklase na tayo this time HAHAHAHAHAHA!" masaya kong sabi.

"Talaga? Buti naman. Malas natin nung gr. 11."

"Oo nga. Akalain mo yon marami palang mageenroll sa cookery. "

" HAHAHAHAHHAHA siguro akala nila walang math kaya nagenroll sila."

" Dyan sila nagkakamali kasi may gen math at stat and prob pa." saad ko

tumigil sya sa pag sasagot ng module nya." Alam mo may nasagap akong chismis na wala na raw tayong math ngayon."

"Weh? Totoo? Saan mo narinig yan?"

"Syempre sa mga gumaraduate. Marami akong connections no." Sabi nya sabay umirap.

"Edi ikaw na."

Dahil sa pandemic hindi kami nakapag face to face nung gr. 10 and gr. 11. 2 years kaming nakipagsapalaran kung kanino makikikopya ng module, kung saan saan ako naghahanap ng sagot sa pisteng module na to, kung f2f lang siguro madali ko lang masasagutan to kasi patago kong kukuhain yung notebook ng rank 1 namin tas sa hallway ako magsusulat. Ngayon kasi hindi nadadaan sa chat, hindi naman nila ako siniseen kunyari natabunan yung chat ko para di nila ako mapakopya, kala mo mga walang pinagsamahan e.

"Lee, bilisan mo riyan! malelate ka na!" sigaw nila mama mula sa baba.

"May 30 mins pa naman e. OA ni mama." bulong ko sa sarili ko

Ngayon ang first day of school year namin. Hindi ko pa alam kung saan ang room ko kaya hahanapin ko muna, Hindi ko kasabay si Iya ngayon kasi malelate raw sya. Sabi nila sa may intramuros daw yung room ng Cookery, second floor.

Habang naglalakad ako papunta sa building ng TVL may napansin ako sa ilalim ng malaking puno dito sa school namin, hindi ko na lang pinansin kasi baka mga magjowa lang yun na ngayon lang ulit nagkita at miss na miss ang labi ng isa't isa hehe.

"Leeeee!!" tawag mula sa likod ko.

Lumingon ako at nakita ko si Sean na papalapit sakin. "Tangkad mo na ah." sabi nya sabay akbay sakin.

"Tanga ka talaga no. Miss mo lang ako e." asar ko sa kanya.

"Syempre miss talaga kita, ikaw lang yung super duper ultra mega bff ko dito sa school." humarao sya sakin at hinawakan Ako sa magkabila kong balikat. "Payakap nga si Tatay."

Aakma syang yayakap sakin pero umatras ako. " Iwwwww ang OA ha." Sabi ko habang kunyari nandidiri. Nauna na akong maglakad sa kanya dahil inaatake na naman sya ng kaOAhan.

" 2 years tayong puro VC lang, hindi mo man lang ba ako na miss?" hindi talaga sya titigil sa pagiinarte nya.

" Oo na. Na miss na kita. Ok ka na ba?" lumiwanag ang mukha nya na kanina ay parang nascam ng milyong milyon na pera.

"Yan miss mo pala ako e. Halika may papakita ako sayo." hinila nya ako sa wrists ko.

" Aray naman!!" sigaw ko sa kanya. " Ano ba yang ipapakita mo at kailangan mo pa akong hilahin?"

" Basta." maikli nya'ng saad.

Hila Hila nya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa parking ng school.

"Kung may balak kang magbukas kotse, pwede bang wag mo na akong idamay."

"Ano ka ba. Mamaya pa akong gabi magbubukas kotse." sakay nya sa pangaasar ko. "Nakabili kasi akong big bike." lumakad sya paunta sa isang color black blue na motor.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not So Perfect Where stories live. Discover now