15

8 1 0
                                    

Warning

"Ano iyon?" tanong ng hari.

Nakita naman ng kausap nito ang anino ng isang bata "MAY NAKARINIG NG ATING PAGUUSAP MAHAL NA HARI!" sumbong nito sa hari. Mabilis na lumabas ang dalawa sa silid para habulin ang bata nakita naman ng hari ang papatakbong si Eros.

"Kailangan ko sabihin kay kuya yung narinig ko" mahinang sambit sa sarili. Papunta na sana ito sa pinto para lumabas at agad na mapuntahan si Farris nang harangan siya ng isang lalaki. "Saan ka pupunta bata?" nakakatakot na tono ng boses.

Lumingon si Eros sa bandang likuran nito nakita niya ang hari na nakatingin sa kaniya. "Mahal na hari" sambit niya.

"Hindi mo ba alam na masama ang nakikinig sa usapan ng mga nakatatanda?" mahinahong tono ng hari. Hindi nagpatinag ang bata "Masama rin po ang ginawa niyo" tugon nito sa hari.

"Wag kana magtangkang magsumbong bata kung ayaw mong may kalagyan ka" kinuha ng lalaki ang bata nanlaban dito ang bata. Kinagat ang isang kamay ng lalaki.

Tumakbo ito ulit sa pinto pilit na inilalaban ang buhay para sa kaniyang kuya "Makulit kang paslit" sambit ng hari tsaka kinuha ang baril ng isang kawal. Isang malakas na putok ang nilikha nito.

Nanlaki ang mata nina Chase at Jane nang masaksihan ang ginawa kay Eros umuusok pa ang baril na nakita nila.

Naabutan nilang bumagsak si Eros na hawak pa ang laruan niya.

"EROS!" sigaw ng papatakbong si Chase nilapitan niya ang walang buhay na bata, umiiyak naman si Jane sa likuran nito na parang hindi kayang lumapit. "Paano niyo nagawa ito sa isang bata!?" nakaramdam si Chase ng sobrang galit at awa sa bata. Habang si Jane ay napaupo na sa pag iyak. Natauhan na ang hari sa ginawa kay Eros nabitawan naman ang hawak na baril

"P-paano natin sasabihin kay Farris ito?" umiiyak na sambit ni Jane.

--

Nasisiyahan naman si Farris sa mga nakikitang ibon sa paligid pauwi na kasi ito kaya napagpasyahan niyang ibili si Eros nito. Ito kasi ang gusto niyang pasalubong.

Hindi pa rin umaalis si Chase sa tabi ni Eros kahit mabahiran siya ng dugo  wala siyang pakialam. Nadatnan naman ni Ameerha ang senaryong iyon.

--

Eksayted si Farris na ibigay kay Eros ang pasalubong niya nakangiti pa ito habang naglalakad pauwi ng palasyo. Napansin niya na napakaraming kawal sa labas at nagkakagulo sa palasyo. "Anong nangyayari?" tanong niya sa isang tagapaglingkod. Papasok na siya sa palasyo na kinakabahan.

Nakita ni Jane ang paparating na si Farris sinabi niya ito kay Chase. Tumayo naman si Chase para makita ni Farris ang bata.

Nakangiti pa si Farris "Anong nilalaro niyo? bakit nakatulog si Eros dito?" sambit niya kahit alam niya na talaga.

"Farris" sambit ni Jane.

"Hindi magandang laro ito bumangon kana diyan Eros dala ko na ang pasalubong mo diba gusto mo ng ibon?" papalapit ito kay Eros.

At nang malapitan na niya napaluhod siya sa sobrang panghihina hindi na napigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha. Binuhat niya si Eros papalapit sa kaniya. "Eros gumising ka! hindi magandang biro ito" pilit parin niyang pinapaniwala ang sarili na isang laro lang ang ginagawa ng bata.

Lumapit naman si Jane kay Farris. "Farris, wala na siya" malungkot na lumuluhang sinabi niya.

"Hindi, naglalaro lang kayo eh" bumagsak na ang mga luha.

Tumingin naman ng masama si Chase kay Haring Lucas alam niya at nasaksihan nito ang ginawa sa bata. Tumalikod ang hari sa kinatatayuan pinigilan rin ang awa at luha na nararamdaman sa ginawa.

Nanginginig na si Farris tuluyan na siyang naghisterikal isang malakas na sigaw ang binitawan nito. Buong palasyo ang saksi sa nangyari at nangyayari.

Ilang minuto ang lumipas. Tumayo si Farris dahan-dahan nitong inilapag ang walang buhay na si Eros. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa mga taong nasa paligid niya.

"Sino ang may gawa nito kay Eros!?" galit na tanong nito.

Hindi makaharap si Haring Lucas sa anak maski sa iba pang naroon sa palasyo. Nawala ng kaunti ang maamong mukha ni Farris dahil sa galit. Binuhat ulit nito ang bata papalabas sa palasyo agad naman siyang sinundan nina Jane, Ameerha at Chase.

Tumigil siya sa bungad ng palasyo at muling umiyak. Hindi niya kayang tanggapin ang nangyari sa mahal na kaibigan, tumingin siya kay Eros na may awa "Itinuring kita bilang totoong kapatid k-kahit hindi tayo magkadugo" paputol - putol ang sinasabi niya dahil na rin siguro sa pag iyak niya. "Ayaw pa kitang pakawalan pero wala akong kakayahan ibalik ang buhay mo" dagdag pa ni Farris.

Sa kalagitnaan ng pagluha ni Farris nararamdaman niyang gumagaan na ang hawak na si Eros. Ito na ang pinamasakit sa lahat unti unti ng nagiging abo si Eros at tinatangay na ng hangin hanggang sa mawala na ito. Hindi napigilan ni Farris ang emosyon.

Masama siyang tumingin sa tatlo sa likuran niya "Alam kong saksi kayo sa nangyari kay Eros kaya habang maaga pa sabihin niyo sa akin ang totoong nangyari nung wala pa ako" may galit sa tono.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )Where stories live. Discover now