Ligaya ng Kamusmusan Part 69

730 0 0
                                    


Masayang pumasok si Chianti sa restaurant ,at mula sa entrada ay natanaw agad niya ang bigating kliyente. Agad itong tumayo upang salubungin siya at ihatid sa lamesang ipinareserba sa manager ng kainan. Dito ay magalang pang iniayos ng negosyante ang upuan para sa dalaga. Ilang sandali pa ay naupo na rin ang dalaga paharap sa nakangiting negosyante. Hindi na kailangan pang tumawag ng waiter sapagkat agad din itong lumapit sa kanilang mesa. Inalok agad ni Mr. Dizon ng nais kainin ang dalaga mula sa mamahaling mga putaheng nasa menu.

Palibhasa'y naiisip ng dalaga ang bagong nobyo kung kaya't hindi ito umorder ng pagkaing mabigat sa tyan . Nais niyang sabay silang kumain nito pagkatapos ng pakikipagusap niya sa kliyente. Tiniyak naman ng negosyante kungnyun lang ba talaga ang nais nitong kainin at ng tumango ang dalaga ay hindi naman ito nagpumilit pa. Bago pa man dumating ang kanilang order ay sinimulan na ni Mr. Dizon ang problemang nais ipabatid sa dalaga. Hinayaan lamang ni Chianti ang paglalahad nito bagkus ay puro tango lamang halos ang kanyang nagiging sagot maliban sa ilang maliliit na detalyeng nais niyang malaman. Para sa dalaga ay mani lamang at pangkaraniwan ang panibagong kasong hahawakan. Matapos makapagsalita ni Mr.Dizon ay inilahad naman ni Chianti ang pahapyaw niyang solusyon sa pagharap nila sa korte.

Hangang hanga naman ang negosyante sa impresibong mga pamamaraan ng dalaga. Eksakto namang dumating ang pagkain nila nang matapos ang diskusyon. Iiling iling pa ang negosyante habang kumakain at hindi itinago sa dalaga ang paghanga sa husay nito sa mga batas. Sa puntong iyon naman ay agad ding tinapos ni Chianti ang pagkain sapagkat isang kapirasong cake lamang naman ang kanyag order. Binanggit na lamang niya na magagahol siya sa oras sapagkat may iba pa siyang kliyenteng kakaharapin. Sinabayan siya ng pagtayo ni Mr. Dizon, at matapos punasan ng napkin ang kamay ay inilahad ito sa dalaga.

"So Ms. Borromedo,kita nalang tayo sa Linggo ha,sana manalo tayo." Paalam pa nito.

"Sure Mr. Dizon, wag na kayong magalala at tiyak na malulusutan natin iyon. " paniniguro pa nito.

Tumalikod na si Chiante sa kliyente ng muli siyamg tawagin nito.

"By the way attorney, bibigyan sana kita nitong VIP pass ng aking hotel. Nakasulat na riyan ang address kung saan,baka lang magkataong kailanganin mo ng mapapagpahingahan sa isang pagkakataong malapit sa aking lugar. Wala kang gagastusin diyan at iparerehistro ko agad ang iyong pangalan,basta ipriprisinta mo lamang iyan sa front desk." Mahaba nitong sabi.

Nagaatubili pa sana siya na tanggapin ang card na iyon ngunit ng maisip ang nobyo ay agad na gumuhit ang ngiti sa kanyang mapupulang labi. In the first place, sino ba namang makakatanggi sa number one 5 star hotel sa lugar na iyon na halos mga milyonaryo lamang ang malimit na mga guests. Naifeature na ito sa iba't ibang tv network sa bansa, ang Fairmont Genesis na nasa East avenue Square. Isang luxurious hotel na para lamang sa mayayaman,lahat na ata ng maiisip mong pampaginhawa sa pakiramdam ng nilalang ay nasa lugar na iyon.

Nang tuluyan nang makalabas ng restaurant ang dalaga ay buong pananabik siyang sinalubong ng katipan. Para bang hindi nito iniaalis ang mga mata sankaharap na dalaga at buong suyong niyakap bago pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. Walang kasinong nagdaraan sa bahaging iyon kaya hindi na namalayan ng kung sinuman ang kanilang kasweetN,at kung meron man ay wala silang pakialam.

"Mahal ko, saan mo tayo balak pumunta?" Nakangising tanong ni Igme.

"Sa lugar na tayo lamang ang may alam Mahal ko." Papilyang sagot ng kumindat pang dalaga.

Iniabot ni Chianti ang card na hawak hawak sa katipan at nanlaki naman ang mga mata nito.

"Diba ito yung minsan nating nadadaanang malaking gusali na may 30 atang palapag at maraming ilaw,Mahal ko?" Pamaang nitong tanong.

"Oo mahal ko, yung kliyente ko ngayon ang may-ari niyan". Sagot nito.

"Hindi ba' t napakamahal maglagi diyan? Nababahala mitong tanong.

" 'Wag kang magalala mahal ko,ang ibig sabihin ng card na iyan ay libre tayo anytime na makakacheckin." Bida pa nito.

"Ibang klase ka talaga Mahal ko." Sabay halik sa pisngi ng dalaga.

"Mahal ko, dumaan muna tayo sa mall,bibili tayo mg pamalit na mga damit para mamayang gabi at tuloy bumili kana rin ng isusuot mo para sa kaarawan ni Kenzo sa Linggo." Saad ng abogada.

"Ahh magbibirthday na pala siya,sige Mahal ko dun na muna tayo magdiretso bago kumain." At agad na nitong pinaandar ang sasakyan.

Pagkarating sa mall ay agad silang nagtungo sa second floor kung saan nandun ang department store. Kaagad na nagtungo sa undergarments sections si Chianti at sinenyasan ang kasintahan na magtungo na sa casual wears. May kapilyahang naisip si Chianti kung anong isususot mamayang gabi pagkarating sa hotel habang namimili ng mga pangilalim na saplot. Sinipat nya muna ang nobyo kung nasa kabilang bahagi na ito ng section bago ipinagpatuloy ang ginagawa. Makaraang makapamili na ay agad itong nagpunta sa counter para bayaran ang kinuha saka mabilis na binayaran gamit ang credit cards upang hindi na masilip pa ni Igme kung ano ang kanyang binili. Matapos ibalot ito ay kagya't niyang pinuntahan ang katipan. Abala pa ito sa pamimili bagaman may hawak ng dalawang terno ng casual wear na isusuot. Ngumiti lamang ito ng tuluyang makalapit ang nobya sa kanya at tinaas pa ang dala dalang paper bag para ipabatid na tapos na siyang mamili.

Nataranta naman si Igme sapagkat ayaw niyang paghintayin ang pinakamamahal na dalaga.

"Tapos kana pala mahal ko,sandali lamang at isusukat ko itong aking mga napili". Sabi nito kay Chianti.

" Sige lang mahal ko ,mahaba pa ang ating oras. " sagot nito.

At pumasok na nga si Igme sa fitting section ng store. Una niyang sinukat ang asul na longsleeve polo na tinuwangan ng denim jeans na hapit at maging ang bulol sa harapan ay hindi naitago. Lumabas ito sa fitting room para ipakita sa nobya kung bagay ba ang napiling kasuotan. Maang namang napatingin ang nobya sa kaguwapuhang bumulaga sa kanyang harapan ng tawagin siya nito. Maging ang mga sales lady ay hindi maitago ang paghanga sa lalaki at may isang baklitang clerk pa nga na kunwa'y nahimatay ng makita.si Igme. Hindi mo aakalaing driver lamang ito kapag nakasuot na ng magandang damit.

"Thumbs up mahal ko,bagay na bagay sa iyo." Pahanga nitong sabi.

"Talaga ba mahal ko,sandali lamang ha. " sabi nito at pumasok muli sa fitting room.

Hindi na sinukat ni Igme ang iba pa at pumili na lamang ng isa pang kulay at tuloy kumuha na rin siya mga shorts at shirt na pantulog mamayang gabi. Nagkakahalaga lahat ang nakuha nya ng mahigit anim na libong piso. Iginiya na niya patungong counter ang nobya para makakain na sila sapagkat nagugutom na rin siya.

Nang maiswipe na lahat ng cashier ang bar code ng mga damit at inilahad sa magnobya ang babayaran ay kagya't na iniabot ni Chianti ang credit card. Naagapan naman ito ni Igme na noo'y kinukuha ang debit card sa wallet na pinaproseso sa kanya ni Chianti para dito na lamang siya suwelduhan. Nahihirapan kase ang dalaga na parating may dalang cash.

"Mahal ko, ako na ang babayad nito." Nakangiti nitong sabi sa dalaga.

Hindi na lamang umimik si Chianti at lalong nadagdagan ang pagmamahal niya at respeto para dito. Ibang klase talaga ang katauhan ng lalaking pinakamamahal at sa loob niya ay mas higit pa niya itong nais makilala.

Ligaya ng KamusmusanWhere stories live. Discover now