FIRST DAY OF CLASS

16 2 0
                                    

"Hoy Vyn, alis na tayo ang tagal mo magbihis" sigaw ni Leo sakin

Nagmadali akong magtali ng sintas at tsaka kinuha ang bag ko at isinarado na ang pinto.

"Ang tagal mo naman malalate na tayo" sabi ni Leo sakin pagkasakay ko ng kotse.

Pinaandar nya na ito at patungo kami ngayon sa School.

Buti wala pang teacher pagdating namin. Umupo agad ako sa upuan ko at nakita kong may bakanteng upuan sa harap ko, sino kaya nakaupo dito. Ang layo naman ni Leo sakin, sama di siya umiyak kasi hindi niya ako katabi.

Nakalimutan kong may bubblegum pala ako. Tatayo sana ako para magtapon ng bubblegum na ngininguya ko nang dumating na teacher namin kaya napabalik agad ako sa upuan. Nadura ko sa bakanteng upuan ko ang bubblegum na nginunguya ko kaya dumikit iyon doon.

Hala sorry in advance sa kung sino man uupo jan

Maya maya may pumasok na lalaki, hingal na hingal. Nag jogging ba to? Charot masyado na akong pakielamera sa buhay ng iba.

"I'm sorry sir, I'm late di na po mauulit" sabi niya sa teacher namin

"Okay Mr. Gonzales take your seat"

Napatingin ako kung may iba pang bakanteng upuan pero occupied na lahat bukod dun sa may pinagduraan ko ng bubblegum. Hala

Pumunta na siya sa harap ko at inilapag ang bag niya, hindi niya nakita yung bubblegum na nakadikit. Pagkaupo niya napapikit ako baka malaman niya.

After an hour

The bell rang, so the teacher ended his discussion.

Tumayo yung Gonzales at nakita ko na nakadikit sa pants nya yung bubblegum, pinigilan ko tawa ko.

"Is there something funny miss?" Lingon niya sakin

Sasagot na sana ako ng may biglang umepal

"Bro look at your pants! Is that a gum?"

"What? What gum?" tinignan niya likod ng pants niya at napatingin siya sakin. He's glaring, dang I made the wolf angry.

Napangisi nalang ako sabay peace sign

"Hindi ko naman sinasadya eh" hehe hindi naman talaga. Si sir kasi biglang pumasok eh

"You better pay for this miss, what your name again?"

"Oy interested ka noh?" Tukso ko sa kanya

"As if I'm interested with you witch"

"Witch---whattt!? " Kapal ng mukha ah, siya nga mukhang wolf di ko naman sinabi.

"You should pay for what you did to my pants" he said while glaring. Wow skeri

" Di ko naman talaga sinasadya yun eh" pagmamatigas ko pa

" Kahit na"

Lumabas siya ng room at lumapit sakin si Leo

" Hala ka sabi ko sayo wag na wag kang ngunguya ng gum pag papasok eh, dapat kanina mo pa tinapon yun" sinisisi pa ako, di naman talaga sadya yun eh

" Eh di ko naman sinasadya yun eh" hmpp

After an hour bumalik na si Mr. Gonzales sa room at nakasuot ng bagong pants niya, wow prepared ah. I didn't even know his name yet.

WHITE ROSES (SHORT STORY) |COMPLETED|Место, где живут истории. Откройте их для себя