One Shot

15 2 0
                                    

Note: This is not a poem, just a random one shot story.

"Hanggang kailan mo balak mag hintay?"

"Hangga't kaya ko pa."

"Di kaba napapagod?"

"Kung siya ang hihintayin, hinding hinding ako mapapagod."

Kasalukuyan kaming nasa tabing dagat ng pinsan kong si Kat sabay na pinapanood ang paghampas ng mga alon. Alas Singko na ng hapon ngunit hindi parin kami umuuwi.

"May mapapala kaba sa paghihintay mo?" biglang tanong sakin ng pinsan kong si Kat.

"Ewan wala namang kasiguraduhan kung babalik pa yon e." sagot ko.

"Bakit ba kasi hinihintay mo pa yon? Ang dami kayang nagkakagusto diyan sayo, si Liam ayaw mo ba talaga?" tanong ulit ni Kat.

"Madami nga sila, pero hindi naman sila SIYA." saad ko sa kanya.

"Ewan ko ba sayo Natasha, matalino ka namang tao pero sa pag-ibig ang tanga tanga mo" saad niya sakin.

"Alam mo namang siya ang pinakaunang lalaking inibig ko ng ganito kalala, madaling sabihin na umusad na pero ang hirap palang gawin." saad ko sa kaniya.

"Alam ko naman yon Nat, pero wala ka na ba talagang iibiging iba? Ano naka depende ka na talaga sa lalaking yon?" tanong niya ulit.

"Siguro, wala eh mahal ko talaga siya Kat". saad ko sa kaniya.

"Itigil mo nga yang pagpapakatanga mo Nat! Maawa ka naman sa sarili mo, hindi ka naman ganyan dati ah, nagka ganyan ka lang simula nung makilala mo si Azi eh." pasigaw na saad niya sakin.

"Paano ba kasi ako makakausad Kat? Kung kahit saan ako magpunta mukha niya palagi ang aking nakikita?" paiyak na tanong ko sa kaniya.

"Alam mo mabuti pa umuwi na muna tayo hatid na kita sa inyo pagabi na rin kasi baka pagalitan kapa ni Tita, at wag ka na ngang umiyak hindi bagay sayo." dire diretsong saad niya sakin.

"Mabuti pa nga gusto ko na ring magpahinga." saad ko sabay tayo para makauwi na kami ni Kat.

.....

"Salamat sa paghatid Kat, ingat ka pauwi sa inyo". saad ko sa kaniya nang maihatid niya na ako samin.

"Walang anuman Nat, tandaan mo lahat nang sinabi ko sayo ah. Mahal kita Nat at nag aalala ako sayo." saad niya naman sakin.

"Oo Kat pangako yan. Mahal din kita." saad ko sa kaniya at ngumiti.

Pag alis na pag alis ni Kat ay dumiretso na ako sa Kwarto ko kahit hindi ko pa nabati manlang si Mama.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay wala akong ibang naramdaman kung hindi ang labis na pangungulila kay Azi. Siya ang lalaking pinakauna kong minahal at hanggang ngayon ay patuloy kong minamahal kahit ilang taon na simula nang iwan niya ako nang biglaan.

Bakit nga ba kahit puro sakit ang dulot niya sakin ay hindi ko magawang magalit sa kanya?

"Bakit ba hanggang ngayon namimiss ko siya? Dapat hindi ganito eh, dapat umusad na eh. Ginawa ko na lahat nang pwedeng gawin para hindi lang siya maalala pero hindi parin sapat, bumabalik balik parin ang mga alaalang iniwan niya sakin" saad ko.

Bakit ba kahit saan ako magpunta palaging mukha niya ang nakikita?

"Gustong gusto kong nasa dagat ako, kasi kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko, habang nakikinig sa hampas ng mga alon ay siya ang naiisip."

Marami akong katanungan na hanggang ngayon ay hinahanap ko parin ang kasagutan. Masakit isipin na hanngang ngayon ay hindi parin ako nakakausad. Umaasa akong babalik siya. Ngunit bakit hanggang ngayon ay wala parin siya? Babalik kapa ba Azi o pinaasa mo lang talaga ako? Ang bigat bigat sa pakiramdam. Lord bigyan mo ako ng sign kung ipagpapatuloy ko paba ang paghihintay sa lalaking walang kasiguraduhan kung babalik pa.

Itutulog ko nalang siguro ito baka pag gising ko magaan na sa pakiramdam.

.........

"Minahal mo ba talaga ako ng totoo Azi? O minahal mo lang ako kasi ako yung nandiyan?" tanong ko sa kaniya habang umiiyak.

"Nat.... " tanging sabi niya.

"Hayan ka na naman eh, kapag tinatanong kita hindi mo ako sinasagot ng diretso." saad ko ulit sa kaniya.

"Nat, tama na please maawa ka naman sa sarili mo." saad niya na mas nagpa hagulgol lalo sakin.

"Sa-sabi mo... ma-mahal mo a-ako." pautal na saad ko ulit sa kaniya.

"Sinabi ko lang yon kasi naaawa na ako sayo, sobra sobra na ang pagmamahal mo sakin, halos naka depende kana sakin, pinilit ko naman na mahalin ka ng totoo Nat eh pero ayaw talaga." sunod sunod na saad niya sakin na nagpahina sa buong katawan ko.

"Ang daya mo Azi! Wala akong ibang ginawa kung di mahalin ka! Sa sobrang pagmamahal ko sayo, wala na akong tinira para sa sarili ko, ang sakit sakit mong mahalin!" bulyaw ko sa kaniya kahit labis na ang aking panghihina.

"Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako Nat. Pasensiya kana pero kahit anong pilit ko hindi talaga kita kayang mahalin. Pasensiya na." sagot niya at tuluyan akong iniwan habang luhaan.

.....

Nagising ako bigla dahil sa panaginip kong iyon. Pawisan ako nang magising. Panaginip lang ba yon? Bakit pakiramdam ko totoo? Yon na ba ang hinihingi kong sign Lord? Ang sakit lord ha. Ang sakit sakit isipin na pinilit lang niya na mahalin ako, akala ko totoo lahat yon. Kaya ba bigla niya lang akong iniwan dahil napipilitan lanb siya. Pero bakit? Bakit naghihintay parin ako sa kaniya? Ang sakit, wala siyang ibang minamahal sadyang ayaw niya lang talaga sakin. Pero panaginip lang naman yon diba? May pag asa pa siguro.

Katha Ni FeyaWhere stories live. Discover now