16

9 1 0
                                    

"Wala akong alam kararating ko lang nung nakita ko ang bata na walang buhay" sambit ni Ameerha.

Ibinaling naman ni Farris ang tingin kina Jane at Chase. "Nakita nalang namin na binaril si Eros" malamig na tono ni Chase. "Sino ang bumaril sa kaibigan ko?" walang emosyon nitong tinanong. Magsasalita pa sana si Jane balak nito na wag muna sabihin dahil maaaring magkagulo sa palasyo kung sakali kaso naunahan siya ng kapatid.

"Ang mahal na hari" sagot ni Chase. Napatayo si Farris sa galit at inambahan si Chase "Ang aking ama? paano!? ano ang sa tingin mong dahilan kung bakit niya pinatay si Eros!?" gigil na tono ni Farris.

"Farris, tama na!" awat ni Jane kay Farris "bitawan mo Chase!" pilit nitong inilalayo si Farris sa kapatid. Sa pagpupumilit ni Jane wala sa isip na naitulak siya ni Farris. Binitawan naman ni Farris si Chase nang mapansin niya na natumba si Jane.

"Mahal na prinsipe!" sigaw ni Ameerha "bakit sa amin mo ibinabaling ang galit mo?" dagdag pa niya.

"Ganyan ba Farris? hindi ka ba muna makikinig sa paliwanag namin magagalit ka at sasaktan mo kami?" naluluha na si Jane ulit.

Napayuko si Farris saglit at pumasok sa palasyo. Pinuntahan nito ang ama na hindi pa rin umaalis sa pwesto. "Totoo ba!? ikaw ang gumawa ng pagpatay sa aking kaibigan!?" kompronta sa ama.

"Hindi! sinisiraan lang ako ng mga kinikilala mong kaibigan kanino ka ba mas naniniwala sa akin na ama mo o sa mga dayong kaibigan mo?!" tugon ni Haring Lucas.

Pinagbabasag lahat ng gamit na makita "Pare-pareho kayong lahat pinagkakaisahan niyo ang damdamin ko!" galit na galit na si Farris.

Susundan na sana ni Jane si Farris pinigilan lang siya ng kapatid "Wag mo na sundan hindi rin naman tayo ang paniniwalaan" sambit ni Chase.

Saglit na kumalma ang nagwawalang si Farris.

"Mga kawal! dakpin ang mga dayo at dalhin sakin!" makapangyarihang utos ng hari. Nagsilabasan ang mga kawal para kunin ang magkapatid. "Anong gagawin niyo samin!?" nagpupumiglas na si Chase.

Pagkaharap sa hari. "Inuutusan ko kayo na ligpitin ang gamit niyo at umalis sa aking palasyo ngayon din! binibigyan ko na kayo ng kalayaan na bumalik sa inyong mundo" utos nito sa dalawa tsaka sinenyasan ang isang kawal at tagapaglingkod na tulungan sila. "Wag niyo kaming hahawakan aalis kami" sambit ni Jane.

Nakatayo lang at walang pakialam si Farris sa usapan nila.

--

Nagmamadaling inayos nina Jane at Chase ang natitirang mga gamit. "Hindi na natin kailangan magstay dito dahil tayo ang napapasama" sambit ni Chase. Kumalma na si Farris kahit papaano pinulot niya ang laruan ni Eros tsaka umalis.

Pagkababa nila Jane ay pwersahan silang pinalabas ng mga kawal sa palasyo hindi na nanlaban pa si Chase.

Pagpasok ni Farris sa silid umupo ito malapit sa bintana na hawak ang laruan ni Eros naluluha niyang pinagmamasdan dahil ito ang kauna-unahang laruan na ibinigay niya rito. Inaalala niya ang mga araw na masaya silang magkasama ng kaibigan.

Naglalakad na paalis sina Jane at Chase. Saktong kararating lang ni Haring Ceraudus dahil nabalitaan niya ang nangyari sa palasyo ng kaibigang hari kasama ang kaniyang anak na si prinsesa Ameerha.

Nakita ni Ameerha si Chase.

Palabas na tumakbo si Ameerha "CHASE!" tawag nito sa lalaki. Lumingon naman si Chase nakita niyang papalapit si Ameerha sa kanila. Pipigilan sana ni Haring Ceraudus ang anak pero wala na itong nagawa.

Niyakap ni Ameerha si Chase lumuluha pa ito dahil sa kaniya lang niya naramdaman ang totoong saya na hindi niya naranasan.

Sa maikling panahon na sila ay magkasama naramdaman niyang may tao pang pinahahalagahan ang nararamdaman niya. Lumuluha pa ito habang yakap si Chase.

Binaba ni Chase saglit ang gamit niya. "Wag ka umiyak mahal na prinsesa, sabi ko sayo hindi nakakaganda yan, tahan na" sambit nito. Hindi pa rin bumibitiw ang prinsesa sa pagyakap sakaniya.

Tumingin si Jane sa bandang bintana kung saan naroon ang silid ni Farris nagaalala siya sa prinsipe. Hinihintay niya na sumilip ito doon.

"Babalik ka pa ba?" tanong ni Ameerha na may malungkot na tono.

"Hindi ko alam pero baka hindi na" tugon ni Chase.

Nalungkot nalang si Jane inaasahan niya kasi na sisilip si Farris doon para makita siya sa huling pagkakataon.

"Sige na bumalik kana" utos ni Chase kay Ameerha ngiti ang ibinigay nito sa prinsesa at tuluyan na itong naglakad papalayo.

"Kawal, sunduin mo ang prinsesa" utos ni Haring Ceraudus sa isang kawal.

--

Hindi maitago ni Chase ang kalungkutan sa pagpapaalam kay Ameerha. Silang tatlo na lang ang naglalakad kasama ang isang kawal na inutusan para sila ay dalhin sa lagusan papunta sa kanilang mundo.

Pagkatapos ng kalahating oras na paglalakad "Narito na tayo" sambit ng kawal. Tumigil sila sa kakaibang puno pinaliligiran ito ng napakaraming dahon. Ilang minuto ang hinintay nila. Naglikha iyon ng nakakasilaw na liwanag

Nagkatinginan ang magkapatid bago lumapit. Lumingon si Jane sa lugar bago ito pumasok may halong lungkot ang mukha nito. "Ate tara na bumalik na tayo" ani Chase.

--

Hindi matanggap ni Farris ang biglaang pagkawala ng kaibigan niyakap niya ang laruang nagpapaalala nito sakaniya. "Ang sakit parin sa akin na wala ka na" maluhang sabi nito.

---

Nakabalik na sina Jane at Chase sa totoong mundo. Basta nalang nawala ang liwanag sa likuran nila natatanaw ulit ang napakaraming tao, sasakyan at iba pa.

--

"Mahal na prinsipe" katok ng isang tagapaglingkod. "Kumain na raw muna kayo" sambit nito. Padabog na tumayo si Farris at binuksan ang pinto. Walang pagdadalawang isip na itinapon nito ang pagkain palayo tsaka malakas na sinara ang pinto.

Magkabilang Mundo ( Parallel Series #1 )حيث تعيش القصص. اكتشف الآن