09

13 3 0
                                    

"Ikaw ba yan ate, grabe naninibago ako sa ganyang ayos" tanong ni Chase.

"Baliw" natatawang sagot nito.

"Baka mamaya pagpatak ng alas dose mawala yang sandals mo" pabirong sabi ni Chase.

"Ano yun? cinderella lang?" sabay tawa.

"Jane" sambit ni Farris.

"Farris" sagot naman ni Jane nakita naman niya si Ameerha na katabi nito kaya binati niya rin ang prinsesa.

"Sino ang babaeng iyon? napakaganda mukha siyang prinsesa" bulong ng isang bisita.

Napalingon naman si Ameerha sa narinig kaya't tiningnan niya nang masama ang mga naguusap. Tumingin siya ulit kay Jane "Bagay sayo ang iyong suot, Binibini" may pagka plastik na tono.

"Maraming salamat mahal na prinsesa ngayon lang ako nakapagsuot ng ganito" tugon ni Jane.

"Maiiwan ko muna kayo at kakausapin ko muna ang iba pang mga bisita" pagpapaalam ni Ameerha pagkatalikod umikot ang mga mata dahil sa pagka irita tsaka naglakad paalis.

"KUYA! ATE!" sigaw naman ni Eros habang papalapit sa kanila.

"Oh, Eros narito ka pala bakit hindi ka pa lumabas kanina?" tanong ni Farris.

"Kasi po ang daming masarap na tinapay at inumin sa likuran kaya kumain muna po ako tsaka ito oh nagbalot ako nang kakaunti" tugon ng bata.

"Uso pala mga sharon dito" pabirong sambit ni Chase, napatingin bigla sina Farris at Eros sa kaniya habang si Jane naman nagpipigil ng tawa.

"Sabi ko nga, halika nga rito Eros samahan mo ako magbalot parang masarap yung pinatayong manok doon" inilabas ang plastic na nasa bulsa at agad na inaya ang bata paalis.

"Lalaking yun nakapagdala pa talaga ng pambalot hanggang sa ibang mundo" pagrereklamo ni Jane.

Natawa si Farris at lumapit kay Jane.

"Ikaw, Binibini? hindi ka pa ba nagugutom?" tanong ni Farris.

"Hindi pa naman, mamaya nalang siguro" tugon niya sa prinsipe.

"Ihanda mo na rin ang plastic mo" pangaasar nito pagtapos ay tumawa rin.

Nagtawanan silang dalawa.

Pumwesto si Ameerha sa isang sulok ng palasyo na magkasalubong ang mga kilay. Naiirita siya na makitang masaya si Farris kasama si Jane.

"Oh Ameerha, bakit ka nakaupo riyan? diba dapat tayo ay nagsasaya?" tanong ng isang kaibigan.

"Papaano ako magsasaya kung ganyan ang nakikita ko?" may tonong naiinis ang pagkakasabi ni Ameerha.

Tumingin naman ang kaibigan nito kung saan ang kinatatayuan nina Farris at Jane.

"May tinataglay na kagandahan ang kasama ni prinsipe Farris" pagpuri ni Adela kay Jane.

"Tumahimik ka na lang" parang pagalit na tono ng prinsesa.

"Wag ka mag alala akong bahala sa kaniya" sambit ni Adela.

Dahan - dahang naglakad si Adela papalapit kay Jane.

Nakita naman ni Jane ang papalapit na si Adela kaya nginitian niya ito. Walang pagdadalawang isip na idinikit ang matalim na parte ng singsing sa damit nito hanggang sa mabutas at mapunit paibaba.

Hindi napansin ni Jane ang senaryong yun dahil medyo makapal ang damit nito. Pagtapos ni Adela tumingin siya ulit kay Ameerha.

Napangiti naman si Ameerha sa kaibigan.

Malakas na nagtawanan ang mga kababaihan sa kabilang dulo. Narinig ito nina Farris at Jane kaya naman nagtaka sila sa malalakas na tawa na naririnig nila.

Nararamdaman ni Jane na parang maluwag ang hangin sa likuran niya nang tingnan niya punit na pala kaya hindi niya na alam ang gagawin.

Napansin rin ni Farris, kaya nagmamadali siyang kumuha ng bagay na pwede itakip sa likod ni Jane.

Tumakbo papalayo si Jane dahil sa kahihiyan at hindi siya mapakali sa nangyari.

"Magaling aking kaibigan, ngayon alam na niya na hindi siya nababagay dito" sambit ni Ameerha.

Tumayo si Ameerha at pumunta sa kinaroroonan ni Farris.

"Mahal na prinsipe, nasaan na ang iyong kasama?" pagkukunwaring tanong nito.

"Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari" sagot naman nito sakaniya.

"Habang hindi pa siya nakakabalik, gusto mo bang sumayaw mu-" naputol ang sanang sasabihin dahil dumating si Chase.

"Uy ang sarap ng manok dun infairness, tara kain na tayo ang dami pa oh" pagaaya niya pagtapos ay kumagat pa nang kaunti.

Makikita sa mukha ni Ameerha ang pagkairita.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now