Chapter Six: CARD

3 3 0
                                    

**

MALACHI

"Good morning, class!" Nakangiting pagbati sa 'min ni Mr. Haieji, ang Chemistry teacher namin.

"Good morning, Sir!" Bati pabalik ng mga kaklase ko na may kasama pang pagyuko. Ako naman ay napabuntong hininga dahil sa pagkabagot, ayoko ko talaga sa subject na 'to.

Pinansin ko ang lalaking katabi ko na ngayon ay nakatuon nanaman ang atensyon sa labas ng bintana, nakasuot pa ng headphone.

Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya? Tsk. Porket top 1 eh.

Kakalabitin ko sana siya kaya lang biglang nagsalita si Mr. Haieji kaya umayos na lang ako ng upo. Siya naman ay gano'n pa rin.

"Good news, class. We will not be having our classes today due to some emergency meetings. At alam niyo naman siguro kung anong meron," tiningnan kami ni Mr. Haieji na para bang may pinapahiwatig.

Nagkatinginan naman sa isa't isa ang mga kaklase at mukhang alam nila. Ako naman na 'di maka-relate dahil transferee ako. Ito namang katabi ko ay gano'n pa rin, nonchalant, pero alam ko namang nakikinig 'yan.

"So, goodbye for now. Just wait for the annoucements." paalam ni Mr. Haieji.

Nang tuluyan na itong makaalis ay doon na nagsimulang mag bulungan ang mga kaklase ko.

Palihim naman akong nakinig dahil chismosa ako. Isa pa estudyante rin ako dito kaya dapat lang na alam ko, 'no!

"Hays, ito nanaman." napapabuntong hiningang sambit ni Eum na nasa harap ko lang.

"Another year, another suffering! Maha-haggard nanaman face ko!" maarteng sigaw ni Somi, habang pinapaypayan pa ng kanyang kamay ang mukha niya na animo'y nini-nerbiyos kahit 'di naman.

"Ano kaya kung baguhin nila ngayon?" Nakarinig naman ako ng chismisan sa bandang kanan ko kung sa'n naroon sina Ezra, Elyse at Amber, ang trio sa room namin.

"Possible. Every year naman may kaunting pagbabago eh."

"Pero iba nararamdaman ko ngayon eh."

"You know what, guys, just what Mr. Haieji said let's just wait for the announcement, okay?"

Napabuga na lamang ako ng hangin dahil wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila.

Nevermind. Mamaya malalaman ko rin.

"Psst! Guys, be quiet!" pumunta sa harap ang Pres naming si Avi para suwayin ang mga kaklaseng kong palakas ng palakas ang bulungan at chismisan.

Napalingon kaming lahat sa speaker na nasa itaas ng blackboard namin dahil tumunog ito. Mukhang ito na ang announcement na sinasabi ni Mr. Haieji kanina.

Nanahimik kaming lahat at nakinig.

"ANNOUNCEMENT! ALL STUDENTS, PLEASE GO TO LOCKER ROOM, NOW!
AGAIN, ALL STUDENTS, PLEASE GO TO LOCKER ROOM, NOW!" ma-awtoridad na utos ng boses ng babae mula sa speaker. Pagkatapos ng announcement ay agad nang nagsilabasan ang mga kaklase ko na para bang inaasahan na nila 'yon.

Ako naman ay sumunod na lamang sa kanila kahit na wala akong ideya ano ba talaga nangyayari.

Hindi ko na pinagkaabalahang lingunin pa ang lalake na katabi ko kanina. Alam ko namang narinig niya ang announcement eh.

Halos mapuno na ang hallway papuntang locker room dahil sa mga estudyanteng nagtatakbuhan papunta doon. Sa tingin ko, lahat ng estudyante papunta ngayon sa locker room.

Enigmatic VengeanceWhere stories live. Discover now