Her Past

0 0 0
                                    


"Hindi nakapunta ang pamilyang kukupkop sa iyo dahil nagkaproblema raw sila," napasimangot ako sa narinig ko. Ilang beses na rin kasi nilang sinasabi na may problema, may nagkasakit at kung anu-ano pang mga rason. Hindi nila alam na alam kong ayaw nila akong ampunin.

Unang kita pa lang sa akin ni Mrs. Reyes ay alam kong ayaw niya sa akin. Ewan ko nga lang kung bakit. Pagkatapos ng unang bisita nila ay hindi na sila bumalik pa. Okay na rin iyon sa akin dahil ayaw ko rin kay Mrs. Reyes. Kung siya ang magiging nanay ko, siguradong mapapahirapan lang ako.

May ibang mga magulang ang gustong ampunin ako pero naka-reserve pa rin ako para sa pamilyang Reyes. Ilang beses ko ring tinatanong si Mother Angela kung kailan nila ako kukunin ngunit pare-pareho lamang ang kaniyang isinasagot, iyon ay palagi raw abala ang pamilyang Reyes.

Ilang araw at buwan pa ang lumipas na walang Reyes na kumuha sa akin. Palagi kong kinukulit ang mga madre na nag-aalaga sa amin na ibigay na lang ako sa iba ngunit hindi raw ako pwedeng ibigay sa iba dahil napirmahan na raw nila ang adoption papers ko.

Isang araw ay abala ang lahat para sa nalalapit na kaarawan ni Mother Angela. Gaya ng nakagawian ay alam kong magpapa-feeding sila sa mga mahihirap na pamilya. Natuwa naman ako dahil sa wakas ay maisasakatuparan ko na ang matagal kong pinaplano, ang pagtakas dito sa ampunan.

Habang abala ang lahat sa pagluluto at paghahanda, bilang pinakamatanda sa ampunan ay ako ang naatasang bantayan ang mga bata. Inaaliw ko sila sa mga binabasa kong libro habang naghihintay ng oras.

Pagsapit ng Alas-Kuwatro ng hapon ay nakita kong inilalabas na nila ang mga nalutong pagkain para maibigay na sa mga mahihirap na pamilya. Kabisado ko na ang galawan ng mga taga-bantay namin. Sa mga oras na ito ay walang nakapwesto sa likuran ng ampunan at doon ko planong tumakas.

Nang makita kong inaantok na ang mga bata ay nagpaalam ako na iihi muna at babalikan ko rin sila kaagad, ngunit imbes na sa banyo ang punta ko ay tumungo ako sa likod ng ampunan at kagaya ng inaasahan ko ay wala ngang tao roon.

Hindi na ako nagdala ng kahit ano, baka makasagabal pa sa pagtakas ko. Luminga-linga muna ako sa paligid bago ko hawiin ang mahahabang damo at doon ay bumungad sa akin ang maliit na butas. Yumuko ako at dahan-dahang gumapang palabas. Medyo nahirapan pa ako dahil mas malaki ang katawan ko kumpara sa butas.

Nang makalabas ako ay malawak na kagubatan ang tumambad sa harapan ko. Dahil ilang beses na rin akong lumalabas, nilalagyan ko ng palatandaan ang bawat dinaraanan ko. Para kung sakaling darating ang araw na tatakas na ako ay hindi ako mahirapan.

Nagsimula na akong naglakad papasok ng gubat. Hindi ko pa nararating ang kalsada pero alam kong malapit na iyon sa huling nilagyan ko ng palatandaan. Ilang oras ang nakalipas ay narating ko na ang huling palatandaan. Hahakbang na sana ako nang makarinig ako ng kaluskos sa malayo.

Imbes na matakot ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa may kaluskos. Yumuko ako nang malapit na ako at sumisilip-silip na lang sa pagitan ng mga talahib. Nang iniangat ko ng konti ang aking ulo ay isang usa ang nakita ko. Lumapit pa ako at doon ko nakita na nakahiga ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang panang nakatusok sa tiyan ng usa. Bigla akong naawa at lalapit na sana nang makaramdam ako ng hapdi sa kaliwang balikat ko. Halos mapahiga ako nang makita ko ang kaparehong panang nakatusok doon.

Pakiramdam ko ay para na akong mamamatay sa sakit. Hindi ko na rin mapigilan ang mapa-iyak.

"Sigurado ka bang malapit lang iyong usang tinamaan mo kanina?"

Natigilan ako nang makarinig ng boses sa malayo. Hindi ko alam pero bigla akong natakot. Pakiramdam ko ay papatayin nila ako kapag nakita nila ako rito. Kahit nanghihina ay pinilit kong gumapang palayo. Napapakagat-labi ako sahil sa bawat galaw ko ay kumikirot ang sugat ko.

"Bakit naman po ganito?" iyak ko. Hindi ito ang ginusto kong kahihinatnan ko. Nagpatuloy lang ako sa paglayo. Nang maramdaman kong ligtas na ako ay nagpahinga ako saglit, ngunit biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya pinilit kong tumayo at dahan-dahang nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi inaasahang nadulas ako at nagpagulong-gulong sa bangin. Sobrang sakit ng katawan ko at ramdam ko ang pagbaon ng panang nakatusok sa balikat ko. Pakiramdam ko ay mamatay na ako. Nang matigil na ako sa paggulong ay sinikap kong tignan kung nasaan ako. Kahit nanlalabo ang paningin ko ay naaaninag ko na nasa highway na ako.

Gusto ko mang matuwa dahil sa wakas ay narating ko na ang kalsada pero hindi ko magawa dahil sa mga sinapit ko. Nanunuot ang sakit ng katawan ko, idagdag mo pa ang panang nakatusok sa balikat ko. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa panghihina at hinihintay nalang kung kailan ako malalagutan ng hininga Hanggang ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko na alam.

'We will meet again, anak.'

Nagising ako dahil sa panaginip ko. Akala ko rin ay panaginip lang ang mga nangyari sa akin pero noong ilibot ko ang paningin ko ay nasa isang hospital ako. Babangon na sana ako nang kumirot ang sugat ko sa balikat.

"Mom she's awake!" sigaw ng isang lalaki na hindi ko napansin na naroon pala sa kuwarto ko. Tumakbo ito palabas. Pagbalik niya ay may kasama siyang napakagandang babae.

"Are you alright?" tanong nito sa akin ngunit nanatili lang akong nakatulala sa kaniya.

"She's still in a state of shock, Mrs. Dulatre. I suggest na mamaya niyo na siya kausapin," sabi ng kadarating lang na doctor na may kasamang mga nurse.

Lumapit ang mga ito sa akin at tinanong kung ano ang nararamdaman ko. Pagkatapos ay pinalitan nila ang benda ko sa balikat.

"She may be physically healed, but her mind isn't. Hindi ko alam kung gaano naka-apekto sa kaniyang pagi-isip ang mga pinagdaanan niya. She's too young to experience that kind of trauma," paliwanag ng doctor. Kahit papaano ay naiintindihan ko ang sinasabi ng doctor.

"Mommy, is she okay?" tanong ng lalaki sa napakagandang babae.

"She's fine now, Zach," sagot ng babae sa anak niya.

Hindi nga muna nila ako kinausap gaya ng bilin ng doctor. Ilang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako payagang makalabas. Ini-uwi ako ng pamilyang tumulong sa akin.

"Feel at home Danivah," nakangiting sabi sa akin ni Tita Sylvia. Tahimik lang akong sumusunod sa kanila. Hindi ko maiwasang ilibot ang aking mga paningin sa magandang disenyo ng bahay. Sa pintura at mga kagamitan pa lamang ay kita na ang karangyaan sa pamamahay na ito. At kung suswertehen ako ay ang pamilyang ito ang makapagbabago ng buhay ko.

~~~

Sila na kaya ang kukupkop kay Danivah? O ibabalik ba siya sa ampunan na pinanggalingan niya? Abangan sa susunod na kabanata.

Hi there Moonies!

So, here I am starting again and I hope you will support me in this new journey. Sana nga final na ito dahil kapag nawala pa ang account kong ito ay mawawalan na talaga ako ng ganang magsulat. Hayhay!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salude Academy: The Rumored AnomalyWhere stories live. Discover now