14

11 1 0
                                    

"Sige dito nalang ako, salamat sa paghatid, Ginoong Chase" pagpapasalamat ni Ameerha.

"Sige na pumasok ka na" tugon naman ni Chase.

Nadatnan ni Haring Ceraudus ang dalawa sa labas ng palasyo.

"Ameerha" tawag nito sa anak.

"Ama" pabalik na bati ni Ameerha.

"May kasama ka pala, halina't pumasok kayo at ang palasyo ay naghanda ng mga pagkain upang pagsaluhan" anyaya ni Haring Ceraudus.

--

"Hindi ko batid na mayroon palang matipunong manliligaw ang kaisa - isa kong anak na prinsesa" sarkastikong sambit ng hari.

"Ama, isa lang po siyang kaibigan" sagot naman ni Ameerha.

"Mabuti naman, alam mong dugong bughaw ang gusto kong makatuluyan mo para naman balang araw kayo ang mamumuno sa ating palasyo, huwag mong masamain ang aking sinabi, Ginoo" sambit ni Haring Ceraudus.

"Magkaibigan lang po kami ng anak niyo at wala po akong balak na masama sa prinsesa" sagot naman ni Chase kahit hindi na maganda ang pakiramdam niya dahil ramdam niyang ayaw ng ama ni Ameerha na naroon siya. Napansin naman ni Ameerha iyon.

Pagtapos.

"Pagpasensyahan mo na ang aking ama, alam kong hindi maganda ang iba niyang sinabi" paghingi ng pasensya ni Ameerha dahil sa ama.

"Ano ka ba, okay lang yun hindi naman masyadong masakit" pabirong sabi ni Chase.

--

Nakangiting humarap si Farris kay Jane, hindi maitago ang saya sa mukha nito dahil sa sinabi ng babae.

Masayang tumatakbo si Eros habang nilalaro ang hawak na eroplanong laruan. "Ate, Kuya laro tayo!" aya niya sa dalawa.

"Oh sige ba? hmmp ano bang magandang laruin?" tugon ni Jane. Lumapit si Farris kay Jane at hinawakan ito "TAYA!" tumawa siya na parang bata. Natuwa naman si Eros at agad na nakisali.

"Sige na umuwi ka na mamaya hanapin kapa ng tatay mo" pagpapaalam ni Chase. Lumakad na ito papalayo kay Ameerha na kumakaway pa hindi naman mawala sa mukha ng prinsesa ang magaan na pakiramdam naging maaliwalas ang itsura nito at lalong lumabas ang kagandahan.

--
Nakaramdam ng pagod ang bata sa paglalaro kaya napaupo nalang ito.

"Ate kwentuhan mo pa ako tungkol sa totoong mundo, marami pa po akong gustong malaman sa mundong kinagisnan niyo" pagpupumilit ni Eros kay Jane.

"Ito alam mo ba sa mundo ng mga tao mayroon isang magandang lugar na pinupuntahan ng mga batang gaya mo ano yun hmmp amusement park marami kang pwedeng sakyan doon at syempre marami ka ring makakalaro" kwento ni Jane.

"Talaga ate!? ang ganda naman ng lugar na iyon sana balang araw makapunta rin ako sa ganoong klaseng lugar" hiling ng batang si Eros.

"Hayaan mo matutupad rin yang kahilingan mo basta maging mabait kalang palagi at makikinig ka sa kuya Farris mo" tugon ni Jane sa kahilingan ng bata. Masayang nakikinig si Farris sa usapan ng dalawa.

"Matulog kana nga masama ang nagpapalipas ng oras sa pagtulog" utos ni Farris rito.

--

Maagang napadalaw si Ameerha sa palasyo ni Haring Lucas nakasalubong niya naman si Jane, ngiti ang ibinigay niya dito. "Binibini, maaari ba tayong mag - usap ulit?" mahinahong pakiusap niya kay Jane.

"Wag ka magalala, hindi kita aawayin o ano pa man" dagdag ng prinsesa. Tumango lang si Jane sa sinabi niya.

Sa tahimik na pwesto sa palasyo kung saan makikita ang mga umuusbong na bulaklak, nagsisitaasang mga damo at malalagong puno kasama na rin ang tirik na araw. Nakaupo sina Jane at Ameerha.

"Saglit lang ang usapan na ito" sambit ni Ameerha.

"Ano po ba iyon mahal na prinsesa?" tanong ni Jane.

"Gusto ko sagutin mo ang tanong ko na pawang katotohanan lang" may pagkadiin na tono "may gusto ka ba sa mahal na prinsipe?" tanong nito.

Minuto ang tumatakbo at katahimikan pa rin ang mayroon sa usapan ng dalawang babae. "Opo mahal na prinsesa" pagtapos ng ilang minuto ay sumagot na rin si Jane. Hindi napigilan ni Ameerha ang maging malungkot hanggang sa naluha na siya.

"May pakiusap ako sayo, Binibini" may naluluhang tono "Gusto kong ingatan mo si Farris para sa akin napagtanto ko kasi na hindi dapat pinipilit ang mga bagay na alam mong mahirap. Batid kong hindi masaya si Farris sa pagmamahal ko kaya hahayaan ko nalang kayong dalawa ipangako mo sa akin na hindi mo siya sasaktan" malungkot na sinabi ni Ameerha.

Tiningnan nalang ni Jane ang lumuluhang si Ameerha. Nakaramdam ito ng awa sa bigat na nararamdaman ng prinsesa, alam niyang mahirap magparaya ng taong minamahal pero mukhang tama nga ang prinsesa may mga bagay na dapat hindi pinipilit.

--

"Kayo muna ang bahala rito at ako ay maglalakbay muna sa ibang lugar may mahalaga lang akong gagawin" inaayos nito ang mga dadalhin.

"Kuya saan ka po pupunta?" tanong ni Eros.

"May mahalaga lang akong pupuntahan pero babalik naman ako agad mamaya ano ba ang gusto mong pasalubong?" tanong ni Farris.

Umaktong nagiisip si Eros. "Gusto ko po ng alagang ibon" lumuhod si Farris "Bakit ibon?" tanong nito kay Eros.

"Kasi po para makita ko ang isang ibon na malayang lumilipad parang ako isang batang malayang nangangarap" masayang tugon ni Eros.

"Masusunod ang kahilingan mo" dagdag pa ni Farris bago umalis.

--

Nakaramdam si Farris ng kaba habang papalabas ng palasyo hindi niya na lang ito masyadong pinansin at ipinagpatuloy ang paggayak paalis.

"Ayokong malaman ng aking anak ang tunay na nangyari sa kaniyang ina" ani Haring Lucas sa isang kausap.

"Bakit mahal na hari?" tanong ng kausap.

Habang nilalaro ni Eros ang hawak na teddy bear may narinig itong mga boses na naguusap. Isinandal niya ang sarili sa maliit na siwang ng pinto.

"Itatakwil niya ako, siya na lamang ang pamilya ko ayokong mawala ang aking anak. Ayokong malaman niya na sinadya ko ang pagkamatay ng kaniyang ina dahil balak niya ilayo ang aking anak para bumalik sa totoong mundo" tugon ng hari.

Nagulat si Eros sa sinabi ng hari dahil sa pagkagulat aksidente niyang nasagi ang babasaging lalagyan ng halaman sa gilid.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat