Chapter Five: TRUTH?

2 3 0
                                    

**

MALACHI

Tulala pa rin akong naglalakad ngayon sa hallway dahil hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Veyan kahapon.

Ayaw ko pa ring paniwalaan ang mga pinagsasabi niya sa 'kin. Hindi naman talaga kapani-paniwala, walang basehan ang mga sinabi niya at wala ring katunayan kaya mahirap talaga paniwalaan.

Sasabog na yata utak ko kakaisip!

24 hours ago. . .

Gaya ng usapan namin ni Veyan kahapon ay nagkita kami sa Caféteria ng 4pm. Mas nauna lang siyang dumating sa 'kin.

Sakto namang pag-upo ko ay dumating ang in-order marahil ni Veyan na pagkain. Inilapag ng waiter ang dalawang tray sa table, mukhang para sa 'kin ang isa.

"How did you get in here?" Panimula ko.

"Kahapon ba ang tinutukoy mo o ngayon? Kung-"

"Both." Putol ko.

Nakapagtataka lang, gaya ng sabi ko masyadong pribado ang lugar na ito. Hindi madali ang pumasok dito lalo pa't hindi siya nag-aaral dito.

Nagpakawala muna siya ng buntonghininga bago magkuwento, "Naaalala mo pa ba no'ng unang araw mo dito?" Malamang naaalala ko, no'ng lunes lang naman ako nag transfer. Halos mag-iisang linggo pa lang ako dito.

Ba't ko naman kakalimutan 'yon? Tsk. Ang heart-warming kaya ng pag-welcome nila sa 'kin, grabe!

Isa pa 'yong Margaux na 'yon, ang weirdo ng babae na 'yon, ha!

"That's been a tradition here in school for a long time. It's their way of welcoming new students. They're testing you to see if you're really worthy of studying here." Linya niyang 'di ko makalimutan. Ewan ko ba kung ano trip ng babaeng 'yon.

Pero nacu-curious pa rin ako sa mga sinabi niya, at the same time naiinis dahil kung totoo man 'yon ay mga wala silang utak, 'di nag-iisip o talagang wala lang silang pakealam kung makapatay sila.

"Tradisyon na 'yon dito sa eskwelahan dati pa, mula pa no'ng itinayo ito." Hindi pa 'ko nakakasagot ay nagsalita na agad siya, parang narinig na niya ang iniisip ko.

Pa'no niya nalaman ang tungkol do'n?

Kailan ba ginawa ang school na 'to?

"Mamangha at matatakot ka talaga sa mga kakaibang tradisyon at mga gawain ng eskwelahan na 'to," mas dumiin pa ang tingin niya sa 'kin, "at tama ang hinala mo, pumapatay sila." Hindi na 'ko nagulat nang sabihin niya 'yon dahil obvious naman.

Hindi malayong magkaroon ng gano'ng mga pangyayari sa eskwelahan na 'to. Unang kita mo palang dito ay mangingilabot ka na agad, para bang may nakapalibot na napakadilim na awra sa eskwelahan na 'to.

Unti-unti mong mararamdaman na hindi ka na maaaring lumabas pa oras na umapak dito ka dahil mararamdaman mong katapusan mo na oras na gawin mo 'yon dahil sa mga mata na laging nakamasid at nakabantay sayo, handa kang tapusin kapag makagawa ka ng pagkakamali.

Kung nakakamatay lang ang tingin baka nakalibing na 'ko ngayon!

Para kang nasa isang kulungan.

"Kung iniisip mong nakakulong na kayo dito na parang preso ay nagkakamali ka. Malaya pa rin namang nakakapag labas-masok ang mga estudyante, pwede silang lumipat ng ibang eskwelahan kung gustuhin nila, walang pipigil sa kanila. Kaya lang. . ." mas sumeryoso ang tinig niya, "may kapalit." awtomatikong napakunot-noo ako sa huli niyang sinabi.

Enigmatic VengeanceWhere stories live. Discover now