CHAPTER 3

343 0 0
                                    

WARNING !! R+18

Babala: Ang kwentong ito ay may masilang pangyayari na hindi angkop sa mga bata.




Lalo akong kinilabutan sa mga sinabi ng lalaki. Nanginig ang aking mga labi at tumulo muli ang aking mga luha.

“Shh.. Tahan na, sa una lang naman ito masakit,” wari niya habang pinupunasan ang mga luha ko.

Sandali siyang napatigil noong makaramdam siya ng kirot sa kaniyang sugat mula sa pagkasibat ni Agnes. Tumayo siya at iniwan ako para kumuha ng kanyang panggamot. Isang maliit na bote iyon na may lamang mga ugat-ugat, para itong lana. Pinatak niya iyon sa kanyang palad at hinaplos sa kanyang sugat. Tikom bibig siyang nagpipigil ng sigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya. Pagkalaon ay agad din naman siyang ngumiti. Para siyang demonyong nasisiraan ng bait na napadpad sa gubat para maghasik ng lagim.

Maya-maya'y napansin ko ang pagpitik ng paa ni Agnes. Mula kasi sa kinaruruonan ko ay natatanaw ko siya na iniihaw sa baga. Pumapatak-patak pa ang kanyang dugo paminsan-minsan sa mainit na baga. Ilang sandali pa ay dumilat ang kanyang mata at nagpalinga-linga. Natuwa ako dahil mali ang aking hinalang patay na siya. Huminga siya ng malalim noong makita niya ako. Ang lalaki naman ay abala sa pagtatali ng tila sa kaniyang sugat, kaya hindi niya napansin ang paggising ni Agnes. Sininyasan ko siya upang sabihing nakatali ako, at kung ano ang gagawin namin. Hindi ko alam kong naiitindihan niya ako dahil alam kong baliw siya.

“Sandali lang ha? Mamaya ay dadalhin kita sa ulap,” ngiting saad ng lalaki habang hinihigpit ang pagkatali ng tila sa kanyang sugat.

Tinitignan ko lang siyang abala sa kanyang ginagawa. Binabaling ko paminsan-minsan ang paningin ko kay Agnes, dahil alam kong tinitiis lang niya ang mainit na baga na pumapaso sa kanyang balat. Hindi naman masyadong marani ang baga kaya matitiis niya iyon. Nakita ko ang pagkagat niya sa lubid na nakatali sa kanyang kamay. Sinusubukan niya iyong tanggalin.

Tumingin ang lalaki sa akin noong mapansin niyang parang may tinitignan ako sa labas, kaya mabilis kong inalis ang tingin ko kay Agnes. Dinako ko ang paningin ko sa baba pero mukhang napansin na yata ng lalaki na kay Agnes ako tumitingin. Dahan-dahan niyang nilingon si Agnes na noon ay pumikit muli. Kaya noong makita niya si Agnes na nakatali pa rin ay ibinalik naman niya agad ang paningin sa akin.

“Patay na 'yan, kahit ano pa'ng titig mo r’yan, hindi na mabubuhay ‘yan,” wika niya at muling lumapit sa akin.

“Alam mo kung bakit nabaliw siya? Kasi ginahasa ko siya. Isa na ata sa pinakamagandang babae sa lugar na ito si Agnes.” Pumwesto siya ng upo sa tabi ko.

“Labing tatlong taon na rin ang makalipas noong una ko siyang gahasain. Kinse anyos lang siya noon pero dalagang katawan na. Balita ko nabuntis siya at may umampon sa bata dahil tuluyan na siyang nabaliw,” bulong niya sa akin at agad na namang humagikhik ng tawa.

Muling idinilat ni Agnes ang mga mata niya noong makita niyang abala ang lalaki sa akin. Nagawa niyang matanggal ang lubid mula sa pagkatali sa kanyang mga kamay. Agad niyang isinunod ang tali sa kanyang paa. Ang lalaki nama'y patuloy lang sa pag-amoy-amoy ng buo kong katawan.

“Hmmm... Hindi na ako makapaghintay, hali ka nga,” gigil niyang wari sabay hila sa akin. Hinubad niya ang aking pang-itaas at pinagapangan ng halik.

“Wag po, maawa po kayo,” sambit ko habang nagmamakaawa. Pero tila isa siyang binging walang naririnig sa pagsusumamo ko.

Patuloy lang siya sa pagmumulistya sa aking katawan na hindi ko mapigilan. Ang tanging mga luha ko na lang ang nagsasabing, tama na, ayaw ko na. Wala na kasing letra na lumabas sa aking bibig. Puro luha at pag-iyak na lang.

“Ang kinis naman ng balat mo, ang puti. ‘Wag ka na kasing umiyak, naglalaro lang naman tayo ng bahay-bahayan. Ako ang tatay, ikaw ang nanay.” Sabay halakhak niya.

Noong magsawa siya sa pang-itaas ko ay agaran din naman niyang hinubad ang aking pang-ibaba. Pinilit kong pumiglas dahil ayaw ko sa gusto niyang gawin sa akin. Sinubukan ko siyang sipain at itaboy pero wala akong magawa sa kanyang pwersa, masyado siyang malakas.

Hinipo niya ang masilang bahagi ko at puwenersa itong dukutin. Ipinasok niya ang panggitnang hintuturo niya. Agad akong napasigaw sa sakit na aking naramdaman. Ngumiti pa siya sa akin sabay senyas ng tahimik. Namutok ang mga ugat ko sa leeg dahil doon. Alam kong dumugo ang akin dahil malaki ang hintuturo niyang iyon.

Pahubad na sana siya noong marinig ko ang malakas na sigaw mula kay Agnes. Sinugod niya ang lalaking padagan na sana sa akin. Hindi ko namalayan na nakawala na pala si Agnes. May hawak siyang malaking itak at pinagtataga ang lalaki sa likod. Wala niya iyong humapay na pinaghahataw ng itak. Tumatalsik pa ang dugo sa akin. Tumumba ang lalaki sa akin. Mabigat siya kaya hindi ako makagalaw mula sa pagkadagan niya sa akin.

Tinulak ni Agnes ang katawan ng lalaking walang malay sa hubad kong katawan. Pagkatapos noo'y isinuot ko na muli ang aking mga damit. Ramdam ko pa rin ang hapdi sa aking masilang bahagi. Paika-ika noon si Agnes kung maglakad dahil sa mga sugat niyang natamo. Tinalian ko ng tila ang kanina pang dumudugong sugat niya. Ngumiti siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na hindi ko pa naramdaman kailan man noong yakapin niya ako.

Ngumiti siya sa akin sabay hawak niya sa aking mga kamay. Hinila niya ako palakad papunta sa kung saan man niya ako balak dalhin. Sigurado naman akong ligtas ako sa mga palad niya.

To be continued...

MAGLARO TAYO NG BAHAY-BAHAYANWhere stories live. Discover now