12

8 1 0
                                    

"Paumanhin sa nangyari hindi ko na rin alam kung bakit nagkaganun si Ameerha, sinisigurado ko na hindi na mauulit" paghingi ng paumanhin ng prinsipe sa magkapatid.

"Wala na eh nangyari na, sana hindi na talaga maulit" tugon naman ni Chase.

"Ate ano po nangyari?" tanong ni Eros.

---
"Hindi ko nagustuhan ang inasal mo kanina" may pagkadismaya na tono ng hari.

"Hindi ko rin nagustuhan na basta mo na lamang ako ipapakasal nakipagkasundo ka ng hindi ko alam?" sagot ni Farris.

"Ganyan naba ang nagiging impluwensiya ng mga bago mong kaibigan pati ang iyong ugali nagbago na" tugon ng hari.

"Ilan beses ko ba sasabihin sayo ama na malaki na ako may sarili na akong desisyon mahirap ba intindihin yun? hindi na ako bata para maging sunod-sunuran sa mga gusto mo" pilit ipinaglalaban ni Farris.

"Malapit naman na ang pag-alis ng ating mga bisita magiging maginhawa na ang ating buhay ulit" malamig na sambit ng ama na ikinainis ni Farris lalo dahil parang lumalabas lang sa kabilang tenga nito ang sinasabi niya.

--

"Malapit na pala tayong umalis kahit papaano mamimiss ko yung lugar na ito" sambit ni Chase habang inaayos ang iilan nilang gamit.

Napansin naman nito ang tahimik na si Jane sa kabilang gilid napailing nalang si Chase dahil sa nakikita.

--

Kinabukasan

Naglalakad si Jane sa mahabang bungad ng palasyo ninanamnam niya lang ang mga sandali na mananatili siya dito sa palasyo. Palihim siyang sinusundan ni Farris.

"Mahal na prinsipe wag kana magtago diyan nakikita ko ang anino mo" sambit ni Jane.

Ilang minuto ang nakalipas lumabas na rin si Farris sa pinagtataguan nito.

"Galit ka pa ba?" tanong nito kay Jane.

"Wala naman akong karapatan magalit at wala ka namang kasalanan kaya ayos na yun" tugon ni Jane.

"Pero okay ka lang ba?" tanong niya ulit.

"Oo naman tara mamasyal tayo malapit na rin kasi kaming umalis gusto ko lang sulitin ang mga oras ko dito" nauna na itong maglakad kay Farris.

Kita sa mukha ni Farris ang lungkot nang sabihin ni Jane iyon. Nagtaka ang babae sa malamig na bagay na dumampi sa ulo niya nanlaki ang mata niya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.

"SNOW!?" parang masaya na bata ang tono nito "WAAAAAAAH" umikot-ikot ito habang patuloy na umuulan ng yelo sa kinatatayuan.

"Oo nga pala tag-lamig na nga pala" mahinang sambit ni Farris sa sarili. Sinabayan na rin ni Farris ang paglalaro ni Jane para silang mga bata na naglalaro. Masayang pinagmamasdan ni Farris sa Jane.

--

"Nasaan naba si ate?" kanina pa hinahanap ni Chase si Jane halos libutin niya na ang buong palasyo. Palabas na sana siya sa pinto nagulat naman sa biglang pagbukas ni Ameerha ng pinto.

"Nakakagulat ka naman mahina yung loob ko ha wag ganun" sabay hawak sa dibdib nito.

"Si Farris?" tanong ng prinsesa.

"Malay ko hinahanap ko nga rin yung kapatid ko" tugon ni Chase sakaniya.

"Farris!" sigaw ni Ameerha.

Nadatnan ni Ameerha ang naglalarong si Eros sa silid ng prinsipe kaya tinanong niya ito. "Bata, nasaan si Farris?" natakot ang bata sa pananalita nito "Hindi ko po alam mahal na prinsesa" tugon ni Eros.

Lumapit si Ameerha at mahigpit na hinawakan ang braso ng bata "Wag kang magsisinungaling, nasaan si Farris!?" umaktong iiyak na ang bata nakita naman ni Chase ang senaryo na iyon.

"Kuya" paiyak na sambit ni Farris habang papatakbo kay Chase.

"Pati ba naman bata sinasaktan mo? ano ba nag nangyayari sayo mahal na prinsesa?" saway ni Chase.

Naipinta naman sa mukha ni Ameerha ang konsensya sa ginawa kay Eros. Sakto namang dumating sina Farris at Jane.

Umiiyak na sinalubong ni Eros si Farris nagtaka naman ang prinsipe dahil hindi naman iyakin si Eros. "Ano ang nangyari, Eros? bakit ka umiiyak?" nagaalalang tanong nito.

"Paano ito kasing ano na ito sinasaktan si Eros kasi hinahanap ka niya kausapin mo nga yan lumalala eh" pagsusumbong ni Chase.

"Ameerha nag usap na tayo diba? ano nanaman ito? pati bata sinasaktan mo hindi na ikaw yan, hindi na kita kilala" sambit ni Farris.

"Hindi ko naman sinasadya siguro nabigla lang ako" sagot ni Ameerha.

Pagtapos sabihin ay naglakad na ito papalabas ng pinto, tiningnan muna nito si Jane nakahanda naman si Farris sa posibleng gawin ni Ameerha kaya hinawakan niya ang kamay ni Jane at inilayo sa prinsesa.

Umalis na si Ameerha sa silid.

"Eros ayos ka lang ba? may masakit ba sayo? sabihin mo" pagaalala ni Farris.

"Wala naman po buti nga dumating si Kuya para ipagtanggol ako sa nakakatakot na prinsesa" tumingin ito kay Chase na nakangiti.

"Salamat" pagpapasalamat ni Farris kay Chase.

"Wala yun, basic lang yun" sagot naman ni Chase.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora