SA PAGITAN NG MGA PAHINA

15 1 0
                                    

Dekomposisyon
Ang dulang ito ay tungkol sa ligaw na si Timoteo at ang pagtatagpo nila ni Liwayway. Pangyayaring bumuo sa tulay patungo sa tamang landas, at sa misteryong lumulukob sa kada hakbang na tinatahak nila.

Tauhan
TIMOTEO, 16, Nakaraan
LIWAYWAY, 30, Kasalukuyan

Tagpuan
Sa kaloob-looban ng kagubatan, sa ilalim ng puno ng Narra.

Oras
Sa pagbabalik sa nakaraan at pagpapatuloy ng kasalukuyan.

Eksena
Maganda ang panahon, tirik ang haring araw at tila walang nagbabadyang ulan. Subalit sa mga tagpong ito, salungat ang nararamdaman ni TIMOTEO.

Sa halip na makaramdam ng tuwa't saya, kabaliktaran sa kung paano sikat na sikat ang araw, tila binabagyo ang isipan niya. Hindi alam kung saan tutungo habang nag-iisip ng mga bagay-bagay.

Magpapatuloy sa paglalakad sa kagubatan, hanggang matagpuan ang liblib na tagpuan. At doon iinumin ang tangan niyang serbesa habang humihithit ng istik na gawa sa tabako.

TIMOTEO

Hay buhay nga naman (hahalakhak habang may tumutulong luha) palayain niyo na ako (iinumin ang tangang serbesa at patuloy sa paghalakhak). Alam niyo bang kaya ako nalulong dito ay dahil... (mapapaupo habang nagsasalita) gusto ko nang makalaya (may diin ang bawat salita, habang patuloy na tumutulo ang mga luha) dahil sabi nila, masama ito sa kalusugan, hindi ba't mas mapapaaga ang aking paglisan nang dahil dito? Bakit gano'n?

Habang nagsasalita ang binata, nakakita siya ng isang piraso ng papel at gayong dinampot upang makita ang nilalaman nito.

TIMOTEO

"Sa patuloy mong paghinga, may dahilan pa kung bakit naririto
ka - Liwayway" (akmang maguguluhan) Liwayway?

Hindi mabilang na tanong ang bumabalot sa kanyang isipan, at tila pangyayaring walang wagas na ekspresyon ang kanyang nararamdaman. Dahil tiyak na, nagagalak siyang makabasa ng ganito mula sa isang estranghero. Subalit sa parehong panahon ay nagugulumihanan dahil sa paglitaw ng 'di niya kilalang tauhan.

Ang pag-iral ng mga 'di masagot na tanong ni TIMOTEO, ay ang paglabas din ng dalaga sa kinatataguan nito.

LIWAYWAY

Ang baho ng usok ng (didiinan ang bawat kataga) sigarilyong hinihithit mo. (Magmamasid sa kapaligiran) Anyways... (pabulong na sasabihin ang bawat kataga) ang tagal ko ring hindi napadpad
dito. (ngingisi) Nakakamiss.

Ang nagtatakang TIMOTEO ay nakatingin sa dalaga nang may pagtataka. Tinitingnan naman ito ng dalaga nang walang emosyon sa mukha.

TIMOTEO
Si-sino ka...(may panginginig sa pagbigkas ng bawat salita) at.. bakit..
ka.. nariri.. naririto??

Ngingisi si Liwayway habang sinusulyapan ang binata, akmang may nais sabihin ngunit hindi maitatas ng dila.

LIWAYWAY
Grabe naman ang curiosity mo. (patanong na sasambit) Hindi ba't
mas mainam kung ibang bagay ang pag-usapan natin kaysa r'yan?

TIMOTEO
(Kukunot ang noo) Anong ibang bagay naman ang tinutukoy (didiinan ang salita), Ms?

Sa Pagitan ng mga Pahina.Where stories live. Discover now