13

9 2 0
                                    

"Ameerha ano ba talaga ang nangyayari sayo? hindi ka naman dating ganyan" sambit ni Farris.

"Farris mahal kita hindi mo ba naiintindihan iyon?" tugon ni Ameerha.

"Patawarin mo ako kung ngayon pa lang sasabihin ko na, wala akong pagtingin sayo hindi kita gusto at lalong hindi kita mahal" walang pagdadawalang isip na sinabi.

Naiwan si Ameerha na lumuluha at hindi makapaniwala sa mga narinig. "Kung ganun, sino ang gusto mo?" naluluhang tanong ni Ameerha bago pa makaalis si Farris.

Natigilan si Farris sa tanong ng prinsesa lumingon ito kay Ameerha "Ayoko na masaktan ka, Ameerha" muling tugon nito.

Tuluyan nang umalis si Farris

Hindi na kinaya ni Ameerha ang emosyon. Saksi naman si Chase sa pagdurusang iyon tahimik lang itong nakatingin sa gilid. Nakaramdam siya ng awa rito.

--

Nagulat si Ameerha sa biglaang paghatak ng kung sino man sa kamay niya papunta sa tagong sulok ng palasyo.

"Ginoong, Chase ano ang ginagawa mo rito? bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Ameerha.

"Halika may pupuntahan tayo mahal na prinsesa" masiglang sambit ni Chase habang hawak pa rin ang kamay ni Ameerha.

"At saan naman?" tanong ulit ng prinsesa.

"Basta! tara na!" tugon ni Chase na halos hatakin na si Ameerha.

--

"Maaari bang pumasok?" bungad ni Farris sa nakabukas na pinto ng silid.

"Farris, hindi pa ba tulog si Eros?" tanong ni Jane, abala ito sa pagaayos.

Umiling lang si Farris at umupo sa harap nito.

"Ano ba ang pakay mo at biglaan ang pagpunta mo dito?" tanong ulit ni Jane.

"Nais lang kita makita bago pa kayo umalis sa susunod pang araw lubos kasi akong nagagalak na nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan at galing pa sa mundong pinanggalingan ng aking ina" may malungkot na tono ang prinsipe.

Tumayo ang prinsipe at muling niyakap si Jane. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya sa mga araw na magkasama tayo kaya hayaan mo kong yakapin ka para ipadama sayo ang nararamdaman ko, Binibini" dagdag nito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Jane sa mga sinasabi ng prinsipe "ano ang ibig mong sabihin?" tanong ng babae. Mahigpit pang niyakap ni Farris ito "Gusto kita" walang pagaalinlangang sinabi.

--

"At anong kalokohan naman ito, Ginoo? nasaan ang ipapakita mo?" tanong ni Ameerha.

"Maghintay kalang" maikling tugon ni Chase.

Ilang minuto ang nakalipas lumitaw ang magagandang ilaw sa kalangitan, mga nagsisigandahang parol na panlangit. "kinausap ko talaga ang magpapalipad nyan" sabay tawa.

Kita sa mata ni Ameerha ang halong emosyon nang makita ang mga iyon. Napakaganda sa mata.

--
Katahimikan ang nanaig sa silid.

"Pasensya na nadala lang ako sa emosyon kung galit ka ay aalis nalang ako" sambit ni Farris.

Paalis na sana si Farris, biglang nagsalita si Jane "Bago ka pa magkagusto sa akin gusto na kita simula pa lang paghanga ganun, hindi lang dahil sa iyong maayos na porma pati na rin sa pagiging masayahin mo" may halong pagkasarkastiko na sinabi ni Jane.

Napangiti naman si Farris sa sinabi ni Jane.

--
"Ano nagustuhan mo ba o ayaw mo? tapon ko ito sambit ni Chase hawak ang dalawang parol na panlangit.

"Maganda, nagustuhan ko ang iyong sorpresa" tugon ni Ameerha.

"Hindi pa nagtatapos diyan, ito kunin mo ang isa at kahit anong kahilingan ipadala mo dito tsaka mo paliparin sa langit" ani Chase.

Kinuha ni Ameerha ang isa pumikit ito at pinalipad na ang hawak na parol panlangit. Sumunod naman si Chase "sana maging masaya na ang magandang binibini sa tabi ko" sambit nito habang nakapikit. Tumingin si Ameerha kay Chase na parang gustong ngumiti.

Pinalipad na ni Chase ang parol panlangit na hawak niya.

Humarap ito kay Ameerha "Mahal na prinsesa, hindi bagay sayo ang maging malungkot, alam kong may mga bagay pa ang hindi mo nauunawaan lalo na sa pag ibig, ang pag ibig ay mahahanap mo kahit saan, sa pamilya, kaibigan. Maniwala ka mahahanap mo ang taong sobrang magpapasaya at magmamahal sayo panahon na para pagtuunan mo muna ng pansin ang sarili mo para kapag nagmahal ka hindi ka na masasaktan pang muli". mahabang sinabi ni Chase pagtapos ay tumingin sa kalangitan.

Hindi napigilan ni Ameerha ang mapaluha. Napansin naman ni Chase iyon kaya pinunasan niya ang luha nito ng dahan dahan. "Tumahan ka, sayang kagandahan mo kung iyakin ka" dagdag na sabi nito.

Nagulat si Chase sa biglaang pagyakap ni Ameerha sa kaniya. Ginantihan niya na lang din ito ng yakap.

"Salamat sa pagpapagaan ng loob ko, Chase" ani Ameerha.

Nagulat naman si Chase dahil ito ang unang beses na tinawag siya sa kaniyang pangalan na hindi nagsusungit. Isang ngiti ang gumuhit rito.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now