CHAPTER 29

4.3K 90 5
                                    

Chapter 29

Alyssa's POV

"Ly are you fine?"

Napatingin ako kay Gretch. Siya kasama ko ngayon sa office, kakatapos lang namin kumain. Nag aya na ako kaagad dahil hindi ko maatim na makita na ganun sila ka-sweet.

"Oo naman Gretch" ngumiti ako tsaka bumalik sa pag-pipirma ng papeles

I heard her laugh "Hindi ka magaling magsinungaling Valdez"

"Yun naman pala eh. Bat ka pa nagtanong?" umirap ako

Nagkamot siya sa ulo "Pasensya naman. Hindi pa naman sila dude. May pag-asa ka pa"

"Hindi pa nga sila, pero kung umasta parang mag asawa na."

"Ngayon ka pa ba susuko? Nag antay ka ng 8 taon tas ngayong andito na tsaka ka naman susuko"

Napabuntong hininga ako "Iba kasi dati. Hindi ko pa alam nun eh. Pero ngayon, nakikita na ng dalawang mata ko."

"Bahala ka. Basta sinasabi ko sayo, wag kang iiyak kapag nalaman na natin na official na sila at wala ka man lang ginawa para subukang ibalik yung dating kayo"

Napa-isip ako sa sinabi ni Gretch. Nakikita kong masaya siya kay Kiefer, nakikita ko na yung saya sa mata niya ngayon. Natatakot lang naman ako kapag sinubukan kong bawiin siya ay kapag nasa akin na siya ulit ay masasaktan ko nanaman siya. Pero natatakot din naman ako na baka nga tuluyang maging sila na.

"Oy! Alyssa! Natulala ka jan?"

Bumalik ako sa senses ko ng tawagin ako ni Gretch "Ha? Wala"

"Sus. Napaisip ka sa sinabi ko no?"

Napatingin ako sa kaniya "What do you think? May pag asa pa ba?"

"Oo naman Baldo"

***

"Andito na pala kayo" -Ella

"Ay wala, kaluluwa lang to pinauna lang namin sila baka kasi matraffic at maantok sila" -Gretch

Natawa na lang ako sa dalawa. Umupo ako sa sofa at pinatong ang paa ko sa lamesa.

"Hoy Valdez, mahiya ka naman sa bisita natin" sabi ni Jem

"Sino ba yan?"

"Ako Aly" -Den

Napa upo ako ng maayos ng makita ko sya galing sa kusina na may dalang chocolate. Hindi pa rin talaga siya nagbabago, mahilig pa rin siya sa chocolates.

"Den ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"

Natatawa siyang sumagot sakin "Bawal ba ako dito?"

"H..ha? Ano hindi. Nagulat lang ako na andito ka"

"Kasi Ly, dito na siya ulit titira tutal anjan pa rin naman yung kwarto niya"

Tumango na lang ako. Nagyaya silang kumain pero wala akong gana kaya umakyat na ako sa kwarto ko. To my surprise andun si Jus, nakahiga.

"Hey, what are you doing here?" nilapag ko na yung bag ko

Nagulat ako na andito siya kasi nga hindi niya ako pinapansin simula nung paghiwalayin ko sila ni Den.

"Wala. Just wanna talk things over with you"

Umupo ako "Okay?"

"Ate Ly, I'm sorry"

"For what?"

"For ignoring you and acted like you're not around"

Inakbayan ko siya "You should not say sorry okay? Ako ang may kasalanan, I'm sorry"

"Masaya ka ba Ate Ly?"

"Oo naman, lalo pat bati na tayo"

Umiling siya "Hindi yun, masaya ka ba kasi andito na si Ate Den? Kasi I saw how you cried kahit palihim lang. Alam kong miss na miss mo na siya"

"I dont know. Siguro nga masaya ako kasi andito na siya at dito pa nakatira pero nasasaktan din kasi si Kiefer na pala ang mahal niya"

"Paano ka naman nakakasiguro na siya na ang mahal ni Ate?"

"The way your Ate Den looks at him, I know she loves him"

Tumayo si Jus "Maybe she loves him, but not as much as she loves you. Believe me Ate Ly"

Lumabas na siya ng kwarto ko. Pakiramdam ko pinapaasa lang nila ako eh, pero gusto ko rin naman subukang ipaglaban siya. She is all I want, she is all I need. And I cant bare to look at her in other's arms. 

(Kinabukasan)

Bumaba ako dahil kakagising ko lang. Masyadong maaga pa, mga 5 siguro. Mejo nilalamig din ako sa suot ko kasi nasanay na ako na naka sports bra lang at short. Bumaba na ako at nakita ko na umiinom ng gatas si Den sa poolside.

"Hey!"

Napatingin siya sakin at biglang nabulunan kaya agad akong lumapit sa kaniya at hinagod yung likod niya "Okay ka lang?"

"O..oo pwede mo ng tanggalin yung kamay mo"

"Ah hehe"

Umupo ako sa tabi niya at nilubog ko yung mga paa ko sa pool 

"Hindi ka ba nilalamig jan sa suot mo?"

Umiling ako "Nilalamig ng konti pero nasanay na din naman ako na nakaganito eh"

"Hmmm"

Nagkaroon ng kunting katahimikan kaya awkward.

"Den remember this part was our favorite part of the house?"

"That was past Aly"

"Hindi ba dapat Bal na ang tawag mo sakin?"

"Alyssa not a good joke"

Tumawa ako "Bakit? Yan ang tawag mo sakin diba baby?"

"I gotta go"

Pero napigilan ko siya

"Alyssa ano ba?"

"Bakit? May ginagawa ba akong masama?" inosenteng tanong ko

"Oo! Ito, stop it. Baka malaman pa to ni Kief"

"Bakit? Hindi naman kayo ah? So may pag asa pa na maging tayo"

"Shut up Alyssa. Magkaibigan lang tayo"

"No. I'll prefer na maging strangers tayo sa isat isa kaysa maging magkaibigan tayo"

I stood up and went away. Bigla na lang akong napangiti sa naisip ko.


Den's POV

What the heck is wrong in that girl? May pa strangers strangers pang nalalaman at balak pa atang makipagbalikan. Ano sa tingin niya? Na ganun ako kapatay na patay sa kaniya noon kaya ang lakas ng loob niya na sabihin na makipag balikan sa kaniya? Aba may Kiefer na ako no.

"Asa siya!"

"Hoy besh, sino kausap mo jan?"

Napalingon ako "H...ha? Ano wala"

"Eh anong sinasabi mo na asa siya?"

"Wala yun besh, nag iimagine ka lang. Tara nga mag luto tayo ng breakfast"

At hinila ko siya papunta kusina. Kasalanan lahat to ng Valdez na yun eh! Sarap balatan ng buhay! Napaka kapal ng mukha! Ugh!!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Read.Vote.Comment

Thenkyee<3

#LovelotsAlyden



CHOICESWhere stories live. Discover now