The Girl On My Vision

0 0 0
                                    

•The Girl On My Vision•
Written by: Miss_Dangwa

"La, alis na ho ako!" Sigaw ko bago kunin ang bago ko.

"Sige! Mag ingat ka Edi!" Pagtugon niya.

Lumabas na ako at mahigpit ang pag hawak sa bag ko na luma na. Hindi pa ako na kakabili ng bago dahil sa kailangan kong ipambayad sa mga maliliit naming utang.

Bago ako sumakay ng tricycle ay ang pag sakit ng ulo ko. Hinawakan ko naman ang sintido ko para hilutin iyon pero lalo lang iyon sumakit. Dahilan para makita ang isang vision.

Isang vision ng isang babae. Babae na duguan ang mga kamay at sumisigaw ng tulong. Basang basa ang mukha nito nang dahil sa luha niyang patuloy paring umaagos sa pag iyak.

"Ano ba sasakay kaba!?"

Napa angat nalang ako ng tingin ng makita ang galit na mukha ng tricycle Driver. Sumakay na lang ako at hindi na kumibo pa.

'Ano iyon?' 'Yon na lang ang naitanong ko sa sarili ko. Sa nakitang kong vision sa babaeng hindi ko kilala, at wala akong ni isang taong hinawakan para makakita ng vision na ganon.

Salubong parin ang kilay ko hanggang sa hindi ko namalayan na nasa harapan na pala ako ng aming classroom. Nakatingin ang mga kaklase at mga kaibigan ko sa'kin, kaya dali na akong pumunta ng pwesto ko at naupo.

"Pre! Edi, anong problema?" Tanong ni Charles kaibigan ko.

"Wala 'to pre, sumakit lang ang ulo" saad ko at pilit na ngiti ang ibinigay sa kanila.

Ako si Edison, may kakayahan akong makita ang isang future ng isang tao sa pamamagitan ng pag hawak sa kanila. Nakuha ko ang kakayahan na ito ng parehong namatay ang magulang ko. Lumabas lamang ang kakayahan ko bago ang aksidente ng magulang ko. Kakayahan na ayaw ko. Lumaki ako sa pader ng mga Lolo at Lola ko na silang nag turo kung paano ang tamang pag gamit ng kakayahang na ipinamana sa akin.

Ngunit ang vision na nakita ko kanina ay kakaiba. Sino at bakit, ito nag kaganon. Hindi ko nalang iyon inalala at nilibang ko nalang ang sarili ko sa pag babasa ng notes.

Napatayo kaming lahat ng makita ang guro namin na papasok at may kasunod na isang babae.

"Good Morning Class!" Bati ng guro namin.

"Good morning ma'am" sagot naming lahat.

Nakatayo parin kami hanggang sa pinakilala niya ang babaeng kasunod nito. Transfer siya at galing sa probinsya. Maliit ang mukha nito at napaka singkit ng mga mata nito.

"Hi everyone, I'm Phoemela Jen Mendoza" iyon lang ang sinabi nito na ipinag taka naming lahat.

"Is that all Ms. Mendoza?" Tanong ni ma'am.

Tumango lang at ngumiti sa harapan namin. Hindi ko na binigyan ng pansin si Phoemela. Nagulat nalang ako ng tawagin ako ni ma'am at sa tabi ko ipinwesto si Phoemela.

Magrereklamo na sana ako, ngunit ang sama ko naman kapag ganon. At lalo na sa transfer na nakita kong tinarayan ako.

Pinaupo at nag simula na ang discussion ni ma'am. Pilit kong inilalayo ang sarili ko na mahawakan o dumampi ang katawan nito. Sobrang lapit nito at isang hawak lang, isang vision ang makikita ko sa kanya.

"Lunch Break!" Sigaw ng buong klase ng matapos ang sunod-sunod na discussion.

Mabilis akong tumayo at iniwan silang lahat akmang bababa na sana ako ng hagdan ng kumirot ang ulo ko. Huminto na muna ako at lumayo sa hagdan at baka ako ay mahulog. Isang vision, ang nakita ko.

The Girl On My VisionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora