11:11

1 0 0
                                    

•11:11•
Written by: Miss_Dangwa

"Raphael! Dali na yung nanay tatay na laro!" Sigaw ko at pilit kong agawin ang kamay niya.

Buntong hininga naman siya at wala ng nagawa kundi ang makipag laro sa akin. Magkaharap na kami at kitang kita ko talaga ang napa kaputi nitong mukha, mahahabang pilik mata, makapal na kilay, magandang labi. Ang kanyang mahabang puting damit na madalas kong naapakan, maging ang manggas nito ay napaka haba, at ang kanyang pak-pak na sabi ko ay puputulin ko tuwing 'di siya nakikipaglaro sa akin ay sobrang napakaganda.

"Nanay, Tatay, gusto ko tinapay
Ate, Kuya, gusto ko kape
Lahat ng gusto ko ay susundin ninyo
Ang magkamali ay pipingutin ko" pag kanta ko.

Sa pangalawang palakpak palang ay nag kamali na ito kaya sobra ang pag ti-tili ko.

"Hahahahaha na talo ka!" Sigaw ko. Umiling iling lang ito.

"Hindi kapa ba babalik sa kwarto mo?" Tanong nito.

"Ayoko pa, masaya kang kasama, eh" sabi ko. "Ano pabang mga gagawin?" Tanong ko.

Habang nag iisip pa ng maipalalaro ay napatingin naman ako sa pakpak nito, na agad naman siyang napaatras.

"Lipad tayo!" Pag ayaw ko sa kanya.

"Hindi pwede" pag tangi niya.

Na pakagaan talaga niya tuwing kausap. Kaya siya ang gusto kong kasama.

"Bakit naman?" Tanong ko at nag punta sa kanyang likod para tignan ang kanyang pakpak. "Ang ganda talaga ng pakpak mo sa tingin mo ba magkaroon ako ng ganyan?" Tanong ko.

"Kung maging mabait ka, oo, magkakaroon ka nito." Nakangiting saad niya.

"Ikaw talaga" natatawa na sabi ko.

Natigilan lang ako ng makita si Dr. Borms na nagmamadaling nakatingin sa amin ni Raphael.

Dali ko namang pinagpapalo si Raphael para senyasan na tumakbo kami. "Takbo nandiyan na si Dr. Germs!" Sigaw ko.

"Ihea, Hindi Germs kundi Borms!"saad naman ni Raphael na sumusunod sa akin.

"Pareho na rin iyon!" Kaya mabilis akong  tumakbo para di abutin ni Dr. Germs este si Dr. Borms.

Natigilan lang ako sa pag takbo ng hindi na ito sumagod sa sinabi ko. "Umalis na siya?" Tanong ko bigla sa sarili ko. "Hintayin nalang kita mamayang gabi!" Sigaw ko sa paligid.

Nag punta ako ng restroom para maka pag hilamos. Napaka boring talaga tuwing umaalis na siya kaya tuwing naririto na siya ay sinusulit ko ang isang minuto para makipag laro.

"Mommy, Daddy!" Malakas na sigaw ko ng makita ko sila. Dali akong tumakbo at niyakap silang dalawa.

Ni walang kibo ang ginagawa nila sa pag yakap ko. Kaya naman umupo ako sa tabi ni Mommy na hawak hawak ang mga papel na hindi ko alam kung para saan ang mga iyon.

"Mommy, alam mo ba si Raphael ayaw na niyang mag laro ng Nanay, Tatay kasi daw lagi raw itong natatalo" natatawa na kwento ko. "Mamaya mommy nandito na ulit si Raphael wag kayo uuwi, ah!" Nakangiting sabi ko.

Hindi pa nakikilala ni Raphael sina Mommy at Daddy dahil sa isang minuto lang ang mayroon si Raphael.

Ilang oras ang lumipas at tahimik kaming tatlo rito sa hallway.

"Eleven o'clock na!" Sabi ko. Tumingin naman ako sa kanila na naka ngiti. "Hintay na lang makikita na po ninyo si Raphael" saad ko.

"Let's go home?" Biglang sabi ni Daddy kay Mommy.

11:11Where stories live. Discover now