Chapter 12

17 1 0
                                    

Take Series One - C12

“MY mother name is Leila Olivarez Hernaez,” sabi nito bago siya tuluyang palayain nito sa mga bisig nito at agad niyang tinungo ang kanyang kuwarto.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon. Apektado ang buong sistema niya lalo na sa pinagtapat ni Alejandro sa kanya.

But does love have a place for an evil assassin like her?

She has no other desire but to suppress syndicates and kill enemies.

Namulat siya na ganoon ang kalakaran sa loob ng mansion ng mga Valdez. Sinanay siya sa murang edad na humawak ng baril at pag-aralan ang bawat datos ng mga kaaway ng matandang Don Facundo Valdez.

Pero sa huli, malalaman niyang isa siya sa kaaway ng mga ito? Mananatili pa ba siya?

Gusto niyang lumaya, kung hindi, magiging rehas na niya habang buhay ang kumitil ng buhay.

Nilapitan niya ang malaking closets at naghanap ng damit doon matapos ibabad ang sarili sa banyo.

After getting dressed, she put the black boots on her feet and approached the closed window of her own room only to stop when she heard a warning or red light signal that someone has entered the mansion.

Naging alerto ang mga tauhan ngunit mayroon rin siyang nakita na nakahandusay sa labas. Mabilis ang pangyayari at halos hindi niya na masundan ang mga tama ng bala.

She moved quickly and dug out the hidden sniper to her clothes and no time wasted.

Matagal na niyang hindi nagagamit ang sniper simula nang bigyan siya ng regalo na baril ng matandang Valdez. Ang sniper ang una niyang natutuhan noon sa matandang Don.

Lumapit siya sa bintana. At dahan-dahan niyang nilapat ang ulo ng sniper doon at hinanap ang target sa pamamagitan ng sniper na hawak.

Lahat ng mga kalaban ay nakabihis ng itim na mga coat at itim na mask sa bibig. At hawak ng mga ito sa kamay ang mga baril.

Nakita niyang nagmamadaling lumabas si Alejandro at hawak sa mga kamay nito ang twin gun.

She swallowed hard when she saw Alejandro's resisting the attack of the enemies outside. He is attacking and kicking the incoming enemies so that they don't get close or enter the inside of the mansion.

Hindi man lang ito nagbigay ng signal sa kanya at basta na lang ito umatake doon ng walang babala.

Alejandro’s every move was fast and every vein in his arms are tense. He used the body of an enemy to cover himself from the incoming bullets. And he kicked the face of the enemy who was approaching him from behind and caught and broke the neck of another enemy. He then shot another enemy in the head.

Tumaas-baba ang kaba niya sa dibdib. At dahil may iba pang paparating doon ay agad niyang sinintro ang sniper sa mga ulo ng mga ito at pinatumba ang mga iyon.

Nang matabunan uli si Alejandro ay nadagdagan ang kaba sa dibdib niya dahil hindi niya alam kung saan itatama ang bala ng sniper.

Natatakot siya at ngayon lang niya naranasan ang ganoong klase ng takot maliban sa muntikan na siyang mapahamak noong musmos pa lamang siya at niligtas siya ni Alejandro.

Nanlalaki ang mga mata niya at agap na napaiwas ng ulo nang may balang paparating sa bintana ng kuwarto niya. And another bullets came into her room that hit the wall beside her and almost hit her ear.

Bago pa man tumama ang paparating pa na bala ay may narinig na siyang impit ng sigaw sa labas at pagbukas ng pintuan nang kuwarto niya. Napasigaw siya ng malakas nang tumama ang bala sa leeg ni Manong Simon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take Series One: Sapphire ®🔞+Where stories live. Discover now